XXIX:First Date

63 9 3
                                    

AJ's POV

"Sabihin mo na kasii~" saad ko kay Copper nang makalabas kami sa bahay.

Kakarating lang namin ni Mom galing Mall kasama sina Shrela. Sakto namang natapos ang pag-uusap nila with Dad.

I'm currently asking him about their conversation. Bakit ayaw nyang sabihin?

"Zander, tungkol saan ang pinag-usapan nyo?" tanong ko kay Zander ng makalabas ito ng bahay.

Napasimangot naman ako ng magkibit balikat lang ito.

"Just random stuffs. You should ask your boyfriend. Sila yung matagal nag-usap." muli akong napaharap kay Copper dahil sa narinig.

"Boys talk, Love. Wag mo nang alamin." napaismid nalang ako.

Eh ano naman kung boys talk?

"I'll go ahead." napatingin ako kay Zander ng magsalita ito.

"Wait, are you sure you can? Pwede ka namang ihatid ni Copper pauwi." saad ko dito.

"What? We have a date remember?" sinamaan ko ng tingin si Copper dahil don.

"Ofcourse I remember. Ihahatid mo lang naman." binalingan ko ulit si Zander ng tingin. "Come on Zander, pahatid ka nalang. Delikadong mag-motor kapag gabi."

Napatawa lang ito dahil sa sinabi ko. May nakakatawa ba ?

"It's okay Andy. No need. Nakarating ako rito ng buo kaya makakarating rin ako sa condo ko ng buo. Besides,mukhang ayaw magpaistorbo ng boyfriend mo." saad nito at tuluyan nang sumakay sa motor nya.

"Sige na nga. Ingat ka ha!" kinawayan ko sya ng paandarin na nya ang motor hanggang sa makalayo ito.

"Why do I have this feeling na mas concern ka pa sa kanya kesa sa akin?" hinarap ko si Copper na nasa tabi ko.

"Why? Are you jealous?"

"Oo. Masama?" marahan akong natawa dahil sa sagot nya.

Napaka-honest.

"He's sick Copper. Mas love pa rin kita." kinindatan ko sya tsaka tumalikod para pumasok sa loob.

"Hoy babae,matapos mo akong pakiligin lalayasan mo lang ako basta basta?" tanong nya habang nakasunod saken.

Natatawa naman akong pumasok sa loob ng bahay. Bumungad saken si Kuya Andrei kasama si Ate Yoomi.

"Hi AJ." nginitian ko sya.

"Hi Ate Yoomi. Uuwi ka na?" tanong ko rito.

"Nope. We have date. Akala ko ba meron din kayo?" napatingin ako kay Copper ng maramdaman ko sya sa tabi ko.

"Opo. Kunin ko lang yung bag ko sa sala." sagot ko.

Pumunta na ako sa sala para kunin ang bag ko

"Sumabay na kayo samen. Consider this as a double date." napatingin ako kay Kuya ng sabihin nya yon.

Is it really him? Baka naman hindi sya ang totoong kuya Andrei ko.

"Oo nga. It'll be fun kung mag-double date nalang tayo." dugtong naman ni Ate Yoomi.

"Nah,it's our first date kaya dapat kaming dalawa lang but, thanks." napatango ako sa sinabi ni Copper.

"Yeah. Mauna na kayo Kuya. Paalam muna ako kay Dad." tumango naman sya.

Hinalikan nya ako sa noo bago sila lumabas ng bahay. Hinarap ko naman si Copper.

"No need to ask for their permission. Pinayagan ka na nila." napangiti naman ako sa sinabi nya.

My First,My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon