Nagulat pa ako saglit sa biglaan nyang sinabi at hindi nakapag react.
Hindi ko maintindihan kong bakit ganito ang ini-asta nya,anong it's you?
"A-ano pong ibig nyong sabihin miss L?" Biglang tanong ko sa ngingisi-ngising si Miss L.
Nagitla ako ng hawakan nya ang kamay ko at niyugyog iyon.
"YOU'RE HIRED!" Excited nyapang sabi na naging dahilan para mapa pikit ako pero dumilat rin agad "Okay. We're done here,you're hired and you'll start tomorrow okay?! Oh my hihi! 7:30 dapat nandito kana,just find ashley,the girl outside. Sya ang magsasabi sayo ng mga gagawin mo bilang secretary ng kapatid ko,I have to go,good luck." Aniya pa agad na tumayo at kinuha ang mga gamit nya't nag madaling umalis,kinausap nyapa yung ashley at saka nagmamadaling tumakbo.
Weirdo amputs!
Napailing nalang ako at wala sa sariling inayos ang sarili ko saka ko nilisan ang office ni miss L.
Sa labas ay nakita ko ang ngiting-ngiti na si ashley at pumapalakpak pa ito,hindi ako makapaniwala na ganito ka weird ang magiging araw ko.
"Oh my! Sabi ko sayo diba? I know she'll like you. O paano ba yan? Tomorrow at 7:30 okay? I'll see you tomorrow." Masigla ring sabi nya at saka lumabas sa isa pang pinto na syang daan para makarating sa lobby.
Napapailing akong naglakad pasunod sa kanya pero aaminin kong nakaramdam ako ng matinding tuwa dahil alam kong natanggap ako at malaking tulong ito.
Hindi ko man maintindihan ang naging reaksyon ni Miss L ay hindi ko na iyon ininda at dumeretso na palabas ng building na yun at dumeretso narin sa isang restaurant para mag take out.
Naging masaya ako simula ng makalabas ako sa restaurant na iyon at nag taxi nalang pauwi,hindi rin naging matagal at narating ko ang bahay,napalitan ang pagiging masaya ko ng kaunting panlulumo.
Hindi katulad ng dati ay walang kabuhay-buhay ang bahay namin..
Umiling nalang ako at pagkatapos mag bayad ng pamasahi sa taxi driver ay pinilit kong ngumiti bago pumasok.
Sa salas ay nadatnan ko si nanay alda na naglilinis sa sala,ng mapansin nya ang ngiti ko ay agad na kumunot ang noo nya at lumapit saakin ng may nagtatakang tingin.
"Anong inginiti-ngiti mo dyan ha?" Nanunuksong tanong nya.
Bahagya akong napatawa sa ini-asta nya at umiling saka ako nagmano sa kanya at hinagkan sya sakto namang pagbaba ni mommy galing sa taas kaya nagmadali akong lapitan sya at hinagkan rin.
Pag layo ko sa kanya ay gaya ni nanay ay nakakunot narin ang noo nya pero may ngiti sa mga labi nya.
"You look happy today marydale,what happened?" Nakangiting tanong ni mommy.
Iginiya ko si nanay at manang papunta sa kitchen at pina-upo sa upuang nakapalibot sa lamesa saka ako kumuha ng plates at inihanda ang binili kong pagkain.
Ng matapos ako ay agad akong umupo sa harap nilang dalawa at saka unti-unting lumawak ang ngiti ko.
"Natanggap ako bilang secretary!" Masayang anonsyo ko.
Gaya ng inaasahan ay hindi sila nakapag react agad pero kalaunan ay mukhang na gets na nila kaya sabay kaming nag tititili,don pumasok si dad na may bitbit na dyaryo,nakakunot ang noo at animong naiinis.
"Why are you all shouting?" Inis nyangang tanong.
Natawa lang kaming lahat at saka sinabi ni mommy sa kanya ang magandang balita na ikinatuwa rin naman nya.
BINABASA MO ANG
MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONG
FanficMarydale Entrata is just a simple girl with big dreams,She wanted to be a successful woman one day and have a normal life like everyone. But what if one day someone she didn't know claimed her as his own? and said she is his all along... Matutupad p...