Pababa na ako ng hagdan,it's already 3pm at kanina pa pala nandyan ang mga susundo sakin. Masyado naman yata silang excited?
Pagbaba ko ay uminom muna ako ng tubig tsaka na ako lumabas,sa paglabas ko sinalubong ako ng dalawang matitipunong lalaki na naka suit. Ano to? Sobra naman pomorma,driver ba to o business man?
Yumuko ako bilang pagbati pero nagulat ako ng pag angat ko ng tingin e nakaluhod sila sa harapan ko habang nasa harapan ang kanang kamay nila habang yung kaliwa naman ay nasa likod.
Aba,ano to hwarang? Ito ba yung araw na dumalaw si haring jidwi sa hwarang house? Hanip ah.
"Hala! Nako mga kuya hindi po ako hari,wag naman kayong ganyan. Tayo na kayo." Parang naiilang kong sabi habang tinutulongan sila sa pagtayo.
Nang makatayo na sila ay nginitian ko silang pariho at maglalakad na sana papunta sa sasakyan nila ng hawakan nong isang kulay brown ang buhok yung braso ko.
Nilingon ko sya at binigyan ng nagtatakang tingin, "Bakit po?"
"Let me bring your bag señora." Matigas na sabi nong isa.
Napakunot naman ang noo ko,bring my bag? Ano? Hold up ba to? Lagot na.
"N-nako kuya huwag na,kaya ko naman. Hindi ako disabled." Pagtangi ko at nagpatuloy na sa paglalakad habang nakasunod naman yung dalawa saakin.
Napaka weird naman nila,I never like to be called señora,parang ang tanda ko nang pakingan non.
Bubuksan ko na sana ang pintoan ng kotse ng pigilan ako nong kulay black ang buhok at sya ng ang nagbukas nito para saakin kaya pumasok na ako saka nya ito isinara at sumakay na sila ng sasakya.
Gentleman yung isa ha,nice...
Habang pinapaandar nila ang kotse ay nakatanaw lang ako sa labas ng bintana,grabi. Umuulan ngayon at sobrang lakas.
May bagyo siguro,hindi narin kasi ako nakakapanood ng balita. Paiba-iba na talaga ang panahon ngayun,kaninang umaga sobrang ganda ng panahon tapos ngayon bumabagyo.
Pansin koring tahimik ang dalawang taong kasama ko,nakakapanis naman ng laway kasama tong mga to. Hindi naman sila pipi pero hindi sila nagsasalita.
Idinungaw ko ang ulo ko sa gitna ng front seat at palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa,mukhang mga bata pa sila,Mga nasa 29.
Ang kinis at ang puti rin ng mga mukha nila para sa isang driver,siguro gwapo rin ang amo nila kaya allergic sa mga panget at pati driver dapat ganito ka gagwapo at kikisig.
"Ya? Anong name mo?" Tanong ko kay kuyang black hair na syang nag da-drive.
Naiilang nya akong tinignan at saka ibinalik ang atensyon nya sa kalsada.
"Verick po, señora." Sagot naman nya.
Okay na sana eh,siningit pa yung señora.
"Ay. Nice name,tsaka. Don't call me señora po,I'm not comfortable with it." Sabi ko at binalingan naman ang lalaking brown ang buhok,
"You kuya? Anong pangalan mo? Tsaka wag mo akong tawagin na señora ha? Malilintikan ka sakin." Pagbibiro ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Verick kaya napangisi rin ako.
Tinignan din ako nong lalaki at saka yumuko.
"Nevick po. Se- ma'am." Pagpapakilala nya.
BINABASA MO ANG
MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONG
FanfictionMarydale Entrata is just a simple girl with big dreams,She wanted to be a successful woman one day and have a normal life like everyone. But what if one day someone she didn't know claimed her as his own? and said she is his all along... Matutupad p...