Matapos kong marinig ang binitiwang salitang iyon ni kid ay hindi ko mawari kong naiinis ba ako o nasasaktan.
Alam kong hindi ito ang tamang oras para magpa apekto sa sinabi nyang yun.. Maaring ganon nalang ang sinabi nya dahil dala narin nang sakit nang ulo nya.
Pero hindi ko magawang hindi makaramdam nang sakit.. Gusto kong magpasagasa dahil sa sinabi nyang yun..
'Y-you don't need me? Then who and what the fuck do you need kid?!'
Napansin ko nalang ang sarili kong naglalakad na papunta sa elevator at pinindot ang botton para sa ground floor.
Ayaw na paawat nong sakit sa dibdib ko,ayoko nang ganitong pakiramdam kasi sa ganong sinabi nya ay parang susuko na ako anytime from now dahil sya na mismo ang nagsabi saking hindi nya ako kaylangan.
*TING*
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang tunog nang elevator hudyat na nasa ground floor na ako kaya agad na akong lumabas sa elevator at naglakad papalabas nang hotel.
Hindi ko alam kong saan ako papunta pero nang mahagip nang mata ko ang isang bench na nakaharap sa bangin na nandon sa gilid nang hotel ay dinala ako nang mga paa ko don at umupo ako don.
Hindi ko na napigilan ang luha kong bumuhos,
Ang sakit..
Sobrang sakit..
Pero hindi ako dapat magpaapekto sa sinabi ni kid dahil alam kong nainis lang sya,ikaw naman kasi may e! Pinilit mo pa!
"Look who's here.." Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun..
Shit! Anong ginagawa nya dito?
Agad kong pinunasan ang luha ko saka ako tumayo at hinarap sya.. Nasa likod ko sya ngayon habang naka ngisi pang nakatingin sakin.
SI EDWARD!
Nakaramdam ako nang sobrang kaba,bad timing talaga tong gagong to kahit kaylan!
Huminga ako nang malalim at pinakalma ang nag huhuromintadong puso ko,anong ba kasing kaylangan nang bwisit na to sakin?
Bakit sya nandito? Ganon ba kaliit ang mundo para magkita pa talaga kami sa lintik na baguio?
Hanggang sa naalala ko nalang...
Anak nang! Sinabi nyanga palang magkita nalang kami sa baguio?
Nagitla ako nang dahan-dahan syang maglakad papalapit saakin at agad naman akong napaatras.
"A-anong ginagawa mo dito?" Uutal-utal na tanong ko habang atras ng atras dahil papalapit sya sakin.
Ngumisi sya at saka tumigil sa paglalakad papalapit kaya tumigil rin ako,ibinaling nya ang tingin sa gilid pero hindi nagtagal ay ibinalik nyarin saakin ang tingin nya kaya nagulat na naman ako.
"I already told you I'll fined you baby,and what did I see when I do?" Nakangising tanong nya.
Napahawak ako sa dibdib ko nang dahan-dahan na naman syang maglakad papalapit sakin.
"What did I say baby?" Ulit na tanong nya.
Inalala ko kong ano ang sinabi nya at napahawak ako sa bibig ko nang maalala ko ang text nya nong araw na umalis ako sa bahay.
'Answer my calls or I promise I will rip your lips when I found you.'
'Answer my calls or I promise I will rip your lips when I found you.'
BINABASA MO ANG
MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONG
FanfictionMarydale Entrata is just a simple girl with big dreams,She wanted to be a successful woman one day and have a normal life like everyone. But what if one day someone she didn't know claimed her as his own? and said she is his all along... Matutupad p...