XXVIII:Approve

65 9 1
                                    

AJ's POV

"Goodmorning Anak. Kain na." bati saken ni Mom ng makapasok ako sa Dining room.

Tinutulungan nya si Nanay mag-ayos ng pagkain. Nakaupo na sina Kuya,Dad at Allen.

Katulad kagabi..katabi ko si Allen sa kaliwa. Nasa tapat ko si Kuya Andrei at naupo na rin si Mom sa tapat ni Allen at si Nanay sa tabi ni Kuya Andrei. Nasa gitna namin si Dad.

Tahimik lang akong kumuha ng pagkain at kumain.

"Anong oras ka makakauwi mamaya AJ?" napatingin ako kay Mom ng tanungin nya ako.

"Ah,mga 4 po siguro."

"Great. Let's go shopping together. You can invite Alessia or Shrela if you want." nakangiting saad ni Mom.

Napangiti rin ako sa kanya tsaka tumango. Na-excite ako bigla. It's been a while nung huling nag-shopping kami together.

Matapos ang ilang minuto ay tumayo na ko para magpaalam.

"Pasok na po ako." saad ko.

Lumapit ako kina Mom at Nanay para halikan sila sa pisngi.

Kinulbit ko naman si Allen para bilisan nya sa pagkain.

Lalagpasan ko na sana sina Dad ng bigla itong magsalita.

"Hindi ka ba magpapaalam samin ng Kuya mo?" napaharap ako sa kanya at bahagyang humalik sa pisngi nito ganun din kay Kuya.

"Bye Dad,kuya." lalabas na sana ako ng magsalita itong muli.

"Ihahatid ko na kayo ni Allen."

"Ihahatid po ako ni Ashton."

Buti nalang napakiusapan ko si Abo na ihatid ako ngayon.

"I insist. Besides, I need to talk to your grandmother." napakagat ako sa labi ko.

"Dad,nangako po kasi ako kay Tiana na sabay kaming papasok. Bukas nalang po. Una na po ako" nauna pa talaga saking lumabas si Allen.

"Let's go AJ." humalik muna si Dad kay Mom bago lumabas ng dining room.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Andy." tawag saken ni Kuya ng makalabas ako sa kusina. "Come here"

Bahagya akong nagulat ng yakapin ako ni Kuya.

"Pagpasensyahan mo na ang kuya. I'll try to talk to Copper and Zander. Don't worry okay?" mahigpit kong niyakap si Kuya bilang tugon.

Marahan naman nya akong kinurot sa pisngi bago halikan sa noo.

"Dad is waiting. Ingat kayo."

"Bye. Say hi to Ate Yoomi for me." nginitian ko sya bago lumabas ng bahay.

Nakatayo si Dad sa tabi ng kotse nya habang iniintay ako.

"I already talk to Ashton. Get in." tumango ako at pumasok na sa loob.

Tahimik lang ang byahe hanggang sa makarating kami sa school.

Pinarada ni Dad ang kotse at naghanda na ako sa pagbaba.

"Thanks sa paghatid Dad." lalabas na sana ako ng pigilan nya ako.

"Let's talk for a bit anak." napatigil ako ng tawagin nya akong anak. "Your Mom talked to me earlier. She explained your side to me. Naiintindihan kita anak. Pero gaya ng sabi ng Mom mo,ayaw lang naming may mawala pang isa sa pamilya natin." nanatili akong tahimik habang nakikinig sa kanya.

"Aaminin ko, hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap ang pagkawala ng kambal mo. At napagisip-isip ko ring hindi ko mas lalong kaya na pati ang kalooban mo ay mawala saken. I told your brother na dapat iwasan mo sina Fontelo at Morell. Hindi man sila ang may kasalanan,ayoko nang ma-involve ka pa sa kanila.

My First,My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon