V:Win Win Deal

94 10 0
                                    

AJ's POV

"Dahan dahan naman." Angal ni Shrela habang ginagamot sya ni Alessia sa isang tabi.

Kasalukuyan kami ngayong nasa clinic para gamutin ang sugat namin.Ginagamot ni Nurse Bhea sina Copper at Zander samantalang may nakalagay naman na yelo sa ulo ko na may pasa.

Diretso kami sa Detention after nito.Si Shrela naman diretso na nang library.

Bukas ang simula nang tutor-tutee naming tatlo nina Copper. Ang tanong,gusto ba nilang dalawa.

Sana naman maki-cooperate sila.Pangalan ko ang nakasalalay dito.Grades din nila ang nakasalalay dito kaya dapat lang silang maki-cooperate.

*Kriing *Kriing

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito.

Sht.Si kuya. Don't tell me alam na nya.

Napatingin ako kay Alessia na agad na nag-iwas ng tingin saken. Paniguradong sinabihan na nya si Allen tungkol dito.Aiish.

"Hello--"

"ANDY JUSTINE. ANONG GULO ANG PINASOK MO HA?NAKIPAG-AWAY KA DAW SABI NI ALLEN.ANO?UMALIS LANG AKO NAKIPAGBUGBUGAN KANA.ANO SABIHIN MO?SINO ANG MGA UMAWAY SA'YO?NASAKTAN KA BA?PINARUSAHAN BA SILA NI LOLA?AJ SUMAGOT KA !"

Napangiwi ako dahil sa sermon ni kuya.

"Kuya,kalma lan--"

"PAANO AKO KAKALMA AJ?NAKIPAGWAY KA.ONCE IN A BLUE MOON LANG YUN.SABIHIN MO,SINO ANG NAUNA?"

"Wag ka nga kuya.Napaka-oa mo.Daig mo pa si Yoyo kapag nagtatan-trums" sabi ko. Bigla ko tuloy na-miss yung aso ko.

Kahit sumpungin ang aso kong yun,mahal ko pa din yun.

"Ano namang kinalaman ni Yoyo dito?Away ang pinag-uusapan natin dito AJ" sagot nya.

Masama bang idamay ang aso ko? Nami-miss ko eh.

"Sorry na.Namiss ko bigla si Yoyo eh"

"Teka nga,iniiba mo ang usapan eh.Anong nangyari?Sino ang nakaaway mo dyan?Sinasabi ko sa'yo AJ,makaka-uwi talaga ako ng maaga nito."

"WAG!" Napasigaw ako dahil sa sinabi nya kaya napatingin sakin ang nasa paligid kaya napatungo ako.

"Wag mong sasayangin ang oras mo saken kuya,I can handle this naman.Tsaka hindi naman talaga ako totally napaaway.Let's just say na nadamay lang ako dahil sa kaeng-engan ko but promise wala akong kahit na anong galos...pasa lang" paliwanag ko.

"Still...nasaktan ka AJ.Alam mo namang hindi namin hinahayaang mapahamak ang isa sa atin dba?Dapat mag-iingat ka pa rin."

Aw.I love you na talaga kuya.

Kahit naman lagi akong inaasar ni kuya na tibo ako mahal ko pa rin yan dahil alam kong may pake pa rin sya saken.Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon wala pa rin syang girlfriend eh napaka-boyfriend material nya.Siguro iniintay pa rin nya si Ate Yoomi.

"Nag-iingat naman ako kuya,wala nga lang sa timing."

"Ikaw talaga.Sige na,magpahinga kana lang pag-uwi mo sa bahay.I'll talk to lola na wag kang masyadong higpitan."

"Wag na kuya.I'm still a student kaya dapat lang tanggapin ang parusang ibinigay nila.Unfair naman nun sa iba eh."

How I hate being the grandchild of the owner of this school.But still love ko sina Lola.

"Bahala ka.Basta kakausapin ko sina lola.Bye." bago pa ako makasagot ay binabaan na nya ako ng telepono.

Alam nya talagang hindi ako papayag kaya binabaan ako.

"You can now proceed to DR" napatingin ako sa nagsalitang nurse.

Ugh,detention room pa nga pala.

"Nurse Bhea,pwede bang detention nalang din ako.Bukas nalang ako mags-start maglinis sa library." Sambit ni Shrela at nagpapa-awa pa kay Nurse Bhea.

"Hindi pwede Shrela.Tsaka nasabi na ni Dean sa librarian na maglilinis ka don.Kaya paniguradong isusumbong ka nun sa Guidance kapag di ka sumipot." Paliwanag nya.

Napangibit si Shrela dahil don.Nagpaalam na sya samin ni Alessia na pupunta na sya don.

Nagpaalam na rin si Alessia na aatend na sya ng klase.

Naiwan kaming tatlo sa loob ng clinic.Napabuntong hininga muna ako bago sila tingnan dalawa.

Parehas may mga pasa ang mukha nila.

Wait...naalala ko bigla na tinawag nila ang pangalan ko.How did they know my name?Nakausap kona ba sila?Hindi pa naman ah.

Napailing nalang ako at nag-iwas ng tingin ng tingnan ako ni Copper.Nauna akong lumabas ng clinic para pumuntang DR,di rin nagtagal ay sumunod na sila.

° ° Minutes Later ° °

15 minutes na kaming nakatunganga sa loob ng DR.Mas mabuti pang paglinisin kami kaysa mabingi sa katahimikan dito sa loob.

Walang nagsasalita samen.Si copper nakasubsob lang sa table sa gitna.Si Zander naman nakatingala habang nakapikit.

Ako?Nga nga lang.Nasa room pa yung bag namin kaya wala akong makutingting dito.

5 minuto nalang at makakauwi na kami.

Tumikhim ako at umayos nang upo bago magsalita.

"Ahh...about sa punishment natin." panimula ko pero wala ni-isang kumibo sa kanila.

Nakikinig naman siguro sila.

"Ah,where should we start tomorrow?Kasi kung sa place ko okay lang naman.Sabihin nyo rin kung mas komportable kayo sa place nyo kasi willing akong pumunta para turuan kayo,pwede rin naman tayong mag-stay dito sa school.Ano?" dagdag ko pero wala pa ring sumasagot.

Huminga ako ng malalim at madiing pumikit bago muling magmulat.

"Look,if you're not going to do the punishment kindly talk to the guidance councelor para mabigyan nila tayo ng ibang punisment hindi yung naka-nganga lang tayo at pagdating ng finals ay bagsak kayo." saad ko.

"Just think about it deeply.It's like a win-win deal.Pare-parehas tayong makikinabang dito.If the two of you will let me be your tutor,makakapasa kayo sa finals at mababalik ang pangalan ko sa dean's lister.Isn't great?"

Para akong kumakausap sa hangin dito.Ni isang galaw wala akong natanggap sa kanila.Tulog ba sila?

"Ughh,mahihirapan yata ako dito" bulong ko.

*Kriiiiing

Nag-bell na,hudyat na labasan na.Tatayo na sana ako para lumabas ng magsalita si Copper.


"Tomorrow,6 pm.Library."

▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪
Don't forget to vote and leave comments guys.Lovelots <3

My First,My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon