"Posible po bang mabura ang mga alaala ng isang kaluluwang ligaw?" tanong ni Timothy kay Laura matapos itong sermunan.
"Nakikinig ka ba talaga sa akin? Bakit, may balak ka pa rin bang ituloy ang pagtulong mo sa kaluluwang 'yun? Baka naman ang gusto mo ay ako pa mismo ang magpaalis do'n!" galit na sagot ni Laura at tumayo siya sa kaniyang kinauupuan.
Pagkatapos ay doon napagtanto ni Timothy na nagsisimula na siyang habulin ng kamatayan nang maalala niyang muntik na siyang mabundol ng isang kotse kasama si Sheena. Naisip niya bigla si Phoebe kung ano na ang kaniyang gagawin. Nangako na siya dito at ayaw niyang bawiin ang kaniyang pangako. Natulungan na rin siya nito nang minsang pasukin ng mga kawatan ang ancestral house. Lumitaw ito kahit hindi niya ito tinawag.
"Bahala na, simple lang naman ang hiling niya, 'yun ang maibalik ang kaniyang mga alaala."
***
Samantala, tila nakulong na si Tricia sa kaniyang kwarto sa kakaisip kung ano ang kaniyang gagawin kay Phoebe. Magda-dalawang oras na siyang nakahiga sa kaniyang kama simula nang matapos siyang kumain.
Maya-maya, nakarinig siya ng mga yabag mula sa hagdan na parang may papaakyat papunta sa kaniyang kuwarto. Agad siyang tumayo sa kaniyang kama at mabilis niyang kinuha ang walis tambo. Sinimulan niyang linisin ang kaniyang kuwarto.
Bumukas ang pintuan ng kaniyang kuwarto at nakita niya ang kaniyang nanay na si Thelma. Nang makita siya ni Thelma na naglilinis ay agad nitong sinara ang pintuan at umalis.
Nawala ang kaba ni Tricia pagkatapos nito. Para mawala ang kaniyang pagkabagot, itinuloy niya na lang ang kaniyang paglilinis. Matagal na rin simula nang huli niyang nalinis ang kaniyang sariling kuwarto. Madalas si Thelma ang naglilinis nito. Maayos naman ang kuwarto ni Tricia at hindi naman ito makalat sa kaniyang mga gamit.
Napansin niyang marami siyang mga abubot sa kaniyang kuwarto. Ito na lang ang naisip niyang punteryahin, ito ang itapon ang lahat ng mga gamit na hindi naman niya kailangan.
Sari-saring mga gamit ang kaniyang mga nahalungkat mula sa kaniyang mga taguan. Mayroon sa kabinet at mayroon din sa sa mga drawer. Karamihan dito ay mga sulat mula sa kaniyang mga kaibigan, mayroon ding mga scrapbook, at ang mga project nya noong siya ay high school. Ang lahat ng ito ay mayroong kuwento sa likod nito. May mga alaalang mga nakadikit dito.
Muli niyang binasa ang mga letter na galing sa kaniyang mga kaibigan. Isa-isa niyang binuklat at tinignan ang mga pictures na nakadikit sa scrapbook na ang ilan sa mga designs ay natatanggal na. Pati rin ang ilan sa mga naging project niya, naalala niya kung paano niya pinagpuyatan ang mga ito. Ang lahat ng ito ay nag-iwan ng ngiti sa kaniyang labi at tila gumaan ang kaniyang pakiramdam. Napansin niya na dumikit ang mga alikabok sa kaniyang kamay, may mga kaunting glitters din na galing sa scrapbook. Bumaba muna siya saglit at naghugas siya saglit ng kaniyang kamay.
Pagbalik niya, isa-isa niyang niligpit ang lahat ng kaniyang mga gamit. Napansin niya ang isang lamesa na may drawer na kaniyang nakaligtaang buksan kanina. Nasa sulok ito ng kaniyang kuwarto kaya hindi niya ito agad na nakita.
Mabilis niyang ipinasok sa mga dating lalagyan ang mga gamit na inilabas niya kanina. Pagkatapos ay lumapit agad siya dito. Mayroon itong dalawang drawer. Binuksan niya ang unang drawer at nakita niya ang mga ilan sa mga koleksyon niyang mga libro. Puro mga pocketbook ang laman nito, karamihan sa mga libro ay puro romance at mayroon ding horror.
Sunod niyang binuksan ang ikalawang drawer na nasa ibaba lang. Hindi niya mabuksan ito dahil ito ay naka-lock. Hindi niya maalala kung nasaan ang susi at kung ano ba ang laman ng drawer na iyon at bakit kailangan niya pang i-lock. Sinubukan niyang alalahanin kung saan niya naitago ang susi ng drawer na ito.
Kinuha niya ang wallet niya na may nakatagong mga iba't ibang mga susi. Sinubukan niyang gamitin ang lahat ng mga susi dito.
"Saan ko ba nilagay 'yun? Naiwala ko na ata, 'wag naman sana!" tanong ni Tricia sa kaniyang sarili. Nagbabakasali siya na may magkasyang random na susi na galing sa wallet niya.
Ipinasok niya na ang 4 na iba't ibang klaseng susi sa wallet niya ngunit walang gumana ni isa. Kumuha siya ng hairpin na nakatusok sa ulo niya at sinubukan niya itong gamitin ngunit hindi pa rin bumukas ang drawer. May nakita siyang card sa kaniyang wallet at sinubukan niyang padaanin sa maliit na awang sa taas ng drawer. Sinubukan niyang hatakin ang drawer at nabuksan niya ito!
Nakita niya dito ang isang kahon. Binuksan niya ito at nakalagay dito ang isang itim na libro. Libro na naglalaman ng mga ritwal at mga dasal na nakasulat sa wikang latin.
BINABASA MO ANG
Chasing Sun
HorrorNagsimula ang lahat nang makakita si Timothy ng isang kakaibang bagay na hugis bola na nagliliyab habang umuulan. Nagkaroon siya ng kapangyarihan na makita ang nakaraan o ang hinaharap ng isang tao at nagkakatotoo ang kaniyang mga sinasabi. Kalakip...