CHAPTER 32 (ST. FRANCISCO)

1.9K 96 2
                                    

Kakatapos ko lang maligo at excited akong nagbihis dahil may narinig akong bumusina sa baba at alam kong sila nayun.

Ang saya-saya ko ngayon.

*KNOCK KNOCK*

Napalingon ako sa pinto nang kwarto ko at saka ako nakangiting pumunta palapit don pero bago yun ay tumingin muna ako sa wall clock.

7:56 PM

Napangiti ako at mabilis na binuksan ang pinto at gulat ako nang biglang yumakap sakin ang tatlo kong kaibigan at nagtatalonan pa kaya naman napatawa ako.

Sa bigat ni vivoree na ngayon ay pasan-pasan ko na dahil kumapit sya sakin na parang tarsier ay natumba kaming apat.

"AHHHH PASALI!"

Nanlaki ang mga mata ki nang marinig ang sigaw ni sydney at saka dumagan rin sakin at tatawa-tawa naman ang mga kaibigan kong nakikipag kamay pa sa isa't-isa at hindi manlang naisip na tumayo na dahil mabigat.

"Namiss ka namin maymay!" Biglang sigaw ni kisses at saka hinug ako habang nakahiga.

Natawa naman ako dahil kiniliti ako ni vivoree sa paa.

"HAHAHAHA! I-itigil mo y-HAHAHA." Hindi ko na nagawang sabihin pa ang sasabihin ko nang bigla pumasok si aizan at edward na nakangiti pa kaya naman natigilan kaming lahat.

M-mukhang ayos silang lahat ah?

Napangiti ako at saka tumayo kasunod nina kisses at saka nginitian si aizan at saka hinalikan sa pisngi at niyakap.

"I missed you aizan." Nakangiting bulong ko at hinagod nya naman ang likod ko bago ako humiwalay.

Tumingin ako kay edward na nakangiting katabi si sydney na katabi naman si vivoree kaya napangiti ako nang todo.

Sabi ko nang magkakasundo tong dalawang to e.

"Mukhang okay kayo ah?" Natatawang tanong ko at nagtawanan naman sila.

Gulat ako nang biglang akbayan ni aizan si edward at parang bading pa na hinahagod-hagod ang ulo nito sa ulo ni edward.

"Hindi mo naman sinabing yung bestfriend ko pala nong elementary yung edward na sinasabi mo may.. Naiiyak tuloy ako." Umiiyak pa kunwaring sabi ni aizan at humarap kay edward "I miss you bro." Ngingisi-ngising sabi ni aizan at nagtawanan naman kami.

Ngumiti lang si edward at hindi pinansin si aizan na kapit na kapit sa kanya.

Bestfriend pala sila nong elementary?

Napalingon ako kina sydney at vivoree na parihong nakakapit sa braso nang isa't-isa at tinaasan naman nila ako nang kilay.

"Hindi kami childhood friends no! Ramdam ko lang talaga ang magandang awra nitong kaibigan mo marydale. Pareho kaming maganda kaya nagkakasundo kami." Tatawa-tawa pang sabi ni sydney.

"I agree." Si vivoree na inilingan ko nalang.

"We have to go,it's already 8PM. Baka sobrang late na tayong makarating don kung hindi pa natin sisimulan ang byahe." Si edward at nagsi tanguhan naman ang lahat.

MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon