"Naalala ko non nong ikwento ni bok ang pagkakatagpo nila ni lalisa,napaka saya nya nong mismong araw nayun at ginising pa talaga ako sa pagkakatulog ko para ikwento saakin ang nangyari..." Nakangiting sabi ni nanay fele at mukhang inaalala pa ang araw nayun "Nakakita daw sya nang dalagang ubod nang ganda,halatang anak nang mayaman kaya nahihiya daw syang lapitan ito dahil simpleng damit lang ang soot nya noon habang si lalisa daw ay nakabistida at sosyal na nakikipag usap sa mga amiga nya. Pero nagulat daw sya nang biglang lumapit sa kanya si lalisa at tinanong ang pangalan nya,sinagot nya naman ito at ang nakakatawa pa non ay ginawa nyapang Krisandro ang pangalan nya para daw mayaman pakinggan,at noong gabing iyon ay nag-usap daw sila nang silang dalawa lang at nagkaintindihan."
Natawa naman ako sa kwento nya,hindi ko akalaing ganon ka kulit si tatay bok.
"Simula noon ay palagi na silang nagkikita sa isang lugar daw na ginawa nilang tagpuan dahil magagalit daw ang ama ni lalisa pag makikipag usap sya sa kahit na sino. Masayahin at simpleng babae daw si lalisa at napatunayan nya naman iyon.. Hanggang sa naging sila at umabit sila nang tatlong taon at tumatago parin sa malupit na ama ni lalisa. Hanggang sa isang araw nagulat nalang daw sya nang naglalakad si lalisa papunta sa kanya habang umiiyak,ipinagkasundo daw kasi si lalisa nang ama nya sa anak nang kompare nito na ipakasal. Dahil nga mahal nila ang isa't-isa ay hindi sila pumayag." Mahabang kwento ni nanay fele.
Namamangha ako sa kwento ni tatay bok at nanay lalisa,parang kami lang rin ni kid. Umabot kami nang dalawang taon nang hindi alam nang pamilya ko na may boyfriend ako.
"Hanggang sa isang araw ay sinamahan ni bok si lalisa pauwi,humingi pa sya nang tulong saakin non kung ano ang susuotin nya dahil hihingin nya nadaw ang permiso nang mga magulang ni lalisa para magpakasal sila. Ako naman ay todo ang suporta ko sa kapatid ko kaya inayosan ko talaga sya at pinabaunan pa nang mga matatamis na salita para makuha ang oo nang mga magulang ni lalisa. Haha. Kinakabahan ako non at lalo na si Bok."
"Pag dating nila sa mansyon ay agad na silang pumasok at doon nakaharap nang kapatid ko ang nag-uusok ang tengang ama ni lalisa,natatawa pa ako non nang i kwento nya sakin. Hindi pa nga daw sya nakakapag salita ay umiiyak na si lalisa at ang ina nya,halatang mga iyaking babae daw habang silang dalawa naman nang ama nito ay mata sa matang nagtititigan."
"Nagulat nalang daw sya nang biglang sabihin nang ama ni lalisa na 'Alagaan mong maigi ang anak ko at bigyan mo sya nang maginhawa at masayang buhay dahil kong hindi ay ako mismo ang maglilibing sayo nang buhay.' Tuwang-tuwa sya non na umabot sa puntong nayakap nya daw ang ama ni lalisa,hindi nya inaakalang ganon lang pala kadali yon. Kaya hindi sa sila nagpatumpik-tumpik pa at kasal agad." Natutuwang kwento nya pero nagulat ako nang biglang mag iba ang templa nang mukha nya at naging malungkot ito.
"Masaya silang namuhay... Sobrang saya,kahit hindi sila mayaman ay sakto lang naman ang meron sila para hindi sila magutom at makakain nang tatlong beses sa isang araw o higit pa... Wala silang anak dahil hindi daw nila trip nang anak," nagulat ako nang biglang tumungo si nanay fele. "Nang isang araw non nang nakaraang taon ay bigla nalang kaming nakarinig nang putok,nasa taniman kaming lahat maliban kay lalisa at kay bok na naghuhugas nang carrots non. Agad kaming napatakbo at nakita namin si lalisa na nakahandusay sa lupa habang si bok ay iyak nang iyak na ginising ang asawa bago nya ito buhatin at dalhin sa ospital pero hindi na ito naka raos pa at tuluyan nang binawian nang buhay."
Pakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang nangyari kila nanay lalisa at tatay bok,ang hindi ko maintindihan ay pano namatay si nanay lalisa.
"Noon lang namin nalaman na sumugod pala ang anak nong kompare nang ama ni lalisa na noon ay ang ipinagkasundo sa kanya at may dalang baril at babarilin na sana nang patalikod ang kapatid ko sakto namang labas ni lalisa at hinarang nya ang bala para kay bok. Nahuli si Roman dahil pinagtulongan na sya nang mga kapitbahay na bogbogin." Parang naiiyak na kwento nya at ako rin naman ay parang maiiyak narin. "At noon ay naikulong ngasm sya pero si bok ay nawalan na nang pag-asang mabuhay dahil wala na ang mahal nya,pilit namin syang binibigyan nang pag-asa at mga pasabi na huwag sumuko at salamat sa diyos at hindi nga."
BINABASA MO ANG
MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONG
FanfictieMarydale Entrata is just a simple girl with big dreams,She wanted to be a successful woman one day and have a normal life like everyone. But what if one day someone she didn't know claimed her as his own? and said she is his all along... Matutupad p...