HINDI ALAM ni Phoebe kung sino ang babaeng ito at kung ano ang papel niya sa buhay ni Timothy. Hindi alam ni Phoebe kung ano ang kaniyang gagawin. Pakiramdam niya na maa-out of place siya sa mga susunod na mangyayari.
Iba yung mga ngiti ni Timothy nang makita niya ang babaeng 'yun at ito ang unang beses niyang makita ito. Hindi niya rin alam kung ano ang mararamdaman niya.
Bandang huli, na-realize niyang wala siyang karapatang mag-reklamo dahil siya ang kusang sumama rito at walang pumilit sa kaniya.
Umuwi na lang siyang mag-isa sa ancestral house. Hindi naman niya ito problema kung may masasakyan siya o kung may pamasahe siya, isa siyang kaluluwang ligaw. Makakapunta siya kung saan niya gustong pumunta.
***
Nang makarating siya sa ancestral house na tinutuluyan ni Timothy, pumwesto siya sa paborito niyang lugar sa bahay doon malapit sa bintana kung saan tanaw niya ang kaniyang paligid. Doon siya nagpalipas maghapon at nagmuni-muni hanggang sa namataan niya si Tricia na may dala-dala na namang pagkain.
Katok lang ito ng katok sa gate hanggang sa napagtanto nitong walang tao sa bahay. Naglakad na siya pabalik sa kaniyang bahay at nang lumingon siya ay nakita niya si Phoebe na naka dungaw sa bintana.
Sinubukan niya itong senyasan ngunit hindi talaga ito kumikibo. Ipinagpalagay na lamang niya na hindi siya nito nakita kahit na ayaw lang talaga siyang pansinin ni Phoebe dahil wala ito sa mood.
Nagpatuloy ito sa kaniyang paglalakad hanggang sa siya ay makarating sa tapat ng bahay niya at halos siya ay mapamura sa kaniyang nakita dahil sa kaniyang pagkagulat. Muntik niya ng mabitawan ang plato na may laman na pagkain na kaniyang dala-dala.
"Anong ginagawa mo diyan? Nakakagulat ka naman!" pasigaw na tanong ni Tricia.
"Wala akong ibang kasama sa bahay, eh. Naisipan ko na dito na lang muna magpalipas tutal nakikita mo naman ako.." sagot ni Phoebe.
Napagtanto ni Tricia na medyo napalakas ang kaniyang boses kaya medyo nahiya ito at siya lang ang mag-isa noong mga oras na iyon.
Pinapasok niya si Phoebe sa loob ng kanilang bahay at doon sila nag-usap. Saktong silang dalawa lang ni Phoebe ang tao sa bahay kaya dalawa silang makakapag-usap ng malaya. Pinaupo niya na si Phoebe at isinara niya ang pinto at kurtina.
"'Di mo man lang ako pinagbuksan ng pinto para kapag umuwi 'yang pagbibigyan ko nito ay matatanggap niya!" sabay turo ni Tricia sa plato na may lamang pagkain na kaniyang tinutukoy.
"Kung kaya ko lang, eh!" sagot ni Phoebe at hinawakan niya ang isang flower vase na naka- display sa sala. Doon nakita ni Tricia na tumagos lang ang kamay ni Phoebe sa flower vase.
"Kawawa ka naman pala, wala ka na ngang maalala hindi mo pa kayang humawak ng mga bagay-bagay." pang-aasar ni Phoebe at biglang bumagsak ang isang kalderong walang laman sa kusina. Nagulat si Tricia nang marinig niya ito.
"Ikaw naman di ka mabiro!" Agad itong pumunta sa kusina para iligpit ang kalderong bumagsak.
"Ano ba ang sadya mo? May kailangan ka ba sa akin?" tanong Tricia pagbalik galing sa kusina.
"Wala, naghahanap lang ako ng makakausap. Wala akong kasama do'n, eh." sagot ni Phoebe.
"Swerte mo, buti na lang nandito ako. Sa lahat yata ng may third eye, bibihira lang siguro yung mga katulad ko na nakikipag-usap sa mga multo ng ganito." wika ni Tricia.
"Ang totoo, 'di naman talaga ako kasama sa lakad no'ng kasama ko kaso nainip ako."
"Umalis ka bigla?" tanong ni Trcia.
"Oo, di ako nagpaalam." sagot ni Phoebe.
"Bakit hindi ka nagpaalam baka mamaya mabaliw 'yun sa kahahanap."
"Bakit may maghahanap ba sa mga patay na? Sige nga!" sarkastikong sagot ni Phoebe.
"Eh, bakit ka ba kasi nainip?" tanong ni Tricia.
"May bigla kasi siyang nakita na babae, di ko alam kung sino. Nainis lang ako noong nakita ko siya." sagot ni Phoebe.
"Selos ka na do'n? Naku, ikaw, ah! Pero infairness din naman kasi cute siya." sagot ni Tricia kay Phoebe at ngumiti ito na parang nag-aasar na kinikilig.
"Kaninong mukha ka naiinis, sa kaniya o sa kasama niya? Paano yung inis?" pang-aasar ni Tricia kay Phoebe at ipinakita nga ni Phoebe ang mukha niya kung paano siya mainis kanina.
"Sa kasama niya, yung babae. Kung tatanungin mo itsura niya, siguro 'yung sakto lang. Alam mo yung 'di masyadong maganda pero hindi rin naman panget, nasa gitna sya gano'n! Hindi ko alam kung magseselos ba ako o ano kasi parang hindi na niya ako napansin." paliwanag ni Phoebe.
"Alam mo, unang-una wala kang karapatang sabihin ang mga salitang yan tulad nang nagseselos ka kasi kadarating mo pa lang sa buhay niya at hindi mo alam 'yung tagal at lalim ng pinagsamahan nila. Tulad nga no'ng sinabi mo, hindi ka naman niya niyaya kusa ka pa ngang sumama, eh." paliwanag ni Tricia.
Dahil dito, natauhan bigla si Phoebe sa mga sinabi ni Tricia. Magkahalong lungkot at dissapointment ang naramdaman niya sa mga nakita niya kanina. Sa mga ngiti nila noong magkasama silang dalawa. Yung mga ngiti na kailanman na hindi niya nakita sa tuwing magkasama silang dalawa.
Tinanong niya ang kaniyang sarili. Sino ba naman siya para umasta ng ganito? Sino ba siya para mag-hangad na muli pang magmahal samantalang dapat ay nasa kabilang buhay na siya. Natahimik siya ng ilang sandali pagkatapos nito.
Naisip niya rin na dapat niya munang pigilan ang kung ano man ang nararamdaman niya para kay Timothy. Ang kailangan niyang unahin at gawing priority ay ang maibalik ang kaniyang mga alaala.
"Ano hindi ka makapagsalita? Masakit ba masampal ng katotohanan?" tanong ni Tricia.
"Gusto ko siya!" sigaw ni Phoebe at halos mabulunan si Tricia sa kinakain nito na ibibigay niya sana kay Timothy.
Namilog ang mga mata ni Tricia nang marinig niya ito. Tinatanong niya sa kaniyang sarili kung paano ito nangyari. Sa dinami-dami ng mga multong nakakasalamuha niya mula noong siya ay bata pa, si Phoebe ang naiiba rito.
BINABASA MO ANG
Chasing Sun
HorrorNagsimula ang lahat nang makakita si Timothy ng isang kakaibang bagay na hugis bola na nagliliyab habang umuulan. Nagkaroon siya ng kapangyarihan na makita ang nakaraan o ang hinaharap ng isang tao at nagkakatotoo ang kaniyang mga sinasabi. Kalakip...