CHAPTER 1

268 10 0
                                    

Chapter 1

Alas'POV

Ako si Ace Imperial, hindi ko tunay na pangalan.

Tanga.

Kung iniisip mo na isa itong confession sa isang Secret Files page ay tanga ka.

Hindi ko talaga tunay na pangalan ang Ace Imperial.

Isa lamang itong pangalan na ginagamit ko sa mundo ng mga mortal.

Ang totoo kong pangalan ay Alas Imperium, at ang pagkatao ko?

Hindi na importante kung ano ako tutal matagal ko na namang kinalimutan kung sino at ano talaga ako.

"HAHAHAHA! Yan ang nararapat sayo, ugly nerd!" huwag kayong mag-alala, hindi ako ang binubully.

Napatingin ako kay Cally, ang campus nerd.

Ewan ko ba kung bakit ayaw nyang lumaban.

Kilala ko si Cally, ang buong pagkatao nya.

Isa syang supermodel disguising as a nerd dahil sa gusto nyang mamuhay ng normal.

Sa nakikita ko, hindi ito normal.

Matigas ang puso ko pero may awa naman ako.

Nilapitan ko sina Chesca, kilala bilang princess kuno ng unibersidad namin.

"Tigilan nyo nga si Cally." suway ko sa kanila at nabaling ang atensyon nila sakin.

"Oh come on, Ace! Don't be like that! Why don't you try joining our group? It's so fun bullying this nerd kaya." maarteng sabi ni Chesca at napa-"Tsk." ako.

"Titigilan nyo ba sya o baka naman gusto nyong makatikim ng galit ko?" madiing sabi ko sa kanila.

"You're so kill joy, Ace! Let's go na nga girls." maarte na naman nitong sabi at umalis na sya kasama ang dalawa nyang mga alipores na sina Veronica at Ruth.

Nabaling naman ang atensyon ko kay Cally. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at tinanggap nya naman ito.

"Thank you." pasalamat nya.

"Sabi ko naman kasi sayo, ilantad mo na kung sino ka talaga." nginitian nya lang ako.

"Sa susunod hindi na talaga kita tutulungan kaya mabuti pa'y sabihin mo na sa lahat na ikaw si Calice Miller." sabi ko at iniwan na sya, baka kasi mahuli pa ako sa klase.

Pagpasok ko sa classroom ay napatigil silang lahat pero nang maka-upo ako ay nagsimula na naman silang magharutan at magbatuhan ng bolang papel.

"Balita ko tinulungan mo na naman si Cally ah?" napatingin ako kay Aya, bestfriend ko.

"Oh? Ba't ganyan ka makatitig, may nangyari ba?" tanong nya pero hindi ko ito pinansin.

"May nakasalubong kana naman ba kagabi?" muli akong napatingin sa kanya.

"Pwede ba, Aya? Wag mong babanggitin ang mga yon dito, baka may makarinig satin." sabi ko sa kanya.

"Pero meron nga?" kahit kailan napaka-kulit talaga ng babaeng to.

"Lalo silang dumadami... kaya mag-ingat ka. Wag kang lalabas tuwing gabi, mas-aktibo sila sa ganoong oras." paalala ko.

Sa lahat ng mortal na nakapaligid sakin, si Aya lang ang nakakaalam sa kung ano talaga ako.

Alam nya kung ano ako pero hindi ko sinasabi kung sino ako.

Hindi nya naman kailangang malaman kung ano ang posisyon ko sa mundong kinabibilangan ko noon.

Alas ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon