AJ's POV
Mabilis na na natapos ang weekend.Kasalukuyan akong naghahanda para sa pagpuntang school.
Foundation na nang school namin.Nabago ang araw.One week na gaganapin ang Foundation Day kaya paniguradong marami na namang pakulo ang school namin.
Nagsuot lang ako ng skinny jeans at sleeveles t-shirt with sneakers.Nilugay ko lang ang buhok ko tsaka inayos ang suot kong salamin.
I'm ready :)
Bumaba na ako at naabutan si Allen na nagsisintas ng sapatos nya.
"Morning Kuya,Allen.Morning Nay" bati ko sa kanilang lahat.
Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng isang mogu-mogu.
"Breakfast muna kayo AJ" saad ni Nanay.
"Hindi na po nay.Sa school nalang po ako kakain" sagot ko.Nagmano ako sa kanya at hinalikan naman si kuya sa pisnge
"Bye po" paalam ko.
Mamaya pa daw si Allen dahil kakain pa sya ng breakfast.Diretso practice na kasi sya pagdating sa school.
"AJ" tawag ni Alessia habang kumakaway pa.
Ang aga palang pero andami nang tao sa school.Kanya-kanya ang bawat grupo/sections sa pag-aayos ng booths nila.
Para rin naman to sa mga freshmen eh !
"Ayos na ba yung atin?" Tanong ko
"Hindi pa nga eh.Pero nagsisimula na sila.Halika na !" Sagot nya at hinila ako papunta sa room
Wait...may kulang.Masyadong tahimik kapag wala sya.
"Where's Shrela?" Tanong ko nang makarating kami sa tapat ng classroom namin
"There she is.Kanina pa syang nakatulala at hindi tinutulungan ang classmates natin na mag-decor sa liod ng building" paliwanag.
Nakakapanibago nga si Shrela.Sobrang tahimik at inosente nya.Akala mo may taning na ang buhay.Ang lalim ng iniisip
Lumapit ako kay Shrela na kasalukuyang tinititigan ang cellphone nya.
"Shrels" tawag ko sa kanya pero nakatuon pa rin ang tingin nya sa phone nya.
"Shrela?May problema ba?" Tanong ko sa kanya
"Mind to share?Maybe we can help!" Dagdag ni Alessia.
Nag-angat ng tingin si Shrela samin.Walang emosyon ang mukha nya maging ang mga mata nya.Minsan lang sya maging ganito.
At ayokong nagiging ganito sya.Being her bestfriend,masakit dahil wala kang ideya kung bakit nagkakaganyan ang kaibigan mo.
Malalim syang nagbuntong hininga bago magkwento.Kinuwento nya lahat ng nangyari last friday.
"What should I do?Alam nyong malakas akong mang-stalk at man-trip pero yung maging fake girlfriend ng kung sino,hindi ko pinangarap yun" saad nya.
She has point.Sino ba naman kasing matinong tao ang kukuha ng kung sinong babae at ipagsasabing girlfriend nila.Hindi ganong tao ang bestfriend.
"You should talk to him.Linawin mo sa kanya kung sino ka talaga.Ipaliwanag mo kung ano ang magiging epekto ng ginagawa nya" sagot ni Alessia dahilan para mapatango ako.
"Basta Shrela wag ko nang paabutin pa ng matagal.Mahirap na,baka mahulog ka sa mga pasimpleng moves nya.Alam mong kapag humakbang ka pauna,walang sasalo sa'yo.Kaya dapat habang maaga,humakbang kana paatras" saad ko
Nginitian nya kami ni Alessia pero hindi pa rin yung abot hanggang sa mga mata.Alam mo pa rin na nahihirapan sya.
"Thanks girls.Thank you" nagyakapan kaming tatlo at nauwi sa tawanan.
"Tara na nga.Baka hinahanap na tayo dun"
Sabay sabay kaming pumunta sa studio para i-check kung ayos ba ang mga microphones at speakers.Magl-live broadcast kami para sa mga taong gustong magpa-shout out.
Nang ma-check na namin ang mga mic's ay dumiretso kami sa likod ng building namin kung saan nagd-decor sila.
