AJ's POV
"Sorry AJ,hindi ako makakapunta mamaya.Kailangan ko pa kasing mag-edit ng pictures." saad ni Alessia.
Tumango nalang ako bilang sagot.
"Ako rin AJ.May family dinner kami mamaya,you know wednesday ngayon." Napatango din ako sa dahilan ni Shrela.
"Okay lang.Kami nalang nila Kuya mamaya." sagot ko sa kanila.
Death anniversary ngayon ng Kambal ko.Aimee Justine Moretz.Namatay sya dahil daw sa car accident.Hindi ko alam ang totoong kwento dahil kasama ako sa aksidenteng yun.Nawalan ako ng alaala pagkatapos non.
"Una na kami sa'yo AJ,Ingat ka ah." paalam nila saken.
Napabuntong hininga nalang ako at dumiretso na sa library.
Kailangan kong magpaalam kina Copper na maaga akong uuwi ngayon.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang dalawang matangkad na lalake na nag-iintay sa may pinto ng library.Ang gulat ko ay mabilis na napaltan ng ngiti dahil hindi ko na kailangan pang mag-hintay.
"Aga nyo ah.Anong nakain nyo?" bungad ko sa kanila.
"Yung isa lang naman dyan lagi ang late eeh" saad ni Zander.
Mahina akong tumawa dahil sa sinabi nya.He's right...lagi nalang si Copper ang late.
"Tara na nga." walang ibang nagawa si Copper at hinila nalang ako papasok sa loob.
Agad kong nilabas ang ginawa kong quiz sa kanila.Para lang syang Pre-test actually para madali kong malaman kung san sila mahina.
"Answer this questions first.After that,tsaka nalang tayo magsisimula ng real discussion natin." Saad ko sabay abot ng dalawang papel.
Napatango nalang silang dalawa at nagsimula ng magsagot.Wala naman palang problema sa dalawang to eh.
Madali silang makinig at paniguradong madali lang din silang natuturuan.I wonder why did they transferred here.
"Hey,san kayo galing na school?" Tanong ko.Wala akong magawa eh,kaya dadaldalin ko nalang sila.
"La Salle" simpleng sagot ni Zander kaya napatango ako.
Kuya said na nag-highschool ako sa La Salle same with them.Kaso 4th year highschool,nagtransfer na ako dito.Together with Shrela and Alessia.
Nagtransfer lang ako dito after the accident.Mahirap kasi parang bago lahat sakin.Wala akong maalala ni isang pangalan o pangyayari.Shrela and Alessia help me to regain my memories.Kinuwento lang nila yung childhood memories namin.
Wala silang binabanggit tungkol sa nangyaring aksidente.Binanggit lang nila na may kambal ako na namatay dahil dun and then wala na.Hindi nila ipinaliwanag kung bakit nangyari ang aksidenteng yun.
Wala rin akong alam kung si Aimee nga lang ba ang kasama ko nun sa panahong yun.
"Done" napatingin ako kay Copper ng inabot nya sakin ang test paper nya.
May sagot na lahat ng tanong at hindi mo masasabi kung hula lang ang nga ito.
"I need to go out early again.Wala ka namang ipapagawa dba?" Tanong nya saken.
Napatango ako dahil maaga din naman akong uuwi.
"Una na ko." Dali dali syang umalis palabas ng library.
Lagi naman.
"Pagpasensyahan mo na lang si Copper.Pwede naman tayong mag-stay pa dito.Willing ako makinig kaso kapag 7:30 na kailangan ko na ring umalis." Mahabang saad nya.
"No.It's okay.Mukhang may pupuntahan ka rin naman.Besides,may kailangan din akong daanan." Sagot ko
"You sure?" tanong nya pa.Tumango nalang ako bilang sagot.
"Yeah,susunduin din naman ako ng Kuya ko." Tumango nalang sya at nagpaalam na rin.
Halata na nagbago ang ekspresyon ng mukha nya ng marinig ang katagang 'Kuya'.
Naghintay pa ako ng ilang minute bago dumating sina kuya.Nasa front seat si Allen katabi si Kuya na nagd-drive.Nasa likod din si Nanay Pepe.
Tumabi ako kay Nanay sa likod.
"How's your day Andy?" tanong ni Kuya saken.Tumingin ako saglit sa rear mirror bago ibalik ang tingin sa phone ko.
"As always.Boring." simpleng sagot ko.
Half of me is excited and the half of me is feeling nervous.This is my first time na makakapunta sa puntod ng kambal ko.
I still don't know how and why she died.They said na dahil daw sa car accident which is kasama ako,the reason kung bakit ako nagka-amnesia.
Ilang beses kona rin naming tinangkang bisitahin sya.Minsan ako lang mag-isa o kaya kasama sina Shrela kaso hindi natutuloy.Hindi ko nga rin alam kung bakit.
Ayaw din naman akong papuntahin nina Mom and Dad.Buti nalang napilit nila Kuya na papayagin sila.
"We're here." Tumigil ang sasakyan sa tapat ng sementeryo.
Naunang bumaba si Allen,sumunod na din naman kami ni Nanay Pepe.
"Allen,lead the way.Ayusin ko lang ang pagp-park ng sasakyan." Saad ni kuya kaya tumango nalang si Allen.
Nauna syang maglakad samen ni Nanay.Kumapit ako sa braso ni Nanay Pepe ng umihip ang malakas na hangin.
Ang creepy naman.
"Let's go back" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Allen.
Anong ibig nyang sabihin?
"Bakit naman Allen?Hindi mo na ba tanda ang daan?" tanong ni Nanay.
"It's not like that.We should go back.Paunahin natin si Kuya." Saad nya.
"Anong bang meron Allen?" tanong ko pero hindi sya sumagot.
Nakaharang sya sa harapan naming kaya hindi naming kita ni Nana yang nasa unahan.Hinawi ko si Allen sa tabi para Makita kung ano bang meron.
May isang lalakeng nakaitim sa tapat ng isang puntod.Nakahood at jacket din ito kaya hindi alam kung sino sya.
"Who's that Allen?" tanong ko.
"You don't need to know.Let's go." Akmang hihilahin na nya kami ni Nanay ng dumating si Kuya.
"Oh?Bakit hindi pa kayo pumupunta dun?We need to go home early." saad nya
"He's here again Kuya" saad naman ni Allen na lalong nagpakunot ng noo ko !
"Damn." Rinig ko ang mahinang mura ni kuya bago pumunta kung nasaan ang lalakeng naka-itim.
Nanlaki ang mga mata ko ng inambahan nya ito ng suntok.
"OhMyGosh" gulat kong sambit "Stop them Allen!" Dagdag ko pa
"He deserved that Ate." Malamig na tugon nya.
"Sht!How many times do I have to tell you na wag na wag ka nang pupunta dito!" Sabi ni kuya sa lalake.
Muli akong napatingin sa lalakeng kasalukuyang binubugbog ni kuya.
Bumaba ang hood na suot nito dahilan para makita ko ang kabuuan ng mukha nya.
What on Earth is he doing here?
Copper?
• • • • • • • •
Finally.Nakapag-ud din ako.Sorry dahil matagal akong hindi nakapag-update.Nawala kasi ang revision ng draft na ito and nawala din ang copy ko nito :(Enjoy Guys!Don't forget to press the ☆ and leave comments!
BINABASA MO ANG
My First,My Last
FanfictionKaya mo bang mahalin ang taong dahilan kung bakit nasira ang nakaraan mo? BTS Jungkook Fanfic Jeon Jungkook #1 ○April 2,2018 ●November 2,2018