[Timothy's POV]
HALOS HINDI AKO MAKAPAGSALITA matapos kong marinig ang mga pangaral at sermon ni Tita Laura. Tila bumalik ang lahat ng alaala ko noong elementary ako. Pilit ko ng kinakalimutan ang kung anong nangyari sa akin no'ng mga araw na 'yun. Ewan ko ba kung bakit ko nagawa ang bagay na 'yun. Baka siguro masyado lang akong mabait kaya ko nagawa ang lahat ng 'yun.
Para bang unti-unting nag-flashback sa isip ko ang lahat ng mga nangyari at tila nawala ako sa sarili ko nang maalala ko ito habang kaharap ko si Tita Laura.
Bagong lipat lang kami sa aming bahay noong panahong 'yun. Naging komporable naman ako agad dito pati na sa aking paligid. Mabilis rin akong nakahanap ng mga kalaro at mga kaibigan.
Isang araw naisipan namin magtagu-taguan, maswerte naman at hindi ako ang naging taya no'n. Maliwanag pa noong hapon na iyon, sa tanda ko mga 5 pm lang nun. Pito kaming mga bata na kasali sa larong 'yun.
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang kong sampu ay nakatago na kayo." ang sabi ng kalaro kong taya at nagsimula na kaming anim na magtakbuhan at maghanap ng matataguan. Kaniya-kaniya kaming diskarte kung paano kami makakapagtago. Ang iba ay nagtago sa mga sulok-sulok at ako naman ay tumakbo malapit sa kabilang street. Mayroong kotse na nakaparada doon kaya doon ako malapit na nagtago.
"Sampu!"
Pagkarinig ko nito ay agad akong yumuko para hindi ako agad na makita. Habang naghihintay ako na dumating ang taya, lumingon ako at may nakita akong batang lalaki at sa tingin ko ay kasing edad ko rin. Nakayuko ito at nakaupo lang ito sa bangketa habang nasandal ang likod nito sa isang malaking pader.
Nilapitan ko siya at sinubukan ko siyang kausapin.
"Bata?" pero hindi niya ako pinansin. Sa paglapit ko ay doon ko nakita ng buo ang kaniyang mukha, nakasimangot siya.
Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa muli kong maalala na nakikipag-taguan pala ako. Dahan-dahan akong tumayo para sumulyap kung paparating na ang taya. Wala naman akong nakita o narinig na papunta sa pinagtataguan ko.
Muli akong lumingon at nakita ko na wala na ang batang nakaupo na kausap ko kanina. Hindi ko na lang ito pinansin. Tumayo na lang ako sa aking pinagtataguan at nag-lakad na lang ako pabalik.
Pagbalik ko, doon ko nalaman na ako na lang pala ang hindi nahahanap ng taya. Lahat silang anim ay ako na lang ang hinihintay. Kung hindi pa ako dumating agad ay baka siguro nagsipag-uwian na sila.
"Saan ka ba galing?" lahat sila ay ito ang tanong sa akin.
Hindi nila mahanap kung saan ako nagtago.
"Sorry, di n'yo kasi sinabi kung hanggang saan lang pwedeng magtago. Do'n lang ako nagtago, di naman masyadong malayo." Palusot ko sabay tinuro ko kung saan ako nagtago.
Nakatingin lang silang lahat sa akin at hindi sila kumibo hanggang sa magkayaan kaming mag-uwian na lang.
***
BINABASA MO ANG
Chasing Sun
HorrorNagsimula ang lahat nang makakita si Timothy ng isang kakaibang bagay na hugis bola na nagliliyab habang umuulan. Nagkaroon siya ng kapangyarihan na makita ang nakaraan o ang hinaharap ng isang tao at nagkakatotoo ang kaniyang mga sinasabi. Kalakip...