Kabanata 1

1.6K 40 2
                                    

TANGHALING TAPAT, nasa isang restaurant si Timothy kasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Luigi at Sheena

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TANGHALING TAPAT, nasa isang restaurant si Timothy kasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Luigi at Sheena.

Ang lahat ng mga kasama niya ay malakas na nagke-kuwentuhan habang kumakain maliban sa kaniya na hindi sumasali at tahimik sa isang tabi.

Ang kanilang ingay ang pumupuno sa buong restaurant.

"Timothy, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Luigi nang mapansin si Timothy.

Tumingin lang si Timothy kay Luigi, hindi ito sumagot.

"Bakit ganiyan ang itsura mo?
Wala ka bang tulog kagabi? Wala namang pinapagawa sa'yo di ba?" tanong ni Sheena.

Kapansin-pansin kasi ang itsura nito noong tanghaling iyon, ang mga eyebags nito at pati ang labi niyang maputla at tuyo.

Tumango lang din si Timothy at di pa rin ito nagsasalita. Tumingin si Timothy sa bintana at pinagmasdan niya ang paligid.

Nagpatuloy sa pagke-kuwentuhan ang mga kasama niya habang kumakain silang tatlo.

"Punta naman tayo sa bagong bukas na Food Park, along Q.C lang.

Gusto niyo bang dalawa? Kung ako lang mag-isa, di na ako tutuloy." paanyaya ni Luigi.

Sumagot agad si Sheena na gusto nitong sumama.

Hindi pa rin umiimik si Timothy, nakatingin pa rin ito sa bintana.

Muling tinanong ni Luigi si Timothy at doon pa lang ito kumibo.

"Matutulog na lang ako. Mag-ingat kayo lalo ka na Luigi, 'yung mga gamit mo." sabi ni Timothy.

"Tama, mabuti pa! Halatang puyat na puyat ka, oh!" sabi ni Sheena kay Timothy.

Nang maubos ni Timothy ang pagkain, nagpasya ito na mauna na siyang umalis.

Bago ito tumayo sa kaniyang kinauupuan, isinauli niya ang kaniyang payong kay Luigi.

Tumawa si Luigi at binalik ang payong kay Timothy dahil matindi ang sikat ng araw noong hapon na iyon.

Ibinigay na lang ni Timothy ang payong ni Luigi kay Sheena, kinuha niya ang kamay nito atsaka ibinigay ang payong.

Naglakad na si Timothy palabas ng restaurant ngunit bigla itong bumalik sa mga kasama niya.

"Dinner lang ba yan? Baka sa inuman din ang papunta niyan.

Sheena, mag-ingat ka at baka bumalik ang alaala ng kahapon! " sabi ni Timothy kay Sheena.

"Bahala ka 'pag wala kang masilungan mamaya." para naman kay Luigi.

Nakuha pang asarin ni Timothy ang mga kaibigan niya kahit na inaantok ito dahil sa kaniyang pagka-puyat.

Dinaan na lang nila Sheena at Luigi sa pagtawa dahil hindi nila alam kung bakit ito nasabi ni Timothy.

Chasing SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon