Kabanata 3

683 16 1
                                    

Nakahandusay si Timothy, masakit ang kaniyang katawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakahandusay si Timothy, masakit ang kaniyang katawan. Malinaw na siya ay nasa gubat. Tinignan niya ang paligid, puro matataas na puno lamang ang kaniyang mga nakikita, wala siyang makitang mga bahay. Hindi siya makabangon. Nababalot ng katahimikan ang gabing iyon. Hindi siya makakilos dahil siya ay nakagapos. Sinubukan niya muling kumilos at di siya makakilos dahil makipot ang kaniyang pinaghihigaan. 



HINGAL NA HINGAL si Timothy nang maimulat niya ang kaniyang mga mata mula sa paggising. Ang lahat ay panaginip lamang ngunit parang totoong nangyari ang lahat. Muli na naman siyang nakaramdam ng takot.

Kahit na panaginip lang ito, ayaw niya itong balewalain. Kung ang pangitain niya ay nagkatotoo, paano pa kaya ang kaniyang panaginip? Unang beses itong nangyari kay Timothy.

Walang siyang pasok sa trabaho dahil ngayon ay araw ng linggo. Perfect ang araw na ito para unawain ang lahat ng mga misteryosong pangyayari sa kaniyang buhay nitong mga nagdaang araw. Marami ang mga nangyari pero nakatuon ang kaniyang atensyon sa kaniyang panaginip. 

Nasa loob lamang siya ng kaniyang kuwarto at doon niya itinuon ang kaniyang atensyon dahil buhay niya ang nakataya rito. Iniisip niya kung muli siyang matulog at baka madagdagan pa ang detalye ng kaniyang hinaharap pati kung paano niya ito maiiwasan. 

May pagkakataon nga ba? 

Talagang binigyan niya ito ng sapat na oras kahit na wala pa namang kasiguraduhan ang lahat.

"Bakit sa akin ito ipapakita kung hindi ko naman kayang takasan? Tama, kaysa maubos ang oras ko kaka-overthink, isipin ko na lang kung paano ito maiiwasan!"

Bigla itong humiga sa kaniyang kama at sinubukang matulog ulit. Makalipas ang ilang minuto, bumangon na lang ulit si Timothy dahil hindi na siya makatulog sa dami ng kaniyang iniisip.

****

Kaysa mag-aksaya ng oras sa pago-overthink, biglang sumagi sa isip ni Timothy ang ancestral house na sinasabi ng kaniyang ama. 

Dali-dali siyang tumayo mula sa kaniyang kama at naligo. Medyo may kalayuan ang kinatitirikan ng ancestral house mula sa kanilang bahay kaya nagmamadali siyang makaalis ng maaga. 

Ang pag-bisita lamang ang kaniyang pakay dito. Ayaw niyang mahirapan sa pagco-commute sa pag-punta at sa pag-uwi kaya hiniram niya ang kotse ng kaniyang ama. Hindi naman siya nahirapan pang kumbinsihin ito. 

Sa katunayan, nang malaman na gagamitin niya ito sa pag-bisita sa ancestral house ay agad na ibinigay ang susi ng kotse. 

Bumiyahe na si Timothy matapos mapasakamay ang susi. Hindi pa nag-aalmusal si Timothy kaya huminto ito sa nakita niyang fast food chain sa kalagitnaan ng biyahe at doon siya kumain ng agahan.

Pagbaba niya sa kotse matapos makarating sa ancestral house, pinagmasdan niya muna ito. Wala pa ring nagbabago sa panlabas na itsura ng bahay. 

Pagpasok ni Timothy sa loob ng bahay, lalong naa-appreciate ni Timothy ang ganda ng ancestral house. Punong-puno ng mga muebles ang loob ng bahay. Umupo siya sa isa sa mga ito nang makaramdam ng pagod. 

Muling bumalik ang kaniyang mga alaala sa loob ng bahay na ito noong bata siya sa tuwing nag-babakasyon sila tuwing summer. Nilibot ni Timothy ang bawat sulok at palapag ng bahay. Nang siya ay makarating sa pinakataas ng bahay, nakarinig siya ng isang kalabog. Muling naalala ni Timothy na nakakakita na nga pala siya ng multo kaya kinabahan siya agad.

"Matagal ng panahon na nakatirik ang bahay na ito, paano kung pinamumugaran na pala ng mga kaluluwang ligaw ang bahay na 'to?" ang nasa isip ni Timothy. 

Dali-dali siyang bumaba sa bahay. Babalik na siya sa kaniyang bahay sa Maynila dahil sa takot niya. Sa paglabas niya ng pintuan ng bahay, bigla niyang nakasalubong si Damian, ang caretaker ng bahay. Biglang kumalma si Timothy nang makita niya ito.

"Timothy, ikaw na ba 'yan? Ang tagal niyo nang hindi bumibisita rito." bungad ni Damian.

"Mang Damian, magandang tanghali po! Biglaan po ang pagpunta ko rito." sagot ni Timothy.

Niyaya ni Mang Damian si Timothy sa kaniyang maliit na kwartong tinutuluyan na nakatirik sa bakuran ng ancestral house at doon sila nag-kwentuhan.

"Bakit nga ba biglaan ang pag-punta mo rito? Hindi ka man lang nagsasabi nang nakapaghanda ako, hindi man lang ako nakapagluto para mapagsilbihan ka." wika ni Mang Damian.

Pinaupo niya si Timothy sa loob ng kaniyang kwarto at binigyan niya ito ng maiinom.

"Biglaan po talaga! Sumagi po bigla sa isip ko ang bahay na 'to kaya pinuntahan ko agad." sagot ni Timothy.

Ang plano ni Timothy ay umalis bago pa lumubog ang araw para hindi ito masyadong gabihin sa pag-uwi ngunit nabigo siya dahil napasarap ang kwentuhan nila ni Mang Damian. Hindi niya rin ito masisi dahil sa pag-aasikaso sa kaniya nito. 

 Hindi pa nakakalayo si Timothy nang tumirik ang kotse nito. Maswerte na lang at wala pa siya sa kalsada at mayroong mga tao na naka-tambay na nahingian niya ng tulong para itulak ang kaniyang kotse.

Walang talyer na malapit sa kanilang lugar. Walang choice si Timothy kundi ang mag-stay sa ancestral house ngayong gabi. Ang malas nga naman, nakikita niya ang hinaharap ng ibang tao pati na rin sa sarili niya ngunit ang simpleng kamalasan ay hindi niya nakita.

Tinapangan ni Timothy ang kaniyang loob na sana ay walang kaluluwang ligaw siyang makita o kahit anong nilalang na hihingi ng tulong sa kaniya.

Luma ang bahay na kaniyang tutuluyan pero kahit na ganoon hindi ito mukhang haunted house. Malayo ang itsura nito sa mga haunted house na napapanood sa t.v. Moderno ang ibang parte ng bahay kahit papano.

***

NASA KALAGITNAAN NA NG GABI nang makarinig si Timothy ng mga yabag sa baba ng bahay. Agad itong nagising at hinanap kung ano ito. May nakita siyang banga sa kaniyang kuwarto at kinuha niya ito. Habang papalapit si Timothy ay unti-unti niyang nakumpirma na ang tunog ay mula sa isang tao. Sinilip niya ito at mayroong kawatan sa ibaba ng bahay. 


Dahan-dahan siyang bumaba at agad niyang pinalo sa ulo ng kawatan ang banga na kaniyang hawak. Nabasag ang banga na kaniyang hawak. Napuruhan ang kawatan na ito. Biglang may sumuntok kay Timothy, mayroon pa palang isang kasama ito. Agad siyang lumaban ngunit malakas ang kaniyang kalaban kaya siya ay natumba.

Nang siya ay natumba, mayroong kinuha sa bulsa ang kawatan. Kinabahan si Timothy nang makitang may hawak na itong patalim. Sasaksakin na siya nito nang biglang nagsipagkalampagan ang ibang mga gamit sa bahay. 

Mayroong mga gamit na nahulog sa sahig at namatay ang ilaw. Lumakas ang hangin sa loob ng bahay at tila mayroon silang nakita na naging dahilan ng pag-alis ng dalawang kawatan. Natulala si Timothy nang makita niya ang kaluluwa ni Phoebe.

Chasing SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon