Naglalakad na kami pabalik sa barong-barong,dumidilim narin kasi at dilikado daw at baka madulas pa kami pag nagdilim na nang tuluyan.
Naging masaya.. Sobrang saya nang araw ko ngayon,nakalimot ako sa mga problemang kinaharap ko ngayon,nakalimutan ko panandalian ang sinabi ni edward na magkita nalang kami dito sa baguio...
Nakalimutan kong kaylangan ko pang ipaglaban si kid sa mga hindrance sa pagmamahalan namin.
"Oh kayo ba ay aalis na? Baka gusto nyo munang mag haponan sa bahay at nagpaluto ako sa kasambahay namin." Sabi ni tatay max nang makarating kami sa barong-barong.
Lumapit naman si kid sa kanya saka sya nginitian.
"Hindi na po ninong,gumagabi narin kasi and we didn't take a rest simula nang dumating kami dito. Maybe next time ninong,turoan nyo akong gumawa nang strawberry jam ha?" Nakangising sabi ni kid.
"Aba'y walang problema iho.. At saka sayang naman at hindi kayo makakasalo saamin sa pagkain,kailangan nyo pa muna ngang magpahinga kong ganong hindi pa pala kayo nakakapag pahinga simula nang dumating kayo dito." Nag-aalala at nalulungkot na sabi ni tatay max. "Oh sya at bit-bitin nyo na ang mga basket nyo nang strawberry at sabay na tayong lumabas,madilim na sa daan."
Nagsipag sunoran naman kami at binitbit ang mga nakuha naming strawberries saka na lumabas nang taniman kasabay nang mga nanay at tatay namin.
Nang makarating kami sa van ay saka namin sila hinarap ulit.
"Maraming salamat po sa oras at dito sa mga strawberries. Nanay fele salamat sa kwento,tatay max salamat sa strawberries,tatay diego at nanay chel salamat sa pagturo saaming magtanim at syempre tatay bok sa pagpapatawa nyo samin. Hindi makukompleto ang araw na to nang walang tawanan na galing sainyo ni vivoree. Maraming salamat po at sa uulitin." Nakangiting pasalamat ko at isa-isa silang niyakap at hinalikan sa pisngi.
Pagdating ko kay tatay bok ay niyakap ko sya nang mahigpit at bumulong.
"Bilib po ako sa'yo tatay bok,napaka tatag mong tao. Insperasyon na kita simula ngayon,wag ka hong malungkot dahil alam ko hong binabantayan ka ni nanay lalisa. Salamat po." Nakangiting bolong ko at bumuwag na sa pagkakayakap sa kanya,kita ko ang ngiti nyang pilit nang tignan ko sya.
Bumalik na ako sa tabi ni kid at si vivoree naman ay tumabi kay tatay bok saka humawak pa sa braso nito at konwari umiiyak.
"Tatay bok naman e.. Gusto kong maiwan dito. Alagaan mo nalang kasi ako. Gawin mo na akong anak." Nakangusong sabi ni vivoree kaya natawa naman kami lalo na si tatay bok
"Wag na anak,sumama ka nalang sa mga kaibigan mo. Lalo kang iitim dito ha ha ha ha ha." Biro ni tatay bok kaya nagtawanan pa kami lalo.
"Tatay naman uuwi na nga ako inaasar pa ako,sige ka hindi na kita babalikan dito... Joke lang! Hindi kita matitiis tatay bok! I will miss you!" Kunwaring umiiyak paring sabi ni vivoree.
"Maraming salamat rin po sa inyong lahat.. Nay fele,nay chel,tatay max,tay diego at tay bok. Naging sobrang saya po ang araw ko." Nahihiyang ngiting sabi naman ni fenech.
"Walang ano man iha,bawasan na ang pagiging mahiyain ha? Napaka ganda mo pa namang bata ka." Si nanay chel na nakangiti pa kay fenech at saka bumaling kay aizan "Alagaan mong mabuti ang nobya mo iho,umaasa akong kayo parin at nanatiling matatag pag balik nyo rito."
Tumango naman si aizan at saka naglambing kay fenech
"Naman po nay chel! Binigyan ako nang advice ni pareng diego kung paano akitin ang magandang dalaga e,ganon kadaw po nya napaibig lalo. Haha." Tumatawa paring sabi ni aizan.
BINABASA MO ANG
MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONG
FanfictionMarydale Entrata is just a simple girl with big dreams,She wanted to be a successful woman one day and have a normal life like everyone. But what if one day someone she didn't know claimed her as his own? and said she is his all along... Matutupad p...