HAPPY 40 🎉🎆🎇
Gumuho ang mundo ko sa narinig kong sinabing iyon ni kid,ramdam ko ang bigat ng dibdib ko dahil sa sinabi nya,hindi ko akalaing handa syang magparaya para lang mapasaya ang isang babaeng walang kwentang tulad ko.
Gusto kong ipagpalit ang posesyon namin ngayon,mas nararapat syang mabuhay ng matagal kesa sakin,naiiyak ako tuwing magpaparinig ang sinabi nyang yun sa tenga ko.
Kid..
Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa pagkalungkot at pagkagulat narin,ayokong isipin na mawawala sya pero parang yun ang ipinaparating nya.
Parang handang-handa na syang mawala...
"I have been thinking about this so many times may,I love you so much and I will always do." Biglang aniya kaya napatitig ako sa umiiyak nyang mukha "And because I love you,I want you to be happy.." Nahihirapan syang huminga kaya naman inayos nya ang oxygen nya at isinuot iyon bago ako muling harapin "A-And I know you can't be happy with me--"
Pinigil ko ang pagsasalita nya sa pamamagitan ng sunod-sunod na pag-iling,at sa sunod-sunod na iling nayon ay sunod-sunod ding umagos ang luha ko dahil sa sakit at guilt na nararamdaman ko.
Bakit ka ba ganito kid? Bakit napakabuti mong tao? Sa kabila ng kalagayan mo ibang tao ang naiisip mo...
"Don't say that kid,I'm happy with you.. Please,stay." Pagmamakaawa ko pa pero bahagya syang ngumiti ng pilit at saka yumuko at tumingin sa magkahawak naming kamay at hinihimas nya ang kamay ko.
"But it's too late marydale,I would like to stay but I can't--I can't take it anymore." Nanghihina na talaga sabi nya.
Pinipilit nya nalang magsalita para sabihin sakin lahat ito at alam ko yun,hindi na talaga maganda ang lagay nya at parang anomang oras ngayon ay mawawalan na sya ng malay at yun ang pinaka-ayaw kong mangyari.
Alam kong sa oras na pumikit sya ay tuluyan na syang mawawala...
"I'm so sorry kid," pagso-sorry ko ulit pero umiling lang sya at mapakla ang ngiti na tumingin sakin.
"Don't feel sorry,okay? You're not the only reason why I'm doing this. I admit,you are the main reason pero may,sa tingin ko ay kailangan na talaga ano mang oras ngayon. Ayokong mahirapan pa ang parents ko sa araw-araw na nakikita nila akong pahina ng pahina." Huminga sya ng malalim at humikbi "Please don't feel guilty because, I won't be happy if you did." Aniya pa bago dahan-dahang humiga.
Hindi na ako nagsalita at puro hikbi ko nalang at nang mga magulang nya ang naririnig sa malaking kwartong yun.
Napakabuting tao ni kid,hindi nya manlang naisip ang sarili nya. He's selfless,inuna nyapang isipin ang mararamdaman ng mga magulang nya at ng mga taong nasa harapan nya bago ang sarili nyang nararamdaman.
Paulit-ulit syang huminga ng malalim at saka pinahid ang mga luha nya,pati iyon ay hirap syang gawin.
"Sorry may," biglang aniya na nagpagulat sakin,nilingon nya ang parents nya na nakatingin narin sa kanya habang patuloy sa pag-iyak,bago sya muling bumaling sakin "I'm sorry for not being strong enought. I'm sorry for not fighting longer, araw-araw kong ihinihingi ng paumanhin iyon sa diyos." Umiling na naman ako dahil iyon nalang talaga ang kaya kong gawin ngayon habang kaharap syang unti-unti ng nilalamon ng hina "Mahal na mahal kita alam mo yun,alam na alam mo yun. P-pero may m-mga b-bagay talaga na dapat bitawan para maging malaya may," Hinihingal nang sabi nya at napahawak pa sya sa dibdib nya kaya don na ako nagsimulang kabahan.
BINABASA MO ANG
MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONG
FanfictionMarydale Entrata is just a simple girl with big dreams,She wanted to be a successful woman one day and have a normal life like everyone. But what if one day someone she didn't know claimed her as his own? and said she is his all along... Matutupad p...