MAYMAY'S POV
2 years later..
Sa nakalipas na dalawang taon ay naging masaya kami ni edward,oo dalawang taon na ang nakalipas! Hindi ko nga rin yun akalain dahil pakiramdam ko ay nong unang araw lang nangyari ang nangyari dalawang taon na ang nakalipas.
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.
Busy ako sa pag check ng mga design na ipapa sign ko kay edward bukas,wala sya ngayon dahil nasa England sya para sa isang business meeting hindi ako sumama dahil nandon naman si Laura para tulungan sya.
Hindi ako lumipat ng kompanya,natanggap ako sa SVA pero dahil ayos na kami ni edward ay hindi na ako sumubok na umalis pa dahil alam ko na yun ang dapat.
Sa mga sumunod na mga araw non ay naging ilang man kami sa isa't-isa ay nagawa naman naming pagtawanan nalang ang ilang hanggang sa nasanay na uli kami sa isa't-isa.
Kakatwang isipin na hindi ako matiis ng taong mahal ko,na hindi nya matiis na wala ako sa tabi nya,na halos dapat paggising nya ay nandon ako sa harap nya o di kaya ay maririnig nya kaagad ang boses ko.
Marami nang nangyari,naibalik kina mom at dad ang kompanya,ganon narin ang mga ari-arian namin,ayokong isipin na kaya ginawa ni edward yun dahil lang ayos kami pero sinabi nya namang hindi ganon yun,hindi nyarin daw kasi kayang imanage ang isa pang malaking kompanya kaya naman ibinalik nalang nya samin yun.
Madami kaming nagawang masasayang ala-ala kasama ang mga kaibigan namin,sa katunayan nga ay bumalik kami sa St.Francisco nong nakaraang buwan lang kasama parin ang mga kaibigan namin.
Hindi ko lubos maisip na ang hindi gaanong magandang ala-ala namin don ay magiging sobrang saya.
"Babe,I miss you already." Tinig ni edward yun kaya napangiti ako.
"Ano kaba naman edward,tatlong araw kalang dyan diba? Pagkatapos ng meeting nyo at pagkatapos mong i-supervise ang pagpapatayo ng malaking building jan ay uuwi kana dito,makikita mo na ako." Pangungumbinsi ko sa kanya.
Narinig ko ang malalim nyang buntong hininga nya sa kabilang linya kaya napasimangot ako.
"Don't worry okay? You will not be staying their for long,hindi ako papayag. Uuwi ka sa ayaw at sa gusto mo." Seryoso ko kunyaring sabi kaya natawa sya.
Abala ang kamay ko sa pagpapakli ng pahina ng mga folders para tignan ang mga nakaguhit na istraktura don,kung sino ang naka-isip ng ganong porma ng bahay at kong paano iyon ipapatayo.
Ganito ang eksena ko araw-araw,at syempre pa dahil hindi makatiis si edward na hindi malapit sakin ay sya na talaga ang nagpupunta sa office ko para lang guluhin ako.
Malikot pa sa uod na binuhusan ng asin.
"Okay. Wag kang maghahanap ng iba dyan ha? Pag nakita talaga kitang may kasamang iba..." Binitin nya ang sinabi nya.
"Ano?" Paghahamon ko.
"Wala,alam ko namang hindi mo magagawa yun kaya hahalikan nalang kita hanggang sa..." Binitin nyana naman.
Umaandar na naman ang pagiging pilyo nya.
"Ano na naman?" Walang gana kunyari kong tanong.
"Hanggang sa hindi mo na gugustohing bumitaw." Pilyong aniya na bumungis-ngis pa.
Napailing nalang ako sa sinabi nya,
Unang araw nya ngayon sa England, gabi na dito sa pilipinas. Nagabihan ako dahil sa dami ng ginagawa ko,mukhang mas male-late pa ako ng uwi pag hindi ko mamadaliin to.
BINABASA MO ANG
MAYWARD - YOU'RE MINE ALL ALONG
FanfictieMarydale Entrata is just a simple girl with big dreams,She wanted to be a successful woman one day and have a normal life like everyone. But what if one day someone she didn't know claimed her as his own? and said she is his all along... Matutupad p...