XXIII:Sick

74 4 2
                                    

AJ's POV

"Are you okay anak?"

Napatingin ako sa screen ng laptop ko ng muling magsalita si Mom.

"I'm fine Mom." mahinang sagot ko.

Kasalukuyan kaming nasa study room nina Kuya Andrei. Kausap namin sina Mom and Dad.

"Are you sure Anak? We can talk to your Lola if you want." saad naman ni Dad na agad kong inilingan.

"It's okay Dad. You don't have to. Mabuti na rin ito,atleast I won't hide my real identity anymore."  paliwanag ko.

After ng nangyari kahapon,hindi na ako bumalik sa school. Dumiretso na ako samen. Tinext ko na lang sina Lola na umuwi na ako.

Sabi nila nagka-problema daw sa kuryente. Hays,kung alam lang nila ang kalokohang ginawa ni Zander.

Speaking of Zander,about sa pinag-usapan namin yesterday. We'll meet later. He will tell everything to me na.

"Wag kayong mag-alala Mom and Dad. Okay na okay si Ate. Babantayan po namin ni Kuya yan" sabi ni Allen kaya napatawa sina Mom even Kuya.

"Make sure Allen. Aasahan ko yan hanggang sa maka-uwi kami ng Mom mo." sambit naman ni Dad.

Hays...

"Speaking of uwi. Kailan po ba kayo uuwi ni Mom?" tanong ni Kuya.

Kasabay non ang biglang pagvibrate ng phone ko.

From Monkey-pper:
Hey ;)
Sent 7:46 am

Ano na namang kailangan ng Unggoy nato?

"About that anak. We bought our plane tickets na. We're going home after 3 days" masayang saad ni Mom

Dahil sa gulat at biglang pagsagi saken ni Allen ay bigla kong nasent ang maling emoji kay Copper.

To Monkey-pper:
<3
Sent 7:47 am

"Gosh,Allen!" sigaw ko kaya napatahimik silang apat.

Ang tae naman kasi eh. Magugulat na nga lang kailangan pa akong sagiin.

"Inaano kita dyan Ate?" takang tanong ni Allen.

Napatingin naman ako kina Kuya pati na rin kina Mom na nag-aabang ng sagot ko.

"W-wala. Na-excite lang din ako sa pag-uwi ni Mom." napatango nalang sila sa sagot "Anyways Mom,Dad..bakit po biglaan at sabay pa po kayo?"

"Remember your Dad's bestfriend from College. We decided to merge our company nang sa ganon hindi kami mahirapan ng Dad mo sa pag-aasikaso nito. One year contract naman yun so kung mag-improve ang company with the help of his team,we can be a corporate company" paliwanag ni Mom kaya napatango kami.

"Well,we need to prepare para sa pag-uwi nyo. Alam na ba ito nina Lola?" tanong ni Kuya.

"Not yet Son. We want to surprise them." sagot naman ni dad.

Nag-vibrate muli ang cellphone ko.

Gosh. Oo nga pala,nakalimutan kong sabihing wrong send yun.

From Monkey-pper:
I<3u2
Sent 7:50 am

God,namis-interpret nya.

"Sige na po Mom and Dad. We need to go na po. May work pa po ako eh,may aasikasuhin pa rin po sina Allen" saad ni Kuya.

Nagpaalam na kami kina Mom. Pumasok na si kuya sa trabaho nya samantalang lumabas naman si Allen para pumunta kuna Abo.

Mamaya pang hapon ang pasok ko. Foundation naman eh. Nakakatamad umattend. Paulit-ulit lang naman ang nangyayari.

My First,My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon