XXX:My Last

87 7 2
                                    

One Week Later

AJ's POV

"After that dress,you should try this too. You need a quick change while the visitors are eating." Tumango tango ako sa sinasabi ni Mom.

It's my 18th birthday. Kasalukuyan akong inaayusan ng make up artist na hinire nina Mom.

Gusto ko sanang i-celebrate na lang ito sa isang restaurant. Simpleng dinner lang with the fam and friends then okay na. Kaso masyado silang mapilit.

'Minsan lang ito sa buhay ng isang babae. Hindi dapat pinapalagpas'

Line nina Mom and Dad kapag pinipilit ko silang wag nang ituloy ang party.

Napatingin ako sa salamin ng tumigil sya sa pag-aayos ng mukha ko.

"I think okay na yung mukha ko. Mas okay na po yung simple. Alam ko namang mabubura din ito mamaya." Nginitian ko ang make-up Artist na nagngangalang Rona kapag gabi at Ronaldo kapag umaga.

"Okay. You look so beautiful just like your Mom. Your simplicity makes you more beautiful." Nginitian ko sya bago sya lumabas ng kwarto.

Sa isang hotel ice-celebrate ang birthday ko. Hindi ko rin naman maitatanggi na nae-excite ako. First time kong icelebrate ang birthday ko sa harap ng maraming tao.

"Are you nervous?" Napatingin ako sa reflection ni Mom ng tanungin nya ako.

"Very slight. I'm so excited" masayang saad ko.

"The party will start one hour from now. Get ready." Hinalikan nya ako sa noo bago lumabas ng kwarto.

Napatingin naman ako sa cellphone ko na nasa table. No response. Bakit hindi man lang nagt-text or tumatawag. Simpleng bati man lang hindi nya magawa.

Ayos naman kami ni Copper kagabi ah. Hindi ko na naman sya binabara at tinigil ko na rin naman ang pagsasabi ko sa kanya ng 'Pano mo nasabi'.

Bakit hindi man lang sya nagpaparamdam?

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Linuwa non sina Kuya Andrei,Ate Yoomi at Allen.

"Woah,ikaw ba yan Ate? Nagmukha ka nang tao!" Napairap ako kay Allen.

Is that a compliment or what?

"You're so beautiful Andy. Here's my gift" komento naman ni Ate Yoomi sabay abot ng isang paper bag kaya napangiti ako.

"Thanks Ate."

"Pa-hug nga ako. Parang hindi ikaw ang kapatid namin ah!" Napanguso ako sa sinabi ni Kuya.

Ginantihan ko ang yakap nya saken.

"I love you baby girl." Bulong nya sabay halik sa ulo ko.

Napangiti ako ng kumalas sya sa yakap.

"I love you too Kuya"

"Groufie naman dyan" napatayo ako ng itaas ni Allen ang cellphone nya.

Sabay sabay kaming ngumiti sabay click ng camera.

"Hindi nyo man lang ba kami isasama?"

Napatingin ako sa bagong pasok. Mom and Dad.

"Come on Dad. Tampo agad eh" napangiti nalang ako sa sinabi ni Allen.

Muli nyang itinaas ang camera at kinuhanan ng litrato. Hindi pa sila nakuntento at tinawag pa nila ang isang photographer para kuhanan kami.

"Napaka-ganda ng baby girl namin. Happy Birthday Anak" bati ni Dad.

My First,My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon