CHAPTER 28

1.9K 95 3
                                    

Naiilang ako ngayon habang kumakain kami ni edward,kasama namin sina sydney at nanay sayra.

Ramdam ko ang pagsulyap nya sakin habang sumusobo at nakangiti pa sya kaya dagdag ilang yun para sakin.

Wag ka kasing ngiti nang ngiti!

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kanina kong bakit ganon nalang ang ngiti ko nong sabihin ni edward ang mga salitang yun habang nasa office nya kami.

Yumuko na naman ako para magpakawala nang nakakalokong ngiti at naiiling pa at saka ko kinalma ang sarili ko at sumubo.

Tahimik lang kami at ang tanging ingay ay ang pagdidikit nang kotsara sa plato namin.

"So.. Kaylan kayo ikakasal ed?"

Umubo ako sa biglaang tanong nayon ni sydney dahil nabulonan ako,dali-dali akong uminom nang tubig at saka ko sya tinignan nang masama pero tumawa lang sya.

Hindi nya nga pala alam na may boyfriend ako.

Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain,pero nagulat na naman ako nang marinig ko ang biglang pag bungis-ngis ni edward kaya taka akong napatingin sa kanya.

Binigyan nya naman ako nang ngiting parang nagsasabing 'WHAT?' kaya inirapan ko nalang sya at ipinagpatuloy sa pag kain.

"Everything is ready syd,you can be one of the designs on our wedding if you want. Haha!"

Mas lalo akong nagulat sa sinabi ni edward na iyon na pabagsak ko pa talagang nabitawan ang spoon and fork na hawak ko para lang tinignan sya.

Ano bang sinasabi nyang ready dyan? Nabibiro ba sya?

"Na,kung pagiging design rin lang ang trabahong ipapagawa mo sakin sa wedding mo... It's better if I stay here,psh." Nakasimangot na sabi ni sydney at natawa naman ang dalawa pa naming kasama habang ako ay gulat paring napatingin sa kanya.

Ang kaninang parang baliw akong napapangiti dahil sa sinabi ni edward ay bigla nalang napalitan nang kaunting inis kaya walang sabi-sabi akong tumayo at saka iniwan na sila don at mabilis na nagpunta sa kwarto ko.

Nakakainis! Ano bang sinasabi nya? Sinong may sabing magpapakasal kami? Wala naman diba?

Padabog kong ibinagsak ang katawan ko sa bed at saka tumingin sa blangkong kisami.

Hindi ko na alam kong anong gagawin ko...

Kung hahayaan ko ba talaga sya o papakasalan?

Kung hahayaan ko sya ay maari syang magsawa at tumigil nalang nang kusa.

Pero pano kong hindi sya tumigil? Pano kong hanggang sa dumaan na ang mga taon ay ganon parin syang habol nang habol sakin? Nakakainis naman kasi e!

Pero kong papakasalan ko sya at makikipag divorce ako sa kanya pagkatapos ay hindi rin naman kasi mawawala ang pagmamahal nya sakin non at sigurado akong maghahabol parin sya...

Wala talaga akong lusot... Hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Gusto ko nang makapagpahinga na ang utak ko at matapos na ang pagkakaipit ko sa sitwasyong to.

Ipinikit ko ang mga mata ko at saka huminga nang malalim na para bang sa pamamagitan non ay maglalaho nalang ang lahat nang problema ko,pero nagkamali ako dahil kahit anong pikit na gawin ko ay naiisip ko parin ang mga bagay na dapat kong ayosin.

Naiinis ako kasi naiisip ko na bakit ba sakin napunta ang ganitong klase nang problema? Karapat dapat ba akong pahirapan nang ganito? Masama ba akong tao?

MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon