XVI:Textmate

52 6 0
                                    

Andy's POV

Saturday ngayon at walang pasok.This coming Monday na rin ang Foundation Day pero prepared naman ang section namin.

Gaya nang suggestion ko,Shout-out Booth ang napag-desisyonan namin.Syempre with a twist sabi ni Karl.

Wala naman akong plano this weekend.Tambay lang ako sa bahay ngayon.Tahimik ngayon sina Shrela eh.

Si Alessia kakatapos lang tapusin ang dyaryo ng school dahil next week,ipapasa na sa sports writer.News writing kasi sya,plus photo-journ.Pero sa topic lang naman nya sya nagp-picture.Kahit naman hindi ako journalist may alam ako sa ganyan.

Si Shrela naman,huling kita namin ni Alessia eh,hindi maka-usap.Dko nga alam ang nangyari eh.Nag-skype kami kagabing tatlo at halos hindi sya maka-usap at hindi mapakali.

Sabi nya sa Monday nalang daw sya magk-kwento.

Binuksan ko ang kurtina ng kwarto ko na ngayo'y pinagsisihan ko na.

Mukha lang naman ng masamang nilalang ang nakita ko.

Kung di nyo naitatanong at wala akong pakialam kung hindi nyo itanong...magkatapat lang ang bintana naming dalawa ni Abo since magkapit-bahay kami.

Ang tahimik kong buhay,mukhang gugulo na.

"Goodmorning Andy-pot" saad ni Abo at kinindatan pa nya ako.

Napairap nalang ako at muling sinara ang kurtina.What a great morning to start a day -_-.

Bumaba na ako para makapag-breakfast.

"Morning Ate." Bati saken ni Allen.

Wow,for the first time.Maaga syang nagising ngayon.Anong meron?

"Aga mo ngayon ah,anong meron?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman.Masama na bang gumising ng maaga" sambit nya.

Hindi naman masama.Nakakatakot lang kapag si Allen yung gumagawa.Di ako sanay eh.

Pumunta ako sa dining area.Nakita ko si kuya na naghahanda ng breakfast.May suot pa syang apron.

Dumiretso ako sa ref para kumuha ng tubig.

"Goodmorning babygirl" nasamid ako sa sinabi ni kuya.

Inis ko syang hinarap.

"Kuya naman eh,stop calling me babygirl." Sambit ko na ikinatawa nya.

Anong nakakatawa?

"Akala ko galit ka pa sa kuya eh.Bati na tayo ah!" Napanguso ako sa sinabi nya.

Saglit nya akong hinalikan sa noo bago muling bumalik sa kitchen sink.

Bumalik ako sa lamesa para tingnan ang mga niluto nya.Sobrang dami.Akala mo naman malalakas kaming kumain.

Well, si Allen oo...ako?Fine oo na.Pero slight lang.

Bacon.Hotdogs.Eggs.Ham.Fried Rice.Rice.Toasted Bread.Garlic Bread.Banana and Milk.

*Ding *Dong

Napatingin ako sa main door ng tumunog ang door bell namin.Agad namang sumaludo si Allen at dumiretso sa pintuan para buksan ang gate.

"Let's Eat" saad ni kuya sabay lapag ng mga baso sa lamesa.

"Where's Nanay?" Tanong ko

"Maagang pumunta sa palengke"

"Bakit ang dami?" Tukoy ko sa mga pagkain sa lamesa.

"We have a visitors." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya "Maupo ka na muna dyan.Sabay sabay tayong kakain" saad nya at tinanggal na ang apron na suot nya.

My First,My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon