AJ's POV
"Care to explain?"
Hala..bakit feeling ko nahuli akong may ka-affair?
"Andy?" Tawag saken ni Lola pero hindi ko sya matingnan sa mata.
Nanatili lang akong nakatungo.
Kasalukuyan akong nasa opisina ni Lola.Ako lang ang kinausap ni Lola dahil gusto nya akong mag-explain as her grandaughter.
"L-lola kasii...." wala akong maisip na tamang salita para makapagpaliwanag.
Bakit naman kase sa ganung posisyon nya kami nakita?
"Andy,mage-explain kaba or ako ang kakausap sa lalakeng yun?Balita ko transfer lang sya at base on his records from his previous school,hindi yun maganda." Saad nya kaya lalo akong napatungo
Ano bang sasabihin ko?
"E-eh,L-lola...mali po ang iniisip nyo." Panimula ko.
"Kaya nga mag-explain ka dba?Ayokong pangunahan ka." Ilang minuto ang lumipas pero nanatili lang akong tahimik.
"Fine.Next week lalabas ang result ng test nina Copper at Zander,pero ngayon palang alam ko na kung ano yun.Babalik ka sa dean's lister,after that stay away from them or else makakarating to kina Andrei." Saad ni Lola.
Pasado sila?Babalik na ako sa dean's Lister.
Pero bakit kailangan ko silang iwasan?Kaibigan ko lang naman sila at wala silang ibang ginagawang masama.
Pero ayako rin namang makarating pa to kina Kuya.
What to do?
"Stay here.Ipapatawag kita kapag nagsimula na ang program sa auditorium.They need to know who you really are." saad ni Lola "Tatawagin ko rin si Ashton para pumunta rito." dagdag nya bago lumabas ng opisina.
Anudaw?
Anu namang gagawin ng Abong yun dito?
Hala,balak na bang sabihin ni lola yung totoo?
Akala ko ba napag-usapan na namin yun?Ayokong kumalat sa buong campus na ako ang apo ng may-ari ng school.
Ano nang gagawin ko?
° °
Copper's POVTahimik akong nakasandal sa labas ng office ni Mrs. Aguilar,ang lola ni Justine.
Matagal ko nang alam kung sino talaga si Justine.Apo sya ng may ari ng Stanford at kapatid nya ang sikat na model dito sa Pilipinas na si Andrei.Kapatid din nya ang sikat na junior basketball player na si Allen.
Sila din ang may ari ng A.M. Incorporated,isa sa maimpliwensyang kumpanya sa buong Asya.
Kilala ko rin ang kambal nya.Hindi dahil nai-kwento sakin ni Justine.Kundi dahil saksi ako kung ano ang nangyari sa kanya.
Napaayos ako ng tayo ng lumabas si Mrs. Aguilar.Halata ang kulubot nito sa mukha dahil sa katandaan.
Alam kong walang ibang magm-manage ng school na ito kundi sya dahil may sariling mga kumpanya ang mga anak nya kabilang ang nanay ni Justine.
Napatingin ito saken.Sa paraan ng pagtingin nito,halata ang panghuhusga.
"Copper Morell?" tumango ako bilang sagot "You like her?" tanong nya pa dahilan para mapatango ako
Matagal ko nang gusto si Justine.We were best of friends pero agad na naglaho ng parang bula ang mga masasayang pinagsamahan namin ng mangyari ang aksidenteng yun.
BINABASA MO ANG
My First,My Last
FanfictionKaya mo bang mahalin ang taong dahilan kung bakit nasira ang nakaraan mo? BTS Jungkook Fanfic Jeon Jungkook #1 ○April 2,2018 ●November 2,2018