"AJ,ayos na ba ang tables and chairs?" Salubong saken ni Santiago.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid.Nasa gitna ang ilang table for two at sa ilang gilid naman ang ilang upuan.
May ilang balloons rin na nagkalat sa damuhan.Ang ilang puno ay nilagyan ng design.
Nginitian ko sya at tinanguan.
"It's cool.Ayos na sya" sagot ko at sinuklian din ako ng isang ngiti.
Pinatawag ko sa kanya ang lahat ng mga kaklase ko para magtipon-tipon kami.We need to make a plan kung paano mapalalaganap ang booth namin.
"So guys,ayos na ang venue.We need atleast 5-7 students for the studio.10-15 students to manage this place at ang ibang matitira ay mamimigay ng papers about our booth." Mahabang litanya ko.
"Kami na sa studio prez" taas kamay na saad ni Alessia sabay kindat pa
"Ako rin.Sama ako" dagdag ni Karl
Napangisi ako ng pasimpleng umirap si Alessia
"Okay,yung ibang sa studio sumama kay Alessia." Saad ko
"Kami ni Shrela ang mamumuno dito" napabaling ako kay Sean nang magsalita ako.
Agad kong tiningnan ang ekspresyon ni Shrela.Wala lang.Well,baka ito ang kailangan nila.Baka mag-kaayos.
"Okay.Maghanap kayo ng iba pang makakasama nyo." Sagot ko "So yung ibang matitira sasama saken para mamigay ng papers" dagdag ko.
Agad na tumabi saken sina Copper at Zander.
"We'll help you" saad ni Zander kaya napangiti ako
Nang mahati na ang grupo namin ay nag-intay na lang kami ng oras.10 am ang bukas ng lahat ng booths.9:45 na kaya nagsipunta na kami sa sari-sarili naming pwesto.
Hinati ko ang grupo ko sa tatlo.Kami nina Zander,Copper at Aika sa may entrance gate.
Ang dalawa naman ay sa ibang lugar.
"Let's go!" Yaya ko sa kanila at naglakad na kami patungo sa entrance ng school.
Nagsimula na kaming mamigay ng fliers.
"Shout-out booth po" saad ko habang inaabot sa kanila ang fliers.
Tahimik namang nag-aabot sina Copper at Zander.
Bigla tuloy akong na-excite para next week.Remember na nag take kami ng exams last week.Next week na ang labas ng results at kapag pumasa sina Copper,back to normal na ang lahat.
Mapapabalik ako sa dean's lister at magiging regular students na sila.
Padami na nang padami ang tao sa school.Parami na rin ng parami ang nagbubukas at pumupunta sa sari-sariling booths.
Nagsimula na ring mag-ingay ang booth namin.Rinig na rinig ang boses ni alessia.
"Here" napatingin ako kay zander ng abutan nya ako ng tubig.
Nginitian ko sya at tinanggap ang tubig.
"Thanks"
Nang makakalhati kami ay nagsimula na kaming magdikit sa ilang fliers sa mga designated areas.
Naunang maglakad sina Zander at Aika.Samantalang nahuli kami ni copper dahil natanggal ang sintas ko
"Let me" saad nya at lumuhod para masintas ang sapatos ko. "Yung kabila" saad nya kaya nilipat ko ang paa ko.
Napaiwas ako ng tingin ng tumayo sya at tiningnan ako.
"Th-thanks" nauutal kong sambit.
Dang.Nakakahiya naman!
Ngumisi lang sya tsaka ginulo ang buhok ko.Sinabayan nya sina Zander sa paglalakad at naiwan ako ritong parang ewan.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa mabilis na pagtibok nito.
Napayuko ako at dinamdam pa ang dibdib ko.
What's with my heart?
• • • • • • • •
Team Zander or Team Copper?
Comment down⤵
Don't forget to press the ☆
BINABASA MO ANG
My First,My Last
FanfictionKaya mo bang mahalin ang taong dahilan kung bakit nasira ang nakaraan mo? BTS Jungkook Fanfic Jeon Jungkook #1 ○April 2,2018 ●November 2,2018