*FLASHBACK*
(After one week nong matapos magka-aminan sina edward at maymay nong nasa park sila)
(PS: Please put in mind na si edward at si Ryle ay IISA. OKEH?)
Tagong-tago ako ngayon,hinihintay ko si edward para sabay na naman kaming magpunta sa park.
Takas na naman kasi kami sa mga drivers namin.
Naalala ko yung sinabi nya last week sakin...
Nahuhulog na sya sayo may..
Napangiti ako na para bang baliw nang bigla nalang may humila sakin galing sa likod ko kaya gulat ako nang makita ko si zayn...
Sobrang lapit nang mukha nya sa mukha ko,nakangisi sya at nakakakilabot ang ngisi nyang yun.
Mahina ko syang itinulak at saka iniwas ang mukha ko sa kanya.
"U-umalis ka nga dyan." Inis na sabi ko sa kanya.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at mas lalong lumaki ang ngiti nyang yun.
"So,kaya pala ayaw mo sakin dahil may gusto kanang iba? Psh. Di hamak na mas gwapo naman ako don." Maangas na sabi nya at saka ini-iwas ang paningin sakin.
Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"Ano bang sinasabi mo dyan ha?" Galit na sigaw ko sa kanya.
Nagulat ako nang hawakan nya ang magkabilang balikat ko at mas itinulak pa ako sa pader habang galit na tumitingin sakin.
Masakit na ang likod ko dahil mabato ang mader na kinasasandalan ko ngayon at lumalapat talaga ito sa katawan ko.
"Nasasaktan na ako zayn! Ano ba!" Angal ko sa kanya.
Para na akong maiiyak sa sakit nang mga bato sa likod ko pero hindi nya parin ako binibitawan.
Galit parin ang tingin nya sakin habang itinutulak ako sa pader.
"Alam mo ba kung gaano na karaming regalo ko ang tinanggihan mo ha?! Alam mo ba?!" Nagitla ako sa sigaw nya kaya napahinto ako sa paggalaw "Alam mo bang puno na ang cabinet ko nang nga regalo ko sayo pero kahit isa don ay hindi mo manlang pinansin?!" Sigaw na naman nya.
Napangiwi ako nang maramdaman ko na naman ang sakit sa likod ko.
Hindi ko naman sinabi sayong ugok ka na regalohan mo ako!
Nanatili akong tahimik habang nakapikit habang dinadama ang sakit sa may likod ko.
"Tapos ngayon... Ngayon malalaman kong may gusto ka sa bestfriend ko ha?! Alam mo bang insultong-insulto ako don marydale?!" Sigaw na naman nya.
"E hindi ko naman sinabi sayong regalohan mo ako! Ano naman ngayon kong may gusto ako sa bestfriend mo?" Sumbat ko sa kanya at napangisi naman sya.
Hindi na ako nagtatakang ganito sya ka brutal dahil kilala syang bully sa school namin,mayaman pa at nag-iisang anak kaya spoiled brat.
Naiinis na talaga ako sa kanya at sobrang sakit na nang likod ko.
"Sana sinabi mo sakin para hindi na ako naging tanggang sunod-sunoran sayo!" Sigaw na naman nya sa mismong mukha ko.
"Tama na! Masakit na ang likod ko!" Pagmamakaawa ko pero hindi nya parin ako binitawan.
Nagulat ako sa sunod na nangyari...
Gulat akong napatingin kay zayn na nakahandusay sa lupa habang hawak ang tagiliran nya at dahan-dahan kung ini-angat ang paningin ko at doon ko nakita ang taong hindi ko inaasahang makikita.
BINABASA MO ANG
MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONG
FanfictionMarydale Entrata is just a simple girl with big dreams,She wanted to be a successful woman one day and have a normal life like everyone. But what if one day someone she didn't know claimed her as his own? and said she is his all along... Matutupad p...