Kabanata 25

7 3 0
                                    

[Timothy's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Timothy's POV]

"Aray, yung balakang ko!" daing ni Phoebe nang bumagsak siya nang napakalas sa sahig.

Napatayo agad ako sa aking kinauupuan nang makita ko ang kalagayan ni Phoebe.

"Okay ka lang?" tanong ko at inabot ko ang aking kaliwang kamay. Nagkatinginan lang kami ni Phoebe hanggang sa ma-realize ko na balewala naman ang ginawa kong pagtulong dahil hindi naman niya ito mahahawakan.

"Ay, Sorry, tumayo ka na nga diyan." sabi ko at napakamot na lang ako ng ulo.

Balewala ang pagtulong ko sa kaniya. Anong nangyari sa kaniya? Ano ba talagang mayroon sa pintuan na 'yan? Simula nang mapukaw nito ang aking atensyon ay tila ba nagpapakitang gilas ito sa hiwagang tinatago nito. Ano ba ang nasa loob nito? Bakit hindi nito pinapasok ang isang kaluluwa?

***

Muling sumagi sa isip ko si Don Salazar na pilit na binibili ang aming ancestral house at kahit sa panaginip ko ay kasama pa siya. Nakita ko na naman ang dokumentong ibinigay niya sa akin. Ngayon ay sigurado akong palsipikado ito. Ang dami niyang oras para gawin ang bagay na ito. Kung kaya niyang linlangin ang taong bayan, sa akin ay hindi niya magagawa 'yun.

Mayroon akong naisip at baka sakaling ito ang paraan para magtigil na ang matandang 'yan. Kinuha ko ang mga susi sa bahay at nagpunta ako sa budega at naghanap ng mga gamit. Mabuti at may mga tira-tirang mga plywood dito.

 Mabuti na lang at mayroong kapirasong plywood kaya hindi ko na kailangang maglagari. Mayroon ding mga tirang pintura at kinuha ko yung kulay black at sinamahan ko na rin ng puting pintura. Kumuha na rin ako ng brush. Ang swerte ko dahil mabilis kong nahanap ang mga kailangan kong hanapin.

Gamit ang isang lapis, isinulat ko ang katagang "NOT FOR SALE" sa plywood na kinuha ko sa budega. Di na ako masiyadong nahirapan sa pagle-lettering. Naalala ko tuloy noong high school ako palaging naka-lettering ang mga project at portfolio ko kaya napakataas ng grades ko.

Nang matapos kong i-draft, sumunod ay ginamit ko na ang dalawang pintura na nakuha ko. Ginamit ko ang putting pintura para sa paglalagay ng shadow para mas buhay tignan. Para naman makuha ko agad ang atensyon ng Don Salazar na 'yan pati ang driver niya. 'Yun bang itong karatula agad ang unang mapapansin nila kapag pumunta sila ulit dito.

Paubos na ang dalawang pintura pero may natira pa kaya ibinalik ko na lang sa budega, sayang naman kung itatapon ko lang. Itinapat ko sa sinag ng araw ang plywood para patuyuin ang pintura bago ako pumunta sa budega.

Nang maisauli ko na ang mga pintura, naghanap naman ako ng alambre, pliers, martilyo, at pako. Pumunta ako sa tapat ng gate at doon ko hinanda ang pagkakabitan ng karatula. Mabuti ay may pagsasabitan ng alambre. Kinuha ko ang plywood at magaan kong dinampian ng daliri ko ang gilid nito na may pintura para malaman ko kung tuyo na. Matindi ang sikat ng araw kaya walang kumapit sa daliri ko. Nilagyan ko ng pako ang magkabilang dulo at doon ko inilagay ang alambre. Pagkatapos ay isinabit ko iyon sa gate.

"Not for Sale? Sino ba ang bumibili?"

"Siguro ko si Don Salazar?

"Pwede, kasi ilang beses ko na siyang nakikita dito na nagpapabalik-balik."

Narinig ko ang usapan ng mga tao mula sa aking paligid. Medyo pamilyar sa akin ang mga boses na naririnig ko kaya lumingon ako sa kaniyang likuran. Doon ko nakita sina Alma, Judith, at Norma na magkakasama at bawat isa sa kanila ay may hawak-hawak na payong.

"Tama po kayong lahat." sagot ko at nginitian ko sila. Expected ko na mangyayari talaga ito, 'yun bang kapag nakita nila ang karatula ay automatic na magtatanong na agad sa akin kung para saan at kung bakit ako gumawa ng gan'on.

"Naku, ano bang ginagawa mo sa gitna ng initan?" sabi ni Norma.

"Diyos ko po, tanghaling tapat mo pa talaga ginagawa 'yan at napakainit!" sabi ni Alma at lumapit pa ito sa akin para payungan ako.

"Salamat na lang po, tapos na po ako sa ginagawa ko." sabi ko kay Alma.

"Saan po kayo pupunta at parang kulang yata kayo?" tanong ko dahil hindi nila kasama si Thelma kahit alam ko na ang dahilan dahil sinabi sa akin ni Phoebe kanina habang kumakain ako.

"Susunduin namin siya ngayon kaya magkakasama kami." sagot naman ni Judith.

"Sige, aalis na kami. Mag-ingat ka diyan, ah." sabi ni Alma at nagpaalam na silang tatlo bago sila umalis.

***

Hanggang ngayon, curious pa rin ako sa kung ano ba ang kaya kong gawin at kung hanggang saan ako kayang dalhin ng aking kapangyarihan. Agad akong nagbihis at dinala ko ang envelope na naglalaman ng mga dokumentong ibinigay ni Don Salazar.

Balak ko siyang puntahan sa kaniyang opisina para ibalik sa kaniya ang palsipikadong dokumento. Pupunta ako sa munisipyo at baka sakaling maabutan ko siya sa kaniyang opisina.

Pagdating ko sa minisipyo, ipinagtanong ko kung saan makikita ang kaniyang opisina. Itinuro naman agad ito ng isang staff nang wala ng masyadong tanong.

Pagdating ko sa floor na itinuro ng staff, kumaliwa ako tulad ng kaniyang sinabi. Mabuti ay mayroon ding guide doon na nakadikit sa pader kaya sinundan ko na lang 'yun. Hanggang sa nakarating ako sa sulok ng floor na yun. May magandang pintuan doon at sa tingin ko ay 'yun na ang pasukan patungo sa kaniyang opisina.

May front desk ito sa harap at mayroong nakaupo roon. Sayang, dire-diretso na sana pero syempre hindi pwede 'yun. Malapit na ulit kaming magkita pero ako naman ang pupunta sa kaniya. Secretary niya ata yung nakaupo doon.

"Sir, ano pong kailangan nila?" tanong ng kaniyang secretary at tulad ng inaasahan ko ay haharangin niya talaga ako.

"Nandito ako para po kay Don Salazar, gusto ko lang po siyang makausap." sagot ko sa kaniya.

"Sir, pwedeng patingin po muna ng I.D.? May appointment po ba kayo?" tanong nito.

"Ah, wala po, eh. Sige, babalik na lang po ako." sagot ko

"Sir, sige po, wala rin po kasi siya rito." sabi ng kaniyang secretary.

Pagkatapos nito ay umalis na agad ako, wala na akong balak pang hintayin siya. Sa ibang araw ko na lang isasauli sa kaniya 'to.

[End of Timothy's POV]

Chasing SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon