Chapter 16
Alas'POV
Napamulat ako at bumungad sakin ang mukha ni Aya. "Ace.. okay kana ba? May masakit pa ba sayo?" tanong ko.
"O-okay lang ako." tumayo ako at nag-unat ng katawan, sumakit kasi yung likod ko dahil sa pagkakasandal ko sa puno. Teka.. puno?
"Anong ginagawa natin dito sa gubat?" tanong ko.
"Inilayo kita kay Tre-- I mean kay Dos." sinamaan ko ng tingin si Aya.
"Hindi mo na kailangan pang mag-sinungaling sakin Aya. Nanaginip ako.. and I know that it wasn't just a dream, it was a memory. I remember the first day I met Tredos or should I say, Tres Amantes?" napaiwas ng tingin sakin si Aya.
"Bakit mo inilihim sakin?" may halong lungkot na tanong ko sa kanya.
"Dahil natatakot si Dos na layuan mo sya kapag nalaman mo ang tungkol kay Tres pero sa totoo lang.. ayaw nyang masaktan ka ni Tres."
"Bakit ko naman sya lalayuan? Hindi nya ba alam na masnauna kong makilala si Tres kesa sa kanya? I even saved his life once." naging seryoso si Aya.
"Oo iniligtas mo sya.. pero sa nag-aalab na galit sa puso ni Tres ngayon, sa tingin mo ba may pake pa sya sa nakaraan nyo? Ace.. kung si Dos may pake sayo, si Tres wala. Kayang-kaya ka nyang saktan anytime and anywhere he wants." hindi na ba talaga sya ang Tres na nakilala ko?
"Nakita mo naman Ace d ba? Muntik kana nyang mapatay kanina, kung hindi ko pa sya napigilan ay baka patay kana ngayon." tama si Aya, kayang-kaya akong patayin ni Tres.. but why do I feel na imbes na kalabanin ko si Tres ay dapat ko syang iligtas?
Why do I feel like Tres is a victim too?
A victim that I should save from darkness.
Napatingin ako sa langit. FUCK!
"A-ang pulang buwan.." napatingin si Aya sa buwan.
"A-aya, anong oras na?" tanong ko habang pareho kaming nakatingin sa buwan.
Napatingin si Aya sa relo nya. "Mag-a-alas dos na ng madaling ara--" hindi na naituloy ni Aya ang pagsagot sa tanong ko nang makarinig kami ng isang malaking pagsabog mula sa city.
Tres'POV
"Tres, tumigil ka! Pakiusap.. tama na." hindi ko pinansin ang pagsasalita ni Dos mula sa aking isip.
Napa-smirk ako habang nagtatakbuhan ang mga mortal palayo sa halimaw na ginawa ko.
Hindi pa ito sapat para sa lahat ng paghihirap na naranasan ko noon, tsk.
"TRESSS!" napatingin ako sa babaeng sumigaw mula sa itaas ng building, si Amory.
"Tres, itigil mo to. Alam kong may kabutihan pa dyan sa puso mo.. hindi pa huli ang lahat. Please stop this." matagal nang huli ang lahat para sakin, Amory.
"I won't stop anything kahit na sigawan mo pa ako, Amory. Wala kanang magagawa pa." sabi ko at sinamaan nya ako ng tingin.
"Pag hindi mo itinigil to, hindi ko tutuparin ang ipinangako ko sayo." n-naalala nya parin yon?
"Sige na, Amory. Isang yakap lang, please?"
"Ayaw ko nga, stay away from me, Tres!" napa-pout ako.
Ang damot naman ng babaeng to.
"Fine let's make a deal." napatigil sya sa paglalakad at humarap itong nakakunot-noo sakin.
"That sounds fun, what kind of deal is it?" tanong nya.
"Kapag namiss mo ako magmula ng araw na to, sa susunod na makita mo ako.. yayakapin mo ako ng mahigpit." lalo itong napakunot-noo.
"What do you mean by that? Aalis ka ba? Iiwan mo na ba ako?" napangiti ako.
"Just promise me, Amory. Is it a deal?" nakakunot-noo nyang tinignan ang pinky finger ko.
"Just come back soon, okay?" tinanguan ko sya.
"Deal." and we locked our promises by doing a pinky swear.
I'll really miss you, Amory.
"I won't hug you tight kahit na miss na miss na kita." napaiwas ako ng tingin.
Wag kang magpaloko sa mga sinasabi nya, Tres. Amory just want you to stop from killing humans that's why she's saying those things.
"I told you already, Amory, you can't stop me anymore." madiin kong sabi at pumadyak sa lupa dahilan para magkaroon ng lindol.
Alas'POV
I don't have a choice.
Kung hindi ko sya makukuha sa salita, then I'll do it physically.
Tumalon ako mula sa rooftop ng isang mataas na building at pagkatapak ko sa lupa ay dilaw na ang mga mata ko.
Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kinaroroonan ni Tres pero bago pa ako makalapit sa kanya ay hinarangan na ako ng napakaraming demautus.
Hinawakan ako ng dalawang demautus sa magkabilang braso ko pero wala lang sila para sakin no kaya sabay ko silang binalibag sa lupa. Lakas no?
Masusuntok na sana ako nung isang demautus pero agad ko namang nahawakan ang kamao nya at sinikmuraan ko sya.
"Napalakas ata ang pagkakasuntok ko." paano ba naman eh napatalsik ko ng malayo yung demautus.
Nakita kong patakbo sakin yung iba, owshit. Tinabunan nila ako and fuck! Ang babaho ng mga to, I can't breathe!
Aisshh..
Pinailaw ko ang sarili ko at sa isang iglap ay nagtalsikan silang lahat papunta sa iba't-ibang direksyon.
"Ginagalit nyo talaga ako." I feel mad but this feels so fun!
"Ano? Hindi nyo ba kaya si Amory? Pumili kayo, lalaban kayo o ako ang papatay sa inyo?" napa-smirk ako dahil sa sinabi ni Tres sa mga kasamahan nyang demautus.
Hindi manlang sya nagbago, palaban parin talaga sya hanggang ngayon. Pero.. ang yabang parin nya, hmp.
Isang batalyong demautus ang sumugod papunta sakin.
Napabuntong-hininga ako. "Pinapahirapan mo naman ako, Tres eh."
I guess I don't have a choice?
Pinalabas ko ang sagradong armas ko at naghandang makipaglaban sa isang batalyong demautus na tumatakbo papunta sakin.
Tumakbo ako ng mabilis palapit sa kanila at isa-isa ko silang pinatay.
Inabot ako ng ilang minuto bago ko sila naubos. Tsk, nabalot tuloy ng dugo ang suot ko.
Napatingin ako sa kinatatayuan ni Tres.
Pinunasan ko ang dugong tumalsik kanina sa mukha ko.
"Mga walang kwenta talaga tong mga demautus na to." rinig kong sabi ni Tres.
"Mukhang naubos ko na ang mga kasamahan mong demautus, Tres?" nakita kong nag-smirk sya.
"Baka nakakalimutan mo ang higanteng to." napatingin ako sa higanteng halimaw na itinuro ni Tres.
"Pinapagod mo talaga ako Tres, wala kang awa sakin ah."
"But sure.." napa-smirk ako. "I'll accept this as a challenge."
BINABASA MO ANG
Alas Imperium
Fantasy[COMPLETED] Mirfantasy #1 To be revised/edited. Alas Imperium, ang itinakwil na prinsesa ng kaharian ng Zemtrus matapos ibigin ang prinsipe ng kasalungat na kaharian; ang Demtrus. Sa pamumuhay niya sa mundo ng mga mortal bilang si Ace Imperial, maki...