VIVOREE'S POV
Nakayuko ako mga bes,nalulungkot ako para sa bestfriend ko.
Alam kong baliw-baliwan ako pero nagseseryoso parin naman ako at nalulungkot talaga ako ngayon.
Kababalik lang namin sa ilog ng mga natitira,gusto kong samahan silang maglangoy ang kaso ay hindi ko magawa kakaisip kay maymay.
Bakit ba kasi ang haba ng buhok non?! Nahirapan tuloy sya.
Napailing nalang ako at kinuha ang camera ko sa gilid ko saka ko pinagkukuhanan ng pictures ang mga kasama ko,sa pamamagitan non ay napangiti ako at nawala ang lungkot ko.
Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanila para makuhanan ko sila ng mas magandang kuha.
Photography ang course ko nong highschool,may ganon kasi kami non kaya magaling ako sa pagkuha ng mga litrato.
Gusto ko nga sanang mag photographer ang kaso ay ayaw nina mom at dad kaya napilitan akong mag business para daw may alam ako sa negosyo at ako ang mamahala ng negosyo namin SOMEDAY!
lintik na someday yan,ayoko kasing mamahala ng negosyo. Gusto kong mag travel at mag take ng maraming pictures!
"Tumagilid ka syd,lagay mo yung kamay mo sa bewang mo then fierce." Mandar ko kay sydney na ngayon ay syang pinagkakaabalahan kong kunan ng litrato at sumunod naman agad sya.
Agad ko syang kinuhanan ng litrato at tinignan iyon,napangiti ako dahil ang galing nyang mag pose. Gusto ko ring magmodel kaso... Nevermind. Masasaktan lang ako.
"Nice!" Sigaw ko matapos ko syang kuhanan uli ng litrato.
Nang mapagod sya ay naglangoy muna sya at ako naman ay naisipan kong maglakad-lakad muna para makakuha ng mas magandang view.
Narating ko ang nag gagandahang bulaklak kaya napangiti ako at agad akong sumuot don,gusto kong picturan ang sarili ko kaso wala akong kasama.
Ito na nga ba ang sinasabi ko e! Ang daming nagpapapicture sakin pero wala manlang makapag picture sakin! Huhu.
Wala akong choice dahil DLSR ang dala ko ay naiwan ko ang cellphone ko sa loob ng mansion,mahirap naman kong baliin ko ang kamay ko mapicturan lang ang sarili ko? Psh.
Naglakad ako papalapit sa mga bulaklak at sumuot talaga don hanggang sa makatabi ko na ang mga bulaklak na matataas at iba't-iba ang kulay.
Umupo ako at saka ko kinuhanan ng litrato ang mga bulaklak galing sa ilalim at saka ko kinukuhanan na naman ito sa panibagong anggolo at nagpapaulit-ulit lang ako.
Mas matangkad pa yata sakin ang mga bulaklak na nandito dahil natatabunan na ako ng mga ito,umupo ako sa lupa. Litiral na upo,wapakels ako kong madumihan man ang soot ko at tinugnan ang mga kuha ko.
"Ayos a,cool."
Gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig na yun at napairap ako ng makita ko si marcong na nakangiti habang nakatingala sa mga nagtataasang bulaklak.
Hanggang sa madapo ang tingin nya sakin at parang gulat pa sya kunyari.
Akala mo naman hindi nya ako sinusundan talaga! Psh.
"Oh,you're here?" Patanong pang aniya pero irap lang ang natanggap nya sakin at saka ko pinagpatuloy ang pagtingin sa mga litrato.
Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag-upo nya sa tabi ko at may bitbit rin syang camera,kumukuha din sya ng litrato sa iba't-ibang angles pero nagulat ako ng itapat nya sakin ang camera nya at saktong pagharap ko ay ang pag flash non.
BINABASA MO ANG
MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONG
FanfictionMarydale Entrata is just a simple girl with big dreams,She wanted to be a successful woman one day and have a normal life like everyone. But what if one day someone she didn't know claimed her as his own? and said she is his all along... Matutupad p...