XXII:Real Her

69 9 4
                                    

Andy's POV

"Andy, tawag ka ng Dean. Punta ka na daw ng auditorium." Nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig ang sinabi ng isa sa mga Head Teacher .

"Let's go?" tanong ng katabi ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Dapat ba akong magpakita kay Lola?" kinakabahang tanong ko rito.

Balak na akong ipakilala ni Lola sa buong Stanford. At hindi ko alam kung maganda bang balita to para sa akin. May side sa akin na masaya kasi hindi ko na kailangang madalas iwasan sina Kuya Andrei at Allen sa school. Kaso malakas ang pakiramdam kong malalayo saken ang loob ng mga estudyante.

Lalo na't hindi sila sanay na makitang desente akong manamit at kumilos.

Hello, anak mayaman na nagpapanggap na nerd...tss, baliw lang ang gumagawa nun eh! Pam-professional. Kagaya ko *wink

Pero teka, kinakabahan ako.

"Napag-usapan na natin ito hindi ba. Trust her." Nakangiting sagot nito bago tumayo.

No choice Andy, you need to do this.

Tumayo na rin ako at sumunod na sa kanya palabas papuntang auditorium. Habang naglalakad kami ay biglang nag-vibrate ang phone ko.

From Alessia:

Andy? Anong plano ng lola mo? Bakit biglang nagpatawag ng meeting?

Sent 2:17 pm

Hindi ko na nireplyan pa si Alessia, malalaman rin naman nya.

Nang makarating kami ni Abo sa auditorium ay rinig na rinig ang malakas na bulungan ng mga estudyante.

Nagtataka at nagtatanong kung bakit biglaang nagpatawag ng meeting si Lola. Hays!

Agad kaming dumiretso sa likod ng entablado kung saan naroon sina lola. Nakita ko pa sina Alessia at Shrela na nasa unahan at nagdadaldalan rin.

"Andy apo, wag ka sanang magagalit sa Lola dahil sa gagawin ko ah. This is for your own good din naman." Hinalikan nya ako sa noo bago lumabas ng back stage.

May magagawa pa ba ako?

"Students of Stanford. I am very sorry to interrupt your business. This is an important discussion between me and my Granddaughter." Panimula ni Lola.

Lalong nag-ingay ang buong auditorium dahil pagbanggit ni Lola tungkol sa apo nya.

'Dito ba nag-aaral ang isang apo nya?'

'Akala ko nasa ibang bansa yung isang apo?'

'Sino kaya yun?'

From Shrela:
Masama ang kutob ko sa plano nang lola mo Andy.
Sent 2:20 pm

Ako rin naman Shrela. Masama rin ang kutob ko. Masamang masama ang kutob ko sa kalalabasan nito.

"Alam kong matagal nyo nang gustong makilala ang nag-iisang babaeng apo ko. Ang kapatid nina Andrei at Allen." Lalong bumilis ang tibok ng puso ko

Mamamatay na yata ako.

"I'm here Andy. Andito lang ako" inakbayan ako ni Abo.

"Oo abo,nakikita kita. Kanina ka pang nandyan" napatawa sya sa sinabi ko

Gosh,kinakabahan na ko't lahat pero tinatawanan nya lang ako.

From Alessia :
What's the meaning of this Andy?
Sent 2:21 pm

From Monkey-pper :
Cheer up :*
Sent 2:21 pm

Lalo akong nabalisa sa sinend na emoji ni Copper. What's with that kiss emoji? Gahd!

My First,My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon