Kabanata 6

567 14 1
                                    

PAGDATING ni Timothy sa ancestral house, naabutan niya si Phoebe na nakaupo sa sahig at hindi maipinta ang mukha nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGDATING ni Timothy sa ancestral house, naabutan niya si Phoebe na nakaupo sa sahig at hindi maipinta ang mukha nito.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Timothy pero di siya pinansin nito. 

Ramdam ni Timothy si Phoebe base sa mukha nito. Pakiramdam niya na si Phoebe ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng kapangyarihan. 

Gustong-gusto niya itong tulungan pero wala siyang magawa dahil bura nga ang alaala nito na nangangahulugang hindi gagana rito ang kaniyang kapangyarihan.

Naisip ni Timothy na isama si Phoebe sa kaniyang misyon sa paninirahan niya sa ancestral house. Una, ang pagpapaayos niya sa ancestral house. Ikalawa, ang tulungan si Phoebe na maibalik ang kaniyang mga alaala para makatawid na siya sa kabilang buhay. 

Sa tingin niya, ito ang ikatatamik ng kaluluwa nito.

Hindi pa siya masyadong nagtatagal nang makauwi at nakarinig siya ng magkakasunod na malalakas na katok mula sa gate. Dali-dali siyang lumabas at binuksan ang gate. 

Pagbukas niya, nakita niya ang dalawang tao na kumatok. Mabilis niyang namukhaan ang mga taong iyon, hindi siya pwedeng magkamali dahil kabilang ang mga iyon mula sa apat na tsismosa na nagpakita sa kaniya noong mga nakaraang araw.

Unang tingin niya pa lang sa dalawang ito ay naasar na kaagad siya sa mga mukha nito. Para kay Timothy, hindi dapat pinaglalaanan ng oras ang mga gano'ng klaseng tao na walang ibang gustong gawin kundi ang pag-kwentuhan ang buhay ng may buhay.

"Sandali!" isasara na sana ni Timothy ang gate nang biglang hinarangan ito ng kamay ng isang tsismosa.

"Hindi mo ba kami hahayaang magpakilala? Kami na rin naman yung mga makakasama mo ngayon dahil dito ka na nakatira."

"Kahit hindi na po, pasensya na." tugon ni Timothy.

"Nakikita mo ba yung bahay na yun?" sabay turo sa isang bahay sa dulo ng kalye na kinatitirikan ng ancestral house.

"Bahay kasi yun ni Judith, sigurado nakita mo na yun, kasama namin yun dati nung una ka naming nakita. Baka libre ka mamayang hapon, samahan mo kami."

"Gano'n po ba! Di po ako sigurado kung makakapunta ako." sagot ni Timothy sabay sara ng gate.

Ang naiisip ni Timothy ay puro tsismisan lang ang magaganap mamaya. Namangha pa nga siya ng kaunti dahil mayroon pa silang venue at invitation at hindi sila yung parang mga nakikita mo sa mga memes na nagtsi-tsismisan sa kalye lang. 

Gusto man niyang isara ng malakas ang bakal na gate kanina dahil sa kaniyang inis sa mga ito. Nakapag-pigil pa rin naman siya kahit kaunti. Nagawa pa rin niyang sumagot ng magalang sa mga nakakatanda sa kaniya.

Sinimulan nang asikasuhin ni Timothy ang mga kailangan niya sa pagpapaayos ng kanilang ancestral house. Minsan na niyang nakausap ang mga kakilala niyang architect at interior designer kaya hindi na siya nahirapan sa paghahanap. 

Chasing SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon