XXVI:Confessed

67 6 4
                                    

AJ's POV

"We should go to the hospital." Saad ko habang inaayos ang first aid kit na ilalagay para sa mga sugat nya.

Kasalukuyan kaming nandito sa condo nya dahil nga sabi nya,wag daw syang dalhin sa hospital.

Pero kung ako lang ang masusunod. Kanina ko pa ito naisugod sa hospital. Masyadong marami yung tama nya tapos baka mapasama sya dahil may sakit sya.

"Okay lang ako. Konti lang naman ito." napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

"Anong kokonti? Eh halos mapuno na nga yang mukha at katawan mo ng mga pasa!" saad ko.

Marahan lang syang napangisi sa sinabi ko.

Sinimulan ko nang dampian ang sugat nya sa tabi ng labi nya.

"How are you? Sabi ni Copper naaalala mo na daw lahat. Bakit mo pa ako tinutulungan?" Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi nya.

"Tanggap ko naman ang nangyari. Aksidente ang lahat. Ang pagkamatay ni Aimee at pagkawala ng memory ko. Wala kayong kasalanan ni Copper. Nabigla lang talaga ako kaya pansamantala ko kayong iniwasan pero tutulungan ba naman kita kung sinisisi ko kayo sa nangyari?" saad ko tsaka ngumiti.

"I'll talk to Mom and Dad pati na rin kay Kuya. Kakausapin ko sila na kalimutan na nila ang nangyari dahil wala naman kayong kasalanan. Sa ngayon,gamutin muna natin yang mga sugat mo" nginitian ko sya tsaka muling binalingan ang sugat nya.

Tahimik kami habang nililinis ko ang sugat nya.

I wonder kung ano nang kalagayan nya ngayon. Yung sakit nya. Malala na ba? Bakit hindi sya naka-confine sa hispital? Bakit pumapasok pa rin sya sa school?

"I missed you." Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko sya.

Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na rin saken.

"W-what?"

"Miss ko na ang dating AJ. Miss ka na namin." Hindi ako makagalaw dahil sa mga sinasabi nya. "Bumalik ka na samen AJ. Bumalik ka na saken."

Halos magtayuan lahat ng balahibo ko ng bigla syang sumandal sa balikat ko.

"Z-zander"

"Let's stay like this for a while. Natatakot akong hindi ko na ito magawa pa"

Hinawakan ko naman ang balikat nya tsaka sya niyakap.

"Babalik ako Zander. Malapit na." Saad ko.

Ramdam ko naman ang paghigpit ng yakap nya.

Ilang minuto rin kaming nanatili sa ganong posisyon nang mapagpasyahan naming maghiwalay na.

"Kamusta ka na? May sakit ka diba? Bakit hindi ka mag-stay sa hospital?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang nga pinanggamot ko sa kanya.

"Gusto kita" Muli akong napatigil dahil sa sinabi nya.

  Hinarap ko sya ng may pagtataka sa mukha.

"Ano ba Zander? Wag mo ngang iniiba ang usapan. Tinatanong kita"

"Seryoso ako AJ. Oo may sakit ako at Oo gusto kita. Kung hahayaan mo kong mag-date tayong dalawa magpapa-admit ako sa hospital at magpapagaling. Pero kung hindi...mas mabuting mawala na lang ako." Napalaki ang mata ko sa naririnig ko dahil sa kanya.

"Zander,alam mong hindi mo pwedeng gawin yan. Nababaliw ka na ba? Ako? Gusto mo? Sa pagkakaalam ko,yung kambal ko ang gusto mo. Wag kang manakot nang ganyan Zander,hindi maganda" napatayo ako pagkasabi ko non.

My First,My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon