VI:Waiting For Nothing

97 10 0
                                    

Andy's POV

"Napaka mo,kalalake mong tao ang chismo-chismoso mo.Daig mo pa ang kalapati na magdala ng mensahe." Kasalakuyan kong kinakausap si Allen habang nagd-dinner kami.

Pagkasabing pagakasabi ni Copper na sa library kami bukas ay agad din naman syang lumayas.

Sumunod sa kanya si Zander na walang pakialam.Hmp,gupitin ko bangs nya eh!

Pero eto na nga eh,si Allen kasi eh.Hindi sana ako mapagsasabihan ni Kuya kung hindi sinabi ng lalaking to.

Hindi naman sa wala akong balak sabihin kay kuya yung nangyari dahil paniguradong malalaman din naman nya,pero yung unahan ako ng lalakeng to.Sura -_-

"Hindi kana nasanay Ate,tsaka yung nangyari kanina hindi tsismis.It's the truth." Napairap ako sa sagot nya.

"Kahit na.Dapat hinayaan mo na ako ang magsabi kay kuya nun.Ako ang may karapatan hindi ikaw" saad ko.

"Nay oh,inaaway ako ni Ate AJ" sumbong nya kay nanay pepe kaya napairap na naman ako.

Napaka-childish talaga.

"Wag ka nga Allen.Labing-limang taon kana para ka pa ring bata.Nay wag kang maniniwala sa Allen na yan !" Sabi ko kay nanay na nag-aayos ng mga plato sa may cabinet.

"Kayong dalawa.Porke't wala ang kuya Andrei nyo kung makapag-away na naman kayo parang walang bukas.Kung pumunta nalang kayong labas at dun mag-boxing.V-video ko pa kayo." Sagot ni Nanay habang natatawa.

"Sige nay sige.Try natin,baka mas lalo akong sumikat dun.Tara ate!" Sang-ayon naman ni Allen.

"Ewan ko sa inyo.Nay naman eh"

"Joke lang kayo talaga.Allen dapat hindi mo inaaway ang ate mo.15 kana eh.Dapat hinayaan mong si Ate AJ mo ang magsabi nun kay Andrei.At ikaw naman AJ,wag kang papatol sa mas bata sa'yo.Alam mo namang iba ang tabas ng dila nyan." Sabi ni Nanay kaya natawa ako.

"Naaay!" Angil ni Allen.

▪ ▪ Kinabukasan ▪ ▪

"Nay,baka po late ako maka-uwi mamaya dahil sa parusa sakin ng school." Sabi ko kay Nanay.

"Ganon ba,magpasundo ka kay Allen kapag uuwi kana." Sagot nya

"Dna nay.Commute nalang ako.Bye po.Allen umayos ka ha,babye" hinalikan ko sila parehas sa pisnge bago lumabas ng bahay.

Hindi ko ngayon kasabay sina Shrela dahil maaga silang pumasok.Si Shreka para mag-asikaso sa library.At si Alessia naman para sa documents na ipapasa nya ngayon.

Mabilis akong nakarating sa school dahil hindi naman ganoon kalala ang traffic.

Agad kong nai-swipe ang ID ko sa gate tsaka pinuntahan si Alessia na kasalukuyang kumukuha ng litrato sa garden.

"ALESSIA" tawag ko kaya agad syang napalingon.

"AJ" tumakbo sya palapit saken.

"Ano?Kamusta kana?Anong sabi sa'yo ni Kuya Andrei tsaka kelan ang start ng tutorial mo?" Sunod sunod nyang tanong.

Kala mo naman antagal naming hindi nagkita.

"Ayos lang,medyo hindi na masakit ang pasa ko.Tsaka pinagsabihan lang ako ni Kuya na mag-ingat sa susunod and later na rin ang start ng tutorial ko." Sagot ko sabay ayos ng salamin ko.

Pupunta na sana kami sa room ng may humarang na isang Grade 7 student sa harapan namin.

"Ate,Ate..para sa'yo po." Sabay abot ng isang pirasong bulaklak kay Alessia.

"Teka,kanino galing to?" Tanong nya.

"Secret daw po eh.Babye po!" tumakbo na pabalik yung bata at iniwan si Alessia na naka-nganga.

Ang babaeng to,may secret admirer na pala hindi man lang nags-share.

"Hoy Alessia,ano yan ha?May pabula-bulaklak pang nalalaman.Anong meron?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam.Wala akong alam dito ahh" tanggi nya.Napaka-defensive.

Isang piraso lang naman yun ng rose na halatang pinitas lang sa isang bakuran.Pero iba yung ngiti nya.

"Ikaw ahh,Alessia.Nagtatago kana ba samen ni Shrela ng secret.Sino yang manliligaw mo?" Pinanliitan ko sya ng mata

"Wala nga akong alam dito AJ.Tsaka hindi rin ako nagpapaligaw kasi wala namang nagbabalak mangligaw." Paliwanag nya kaya napatango nalang ako.

"Sabi mo eh.Tara na sa room,maghanda kana kay Shrela." Sabi ko kaya napatawa nalang kami.

▪ ▪ Later ▪ ▪

Kasalukuyan akong papunta sa library para gawin ang duty ko. Duty na turuan sina Copper at Zander.

Bait ko noh...wala lang talaga akong choice.

Kanina sa canteen na-hot sit si Alessia dahil nga sa kung sinong nagbigay sa kanya ng bulaklak.

Syempre hindi yun pinalampas ni Shrela,yun paba?

Kaso wala talagang idea si Alessia kung kanino galing yung bulaklak kaya inggit na inggit si Shrela.

Buti pa daw si Alessia may secret admirer.

Anywayss...

Nakarating na ako sa library pero wala akong Copper at Zander na nakita.

"AJ-annyeong!" pabulong na bati sa akin ni Shrela.

"Shrela..anong oras ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya.

"Sabay kami ni Mommy Jeja" napakunot ang noo ko nang tawagin nya si Ma'am Jeja na Mommy.

"Anong mommy?Kailan mo pa naging ina si Ms. Faderanga?"

"AJ...bilang helper sa library,hindi malabong maging close kami ni Mommy Jeja.Tsaka sa ayaw at sa gusto nya tatawagin ko pa rin syang mommy." saad nya sabay kindat

Baliw talaga.

"Ikaw?Anong oras ka uuwi?Mukhang wala pa yung badboys ah" dagdag nya

"Kaya nga.3 hours lang naman ako dito kaya mga 8 or 9 uuwi na rin ako" sagot ko.

"Ganun ba?Sige na...gogora na ko.Hindi ako makakasabay sa'yo dahil OT si Mame ngayon,walang bantay si Dindi.Sabay tayo nina Alessia bukas ah..bye" pamamaalam nya at lumabas na nang library.

"Ms. Moretz,mauna na ako.Sabihin ko na lang sa guard na nandito ka pa." sabi ni Ma'am Jeja kaya napatango ako.

"Ingat po kayo Ma'am"

Naupo ako sa isang upuan at naghintay ng ilang minuto.

° ° 2 Hours Later ° °

Napatingin ako sa relo ko.8 pm na pero wala pa ring Copper at Zander na nagpaparamdam.

Ano?Lokohan ba to?

Sabi nila 6 pm sa library pero anong oras na.

Bagot akong tumayo at niligpit ang mga librong dinala ko pa para sa kanila.

Dadaan na lang ako sa locker ko para ilagay to.

Habang naglalakad ako papuntang locker room,feeling ko may sumusunod sa akin kaya binilisan ko ang paglalakad ko.

Napapitlag ako ng may humawak sa braso ko...

"Ah---Hmmpph"

Napapikit ako nang may tumakip sa bibig ko.

"I'm Sorry." napamulat ako ng mabosesan ko kung sino yung nagsalita.

"Za-zander?"

"Umuwi kana.Copper and I can't make it." napapikit ako ng inilapat nya ang kanyang labi sa noo ko. "Take Care."

Bago ko pa sya maharap ay tinalikuran na nya ako at tumakbo palayo sa akin.

What the hell was that?

° ° ° ° ° ° °

 Eeeeeeey! How was it guys?

 Leave comments for any suggestions/Idea or questions that you had and Don't Forget to press the Star.

My First,My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon