CHAPTER 11

2.2K 89 4
                                    

This is it,the day I've been waiting for.

Pababa na ako nang taxi na ngayon ay nasa harap nang boutique,

Febuary 28...

Bitbit ko ang bag ko papasok ng boutique, ngingiti-ngiti pa ako. Malay ko ba? Masaya talaga ako ngayon.

Nakalimutan ko ang ilang araw na puno nang problema,gusto kong magpakasaya ngayon kasama ang mga taong mahala sa buhay ko kagaya nang mga kaibigan ko at ni kid.

"BABY!" Sigaw ko at agad na tumakbo papunta sa kanya saka ko sya niyakap nang mahigpit.

Ilang araw rin kaming hindi nagkita ni kid kaya ganito ko nalang sya ka miss,palagi kaming nagtatawagan pero iba parin pag kapiling ko talaga sya.

'Aish! Ang korni ko naman,hahahaha.'

"I missed you." Bulong nya sakin,sinagot ko ang sinabi nya sa pamamagitan nang pag higpit nang yakap ko,gusto kong malaman nya kong gaano korin sya namiss.

Nong mga araw na hindi ako nakakalabas nang hotel ay kinakabahan ako dahil baka mahanap ako nina edward,hindi naman sa nag aasume ako na pag e-effortan nya akong hanapin pero who cares? Naninigurado lang ako.

Bumuwag ako sa yakap at hinarap ang tatlo ko pang kaibigan na nakangising nakatingin samin ni kid.

"Hindi naman masyadong halata na namiss nyo ang isat-isa. Hindi rin ganon katagal ang yakapan nyo te." Sarkastikong sabi ni vivoree.

Nagtawanan lang kami at nakangiti akong nakatingin kina aizan at fenech na ngayon ay maayos na pala,sabi ni kid ay may tampuhan sila. At salamat naman at nalutas ito ni aizan.

"Huhu. Ma a-out of place ako don e! Wala akong lablayp gaya nyo," kunwari umiiyak na sabi ni vivoree "Dibali na. Lilibangin ko ang sarili ko sa pang ha-hunting nang pogi doon,uuwi ako ditong may lablayp narin."

Nagtawanan naman ulit kami,sayang at wala si kisses,galing naman nang timing talaga at tumapat pa sa family bonding nina kisses ang byahe namin.

Sasakyan lang ni Kid ang gagamitin namin papuntang baguio para sama-sama kami,hindi rin kasi pamilyar ang lahat sa lugar nang baguio kaya mas maiging sama-sama kami para walang maligaw.

Nang matapos na naming ihanda ang mga gamit namin ay ganon nalang ang tuwa ni vivoree ay nauna nang sumakay sa van na pag-aari nga ni kid,nasa likod sya pumuwesto at saka doon nahiga sa isang mahabang seat.

Napailing nalang ako at saka pumasok na sa front seat,si Kid ang mag d-drive muna ngayon pero palitan daw sila ni aizan sakaling mapagod man sya.

Nang magsimula na kaming bumiyahi ay tahimik lang kaming nakikinig nang music,si vivoree lang kasi ang maingay samin kaya salamat naman at mukhang tulog.

Napalingon ako sa kanya sa likod pero nagulat ako nang makita ko nasa pagitan nang dalawang upuan at nag hi-head bang pa at sumasabay sa music,may sayad na talaga tong babaeng to.

"Vivoree ayaw naming magsama nang mental sa baguio ha? Kaya maaga palang sinasabihan na kita." Natatawang sabi ni aizan.

Sinuntok naman sya ni fenech sa balikat at tinignan nya si vivoree na babanat na.

"Ayos karin. Hindi ako mental! Sadyang excited lang ako." Umiirap na sabi nya "Kid. Marami dawng magagandang lugar don?"

Tumango lang si kid,akala ko ba hindi pa sya nakapunta doon?

"Base sa research ko sobrang daming pasyalan don,malamig daw at masarap sa pakiramdam ang paligid. Kaya nga doon ko naisipang dalhin si maymay." Nakangiting aniya.

MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon