CHAPTER 29

1.7K 87 4
                                    


"Yes,everything is prepared for our wedding... OO MO NALANG ANG KULANG..."

Nanginig ang kalamnan ko sa sinabing iyon ni edward,parang nanghina bigla ang mga tuhod ko.

Hindi ako nakapagsalita at titig na titig ako sa kanya ngayon habang halatang gulat ako sa narinig ko.

Hinahanap ko ang bakas nang 'BIRO' sa mukha nya pero seryoso talaga sya sa sinabi  nya.

"I'm just waiting for you to say 'yes' and everything is ready." Biglang sabi nya.

Bumuntong hininga ako at saka ako tumingin nang deretso sa kanya.

"How sure are you that you'll get my yes?" Taas kilay na tanong ko "Paano kong masayang lahat nang effort mo?" Dagdag ko pa.

Gulat na naman ako nang biglang nakaboo nang ngisi ang mga labi nya at deretso nya akong tinignan sa mata.

Nakaramdam na naman ako nang ilang kaya naman iniiwas ko ang paningin ko sa kanya.

"Why? Aren't you going to say yes?" Malakas ang loob na sabi nya.

Ako naman ngayon ang napangisi sa kataasan nang confidence level nya at saka bahagyang natawa pa pero wala paring nagbabago sa ekspresyon nang mukha nya at nanatiling nakangisi sya.

Lakas nang apog ah! Nakahithit yata to nang katol e.

"At talagang nanggaling payang linyang yan sayo? Psh. I don't know that you have a high level of confidence, Nice." Sarkastikong sabi ki at saka umirap.

Tumawa sya at saka may kinuha sa bulsa nang polo nya na isang maliit na pulang box at gulat naman ako nang binuksan nya iyon.

Isang singsing...

Ganon nalang ang panglalaki nang mga mata ko nang ilapit nya iyon sakin at saka sya tumayo at lumuhod sa harap ko.

Ano bang ginagawa nitong ugok na to?! Is he out of his mind?!

Nang makaluhod na sya sa harap ko ay ngumiti sya at ganon nalang rin ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ko at ang pagbilis na pagtibok nang puso ko.

"Will you marry me marydale?" Biglang tanong nya na mas ikinagulat ko.

Hindi ako nakasagot o maski manlang nakagalaw sa sinabi nya,nanginig ang boong katawan ko at pakiramdam ko ay gusto kong tumakbo palayo sa kanya.

Gusto kong lamunin nalang ako nang lupa at hindi nalang ako ibalik para makawala ako sa kahihiyang to na nasa harap ko.

Tigilan mo to,please.. Tigilan mo!

Ramdam ko ang pamomoo nang malalaking butil nang pawis sa noo ko at sa kamay ko,hawak nya ngayon ang kumikinang na singsing na may hugis puso pang bato sa sentro nito na sya namang kamangha-manghang tignan.

Kung si kid lang ang nasa harapan ko ngayon ay wala pa sigurong isang segundo ay sumagot na ako at tuwa ang nararamdaman ko ngayon at hindi ilang,hiya at kaba.

Taas kilay akong tumingin na naman sa kanya na hinahanap na naman ang biro sa mukha nya pero seryoso nga sya,nababaliw na nga yata ang lalaking to.

"Will you marry me?" Ulit nya at napalunok naman ako.

Speak marydale! Speak!

Sunod-sunod ang lunok na ginawa ko at may parte saking parang atat na atat na isuot ang singsing nayun pero may parte rin saking ayaw dahil hindi pwede.

Hindi maaari at hindi dapat dahil may boyfriend ako at hindi ko kayang saktan sya,ayokong saktan sya at mas lalong ayokong nakikita syang nasasaktan nang dahil sakin.

MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon