I-Meet AJ

271 9 3
                                    


Dedicated to MISSticaMe :*

~~

Andy's POV

"Kailan po ba kayo uuwi?Miss na miss na namin kayo." Sabi ko kay Mommy na nasa laptop.

Kasalukuyan kong kausap sa skype si Mommy at Daddy habang nasa tabi ko ang dalawa kong kapatid.

"Wag ka nga Ate..last year lang dumating sina Mommy eh,dba kuya?" sabat ni Fritz kaya napairap ako.

"Kayo talaga." Sabi naman ni kuya at inakbayan ako.

"Naku,lalo namin kayong namimiss.Lalo kana AJ." Sabi samin ni Mommy kaya napangiti ako.

Mom and Dad is in the states.Nasa ibang bansa kasi ang kumpanya namin and since ayaw namin mag-migrate sa ibang bansa,sila na lang ang pumunta dun.Nandito naman si Nanay Pepe at kuya para alagaan kami ni Fritz.

I'm Andy Justine Moretz.17 years old at Grade 12 sa Stanford University.Kuya ko si Andrei Moretz,ang sikat na model dito sa Pilipinas.He's already 23 years old.Si Allen Fritz naman ang sikat na junior Basketball player sa Stanford,matanda ako sa kanya ng dalawang taon kaya 15 years old lang sya.Lola't Lolo ko naman ang may-ari ng Stanford.

Ako?Isa lang akong hamak na Nerd sa school na yun.Bakit?Cause I hate being popular.Gusto ko normal na estudyante lang ako na pumapasok sa isang eskwelahan.

"Daya naman.Si Ate AJ lang?" Usal na naman ni Allen

"Don't worry Baby Allen.Nandito naman kami ni Kuya eh" sabi ko sa kanya at niyakap pa sya.Ganun din ang ginawa ni Kuya.

"Yah,magsilayas kayo.Ayos na ako" saad nya kaya tinawanan namin sya.

"Ikaw kasi eh" natatawang bulong pa ni Kuya.

"Kayo talaga.Anywayss,may boyfriend ka na ba AJ?" Tanong naman ni Daddy

"Daddy naman,tinatanong pa ba yan?" Natatawang saad ni Fritz kaya inirapan ko na naman sya.

"Wala po." Simpleng sagot ko.

"Bakit naman wala pa anak?Wala bang nanliligaw?" Tanong naman ni Mommy.

"Mom,sa tingin nyo ba may magkakagusto kay AJ kung ganito ang ayos nya?" Sabi naman ni Kuya Andrei.

Napaayos ako sa salaming suot ko at nag-straight ng upo.

Pasalamat kayo kapatid ko kayo.

"Anak naman,bakit nga ba ganyan ang ayos mo?Gaano na ba kalabo ang mata mo?"

"Hindi na po ako maka-aninag ng ayos kapag wala akong suot na salamin." Sagot ko kaya napakamot nalang sila sa batok.

"Contact lens anak." Suggest ni Dad.

"Ayoko po."

"Daddy,Mommy...wag nyo na pong pilitan si Ate.Immune na po sa kanya ang ganyang hitsura kaya hayaan nyo na" sa mga ganitong bagay,mav-very good ko si Fritz.

"Bahala kayo.Mauna na kami ng Mommy,magpapahinga muna kami.Tawagan ulit namin kayo bukas.Goodnight" paalam ni Daddy.

"Goodnight po.Ingat po kayo dyan." Sagot naman ni kuya.

"Goodnight po" sabay naming sabi ni Fritz.

Pagkatapos nun ay pinatay na din namin ang laptop.8 pm na rin.May pasok pa bukas.Pasukan na naman.

"Matulog na kayong dalawa.May pasok pa kayo bukas." Sabi ni kuya kaya tumango kami.

"Goodnight kuya." Sabi ko bago nya ako hinalikan sa noo.

My First,My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon