IV:Take It Or Drop It

108 8 0
                                    

Shrela's POV

Bagot akong nanonood ng nga nagwa-warm ups na basketball player.

Wala na bang bagong hot dito?Halos lahat ng players dito ay na-stalk ko na.

Alam kona lahat ng backgrounds nila.

Napatingin ako sa lalakeng kanina pang nakatitig saken.

Kevin Mendoza.

Anak mayaman at varsity ng Stanford.Marami nang napanalunan ang team nila.Madalas din syang MVP sa mga laro.

About his background,certified PLAYER talaga sya.

Yung tipong katatapos lang ng school,sa bar ang diretso.Hindi disente ang taong yan kaya inirapan ko sya.

Bumaling naman ako sa photographer na kanina pa kuha ng kuha ng mga litrato ng mga players.

Si Charles Gomez.Katulad ni Alessia ay photographer din sya ng school.Ang problema lang ay nasa Tagalog newspaper sya samantalang si Alessia naman ay nasa English Newspaper.

Matalino yan.Katulad ni AJ ay nasa dean's lister din sya.

His Background?Masyado syang matalino para hindi pansinin ang mga babaeng nakaaligid sa kanya.

Gwapo nga sya masungit naman.Minsan ko na yang naka-usap,inis-stalk ko pa sya non.

That time nasura talaga ako sa kanya.Hindi kasi nya ako pinansin.Kaya simula rin nang araw na yun,sinumpa kona sya.

Napatigil ako sa pag-mumuni muni nang may tumamang bola sa paanan ko.

Napatingin ako dito tsaka ito pinulot.

"Hey" napatingin ako sa sumigaw. "Pass" saad nya.

Ahh,I remember him.

Sya yung guy na nasa unahan namin nina Alessia.

Sean Salazar.

Actually hindi ko pa sya nas-stalk kaya wala pa akong karapatang husgahan sya.

Tumingin ako sa bolang hawak ko bago sya tingnan ulit.

"Hey,are you deaf?I said Pass" medyo inis nyang sambit.

Sya na nga lang mag-uutos galit pa.

Nag-ipon ako ng energy ko,yung tipong naka-todo mode na bago ibato sa kanya.

Halata sa mukha nya ang gulat pero nasalo pa rin naman nya.

Masungit din ang isang to kaya wala na akong balak ipa-background check sya.

Uupo na sana ako sa isa sa mga bleachers nang may nagbukas ng pintuan sa back door.

Ang back door ay daan papunta sa field.Hindi kona sana aabalahin pa kung sino yung dumating kaso bigla nalang sinigaw ang pangalan ko.

"SHRELAA !!" napatingin ako don at hingal na hingal na humarap saken si Alessia.

Nakasabit sa kanyang leeg ang camera nya at medyo sabog na rin sya.Pinagtitinginan na tuloy kami.

Ano bang meron?

"Anong nangyari sa'yo Alessia?May problema ba?" Tanong ko dito.

"S-si AJ..." hingal na saad nya kaya napataas ang kilay ko.

What's with AJ?

"S-si AJ...nasali sa away?" Dagdag nya habang nakahawak sa balikat ko.

Napasali si AJ sa away?

"Si AJ,sumali sa away?Sumali lang pal--ANO?SI AJ NAKIKIPAG-AWAY?"

Napalaki ang mata ko nang marealize na nakikipag-away si AJ.Shit...kailangan ko tong mapanood.Once in a lifetime lang to.

My First,My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon