CHAPTER 23

1.9K 90 0
                                    

Nanlambot ang tuhod ko sa lahat nang sinabi nya,doon ko lang na absorb ang lahat nang mga pinag dadadada nya kanina.

Hindi ako makapaniwalang sya talaga yun? As in?

Shit no! No! No! No!

"Remember me? Haha." Natatawang tanong nyapa.

Ibang-iba ang ugali nila kaya hindi pwedeng sya yun.

"Okay stop staring at me like that,go wash yourself first. You look creepy." Saway nyapa sakin at saka pailing-iling na tumalikod at naglakad papalayo.

Nanatili akong nakatayo don habang ina-absorb parin ang iba sa mga sinabi nya na hindi ko parin nakuha.

Bwisit at lintik na revelation yun! Bakit ba ngayon nya pa sinabi na may iba pa akong dapat asikasohin? Badtrip!

Wala na akong nagawa at mabilis na pumasok sa bahay saka dumeretso sa kwarto ko at naligo,pagkatapos maligo ay nagbihis lang ako saka ako bumaba at doon ko naabotan si mom at dad na nag-uusap.

Nasan na kaya yung baliw nayun?

Umiling nalang ako at saka dahan-dahang lumapit kay daddy,tumayo sya at niyakap ako pero hindi ko sya niyakap pabalik.

"I'm sorry anak." Rinig kong bulong nya.

Sinabi mo sa sarili mong handa kanang magpatawad may.. So do it now.

"I-it's okay dad,I missed you." Mahinang sabi ko.

Doon ko naramdaman ang mas paghigpit nang yakap nya,doon ko naramdaman ang sinseredad nya.

Niyakap ko pabalik si dad at hindi nagtagal ay humiwalay narin ako.

"Can we talk privately mom,dad?"Sabi ko at tumango naman sila nang sabay.

Naglakad kami papasok sa office ni daddy at pagpasok namin don ay umupo ako sa pang-isahang sofa at sa kaharap na sofa ko naman silang dalawa umupo.

Napapayuko pa si daddy at batid mong nahihiya sya sakin kaya naman umupo ako sa sahig sa harap nya at hinawakan ang kamay nya.

Tinignan nya ako nang maluha-luha ang mata.

"I'm really sorry anak,I'm sorry for being selfish." Seneserong sabi nya.

Nginitian ko naman sya.

Ayokonang umiyak,I have to be strong para masabi ko ang lahat nang gusto kong sabihin.

"You're not selfish dad," nakangiting sabi ko "kasi kong selfish ka hindi mo na ako napalaki nang ganito kaayos,hindi mo na ako napag aral nang koleheyo. Let's stop the blaming kasi nangyari na,ang gagawin nalang natin ngayon is to solve it." Dagdag ko pa at tinignan silang dalawa ni mommy na ngayon ay iyak na naman nang iyak.

"Aaminin kong sumama ang loob ko nang malaman ko ang totoo,pero naisip ko na para sakin--Para sa pamilya rin naman natin yung ginawa mo,I understand dad." Mahinang sabi ko.

Hinalikan ni dad ang kamay ko at tinignan ako sa mata.

"But there's no way out anak,hindi ko na pwedeng baguhin ang lahat. At yun ang mas nagpapadama nang guilt sakin." Umiiyak na sabi ni daddy pero nginitian ko naman sya.

May solusyon sa lahat nang problema,naniniwala ako don.

"There's a way out dad," confident na sabi ko "kung naboo ang deal nyo dahil binigyan tayo nang pamilya nila nang yaman yun rin ang ibibigay natin sa kanila dad,I know it wont be easy but we have to do this dad... I don't want to be in a married life dahil napilitan lang ako,gusto kong mabuhay kasama ang taong mahal ko dad at si kid yun,may sakit si kid ngayon at nagpapagaling na sya sa states. Alam kong gagaling sya dad kaya porsigido akong matapos na ang problemang to." Mahabang sabi ko sa kanya saka yumuko bago ko sabihin ang totoong plano ko.

MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon