Shrela's POV
"Welcome to Shout-out Booth." Ngiting sambit ko sa babaeng pumasok sa booth namin.
"Feel free to choose your table" saad ko sa babae.
"Just wait for 5-8 min's para makarating ang shinat-out nyo" saad naman ni Danica,kaklase namin.
Grupo namin ang bahala para sa pagsundo sa mga shinat-out ng mga estudyante.Kapag ayaw sumama,edi wag.Madali lang naman kaming kausap.
Bakit ba naman kasi pipilitin ang ayaw?
Bumalik na lang ako sa pwesto ko.Sa entrance ng booth.Grabe yung boses ni Alessia,bentang benta.
Kamusta naman kaya ang secret admirer nun.
"Shrela" napatigil ako sa pagkutingting ng buhok dahil sa tumawag saken.
Ayan na naman sya.Dadali na naman.Ayoko na nga dba?
"Shrela can we talk?" Alam kong sincere ang pagkakasabi nyang non.Seryoso at walang bahid ng biro.
Hindi ko sya nilingon.Patuloy lang ako sa pag-aayos (kunwari) ng buhok.Pakialam nyo ba?
"Shrela I'm sorry" muli akong napatigil sa pagkalikot ng buhok ko dahil sa sinabi nya.
Sorry?
Buong tapang ko syang hinarap even though nanginginig ang mga tuhod ko.Bakit ba?Malakas ang tama nya saken eh.
"Why sorry?" Walang emosyong tanong ko.
"Why do you want to talk to me?" Tanong ko muli "Because of yesterday?Hell,bakit mo sinabi yun kung sa huli mags-sorry ka rin lang naman pala.Why did you do that kung alam mong mali yun?" Saad ko.
Napayuko sya.Nagsisi na sya?Gahd !
Napatawa ako.Napatawa ako ng mapait bago ko muli syang hinarap.
"Alam kong napaka-babaw ko.Alam kong ginagawa ko lang big deal yung maliit na bagay.Pero kasi,hindi ako bagay.Hindi ako yung babaeng iniisip mo.Kung alam mong mahilig akong mang-stalk ng mga lalake.Kung alam mong araw-araw akong nagpapalit ng crush,at kung alam mong araw-araw akong nakikipagbangayan kina Brianna...well congrats.Atleast you know something about me.But You don't know me well.Hindi ako ang Shrela na kilala mo" mahabang litanya ko.
This is the first time na masabi ko ito sa isang tao.Well,i guess it's good.Atleast someone stranger knows me na.
"Stop this nonsense Sean.Please" the first time I pleased someone.
Ayoko lang kasi talaga ng ginawa nya.Hindi ko kayang mag-panggap.Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para lang magpanggap.Higit sa lahat,kahit ganito ako...ayos lang,atleast hindi ako peke!
Hindi ko na sya hinayaan pang makasagot.Umalis na ako sa kinatatayuan namin.
Lumabas ako ng booth para magpahangin.Masyado akong nas-suffocate don !
Naupo ako sa isang bench sa field.Wala ngayong masyadong tao dito dahil halos lahat ay nasa kani-kanilang booths.
"Excuse me Miss." Tumabi ako ng konti para makadaan yung nag-excuse me.
Nasa medyo daan kasi ako naka-pwesto Bakit bawal na ba?Ang ganda kaya ng view dito.
Hindi ako nag-abalang tumingin kung sino yung nag-excuse na yun.Basta alam ko,tao sya.Wala ako sa mood.
*Click
Napakunot ang noo ko ng marinig ang tunog ng camera at ang pag-flash nito.
Agad kong hinarap ang taong salarin non.
BINABASA MO ANG
My First,My Last
FanfictionKaya mo bang mahalin ang taong dahilan kung bakit nasira ang nakaraan mo? BTS Jungkook Fanfic Jeon Jungkook #1 ○April 2,2018 ●November 2,2018