Andy's POV
Tulala pa rin ako hanggang ngayon.Hindi ko maintindihan kung bakit yun ginawa sakin ni Zander.
Pagkauwi ko samen kagabi ay dumiretso agad ako sa kwarto at naligo para mahimasmasan.
Pero walang nangyari.Fresh pa rin sa isipan ko ang nangyari.
Feeling ko antagal tagal ko na syang kilala same with Copper.
"Ayan na naman sya.Tulala na naman." napatingin ako kay Shrela dahil sa lakas ng boses nya.
"Ang lakas ng boses mo Shrela.Hinaan mo nga" suway ko dito.
"Wow,ako pa talaga.Pigilan mo ko Alessia." saad nya kaya napailing nalang ako.
Nababaliw na naman ang besfriend ko
"Kasi naman AJ,kanina ka pang tulala tapos hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo.Yung totoo...bangag kaba?" diretsang tanong saken ni Alessia.
Grabe naman kung maka-bangag ang isang to.
"Grabe ka sa Bangag Alessia." sagot ko.
"Totoo naman AJ eh.Sinasabi ko sa'yo,tigil-tigilan mo yang paggamit ng ganyan at hindi nakakaganda sa katawan yan." saad ni Shrela sabay subo ng pasta nya.
"Pinagsasabi mo?Wala akong ginagamit na kung ano,wag nga kayo."
napaka-oa talaga nang mga to.Dko alam kung pano koba natagalan ang dalawang to.
"Concern lang kami sa'yo." dagdag pa ni Alessia.
Ngumiti ako sa kanilang dalawa..."Okay lang ako.Wag kyong mag-aalala."
Napangiti nalang din sila at pinagpatuloy ang pagkain.
Pagkatapos ng lunch break namin ay dumiretso na kami sa room.
Pagpasok namin ay bumungad samin ang maiingay naming kaklase.
Napatingin ako gawi nina Sean.Napapansin kong madalas ang pagtitig ni Karl kay Alessia.Ganun din si Sean kay Shrela.
Siguro natitipuhan ng dalawang yun ang bestfriends ko.Kaso wag na sila kay Alessia dahil may secret suitor na sya.
Hanggang ngayon kasi eh patuloy pa rin ang pagpapadala ng bulaklak dito.Minsan chocolates at letters.Arte..wala namang poreber.
Napatingin naman ako sa gawi nina Copper.Nakasubsob ang mukha nito sa desk samantalang kumokopya ng notes si Zander.
Hindi ko alam pero parang mas natutuwa ako kay Zander than Copper kasi si Zander may pakialam pa rin sa studies nya kahit basagulero sya unlike copper na wala na talagang paki.
Ni hindi nga nagawang magpakita kahapon eh.Pansin ko rin na may konting pasa si Copper sa may bandang mata nya at may sugat sa tabi ng labi.
Nakipag-away na naman.
Siguraduhin lang nila na aatend sila mamaya dahil kung hindi...naku !
Umupo na kaming tatlo sa upuan namin at inantay ang advicer namin.
Di rin nagtagal ay dumating na si Mrs. Perez.Bumati ito bago simulan ang klase nya.
Physics.Medyo madali lang to para sakin pero mas love ko pa rin ang math.Mas marami mang formula ang math kaysa Physics,mas gusto ko pa rin talaga ang math.
"OhMyGod,ayoko na.Yung ilong ko malalaglag na" reklamo ni Shrela.
Kahit kelan talaga wala nang matinong nasabi ang babaeng to.
Alam kong Physics ang kahinaan nyan.History kasi sya magaling eh.Kahit anong subject ang ipa-take nyo sa kanya wag lang Science.
"Ugh,ambagal ng oras"
BINABASA MO ANG
My First,My Last
FanfictionKaya mo bang mahalin ang taong dahilan kung bakit nasira ang nakaraan mo? BTS Jungkook Fanfic Jeon Jungkook #1 ○April 2,2018 ●November 2,2018