Kabanata 22

8 3 0
                                    

UNTI-UNTING NABUBUO sa isip ni Timothy ang lahat ng mga impormasyon na kailangan niyang malaman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

UNTI-UNTING NABUBUO sa isip ni Timothy ang lahat ng mga impormasyon na kailangan niyang malaman. Unti-unti na siyang dinadala patungo sa mga katanungang gusto niyang masagot.

Pagkatapos nilang mag-usap ng kaniyang tiyahin na si Laura, dumiretso na siya agad sa kanilang bahay. Pagdating niya ay lalo siyang nagutom sa kaniyang naamoy mula sa labas ng kanilang bahay. Pagpasok niya sa loob ng kanilang bahay ay mas lalo pa siyang nagutom. Nakita niya ang kaniyang nanay na nagluluto ng sinigang na kaniyang paboritong ulam.

Tamang-tama ang kaniyang pagdating. Matagal na rin siyang hindi nakakatikim ng luto ng kaniyang nanay. Sabik na sabik siya sa sinigang nna luto ng kaniyang nanay. Ito ang kaniyang kinain para sa tanghalian at marami siyang nakain, halatang sabik siya sa luto ng kaniyang nanay.

Pagkatapos niyang kumain, di na rin siya nagtagal sa kanilang bahay at naisipan niya ng umuwi. Nagpaalam siya sa kaniyang mga magulang na siya ay babalik na sa kanilang ancestral house. Niyakap niya muna ang mga ito bago siya umalis sa kanilang bahay.

***

Biglang nag-ring ang cellphone ni Timothy habang siya ay nagmamaneho sa kalagitnaan ng daan. Sinagot niya ito agad nang makita niyang si Sheena ang tumatawag.

"Timothy? Pupunta ako diyan? Nasaan ka?" bungad ni Sheena"

"Teka, sandali! Paalis ka na ba?" tanong ni Timothy at bigla itong nabuhayan.

"Hindi pa naman. Actually, kakagising ko nga lang, eh." sagot ni Sheena. Hindi kaagad nakasagot si Timothy ng ilang segundo na para bang may gustong sabihin at pinag-iisipan niya ito.

"Hello? Timothy? Nandiyan ka pa ba?" tanong ni Sheena dahil wala na siyang naririnig.

"Oo, Sheena nandito pa ako, 'wag ka na lang umalis. Dyan ka na lang." sagot ni Timothy kay Sheena. Sa una ay nauutal pa siyang sumagot pero natawa na lang ito.

Hanggang sa ibinaba na ni Sheena ang linya. Ang pagtawag ni Sheena ay nag-iwan ng ngiti kay Timothy. Naisipan niyang puntahan si Sheena sa kanilang bahay at surpresahin ito kaya hindi ito agad nakasagot kanina.

Dumaan si Timothy sa isang bakery para bumili ng donut na ibibigay kay Phoebe. Sakto namang kalalagay lang ng donut na bibilhin niya sa estante kaya mainit pa ito. Sampung donut ang kaniyang binili dahil magagalit ito kapag kaunti lang. Kumuha siya ng isang donut at tinikman niya.

Binuksan niya ang kaniyang cellphone at tinignan ang conversation nila ni Sheena. Biglang nag-pop-up ang bagong message ni Sheena.

Sheena: May emergency, sorry i-cancel muna natin ngayon.

Nasayang ang mga donut na binili ni Timothy. Madami pa naman siyang binili.

"Sino kakain nito? Si Phoebe? Di pala nakakakain ang mga multo."

Nakasimangot na lumabas si Timothy sa bakery. Papunta na siya sa kaniyang kotse nang may bumangga sa kaniya at muntik niya ng mabitawan ang paper bag na pinaglalagyan ng mga donut.

"Sorry!" sabi ng kaniyang nakabunggo.

Nang tignan niya ito ng mabuti, nakita niya na babae pala ito. Bihis na bihis ito at halata mo na mamahalin ang suot nitong damit pati ang bag na dala nito. Idagdag pa ang maaliwalas na mukha nito. Pinalampas niya na lang ito dahil di rin naman natapon ang kaniyang dala-dala.

"It's okay." tugon ni Timothy at nginitian niya na lang ito.

Pagkatapos nito ay mabilis itong pumasok sa kaniyang kotse at mabilis rin niyang binuksan ang makina nito at dali-daling nagmaneho papunta sa ancestral house.

Sinubukan niyang tanawin ang babae na nakita niya kanina. Lumingon siya at nakita niyang hindi pa ito masyadong nakakalayo. Nag-focus na ulit siya sa pagmamaneho at baka kung ano pa ang nangyari sa kaniya.

***

Para bang ang bilis ng oras nang makarating siya sa ancestral house. Madilim na ang kalangitan. Hindi niya namamalayan ang oras habang siya ay nagmamaneho.

Pagpasok niya sa loob ng bahay ay agad niyang hinanap si Phoebe. Binuksan niya ang mga ilaw at muli na naman niyang tinawag si Phoebe. Walang sumasagot ng kaniyang tawag, tila nabalutan ng katahimikan ang buong bahay.

"Saan na naman kaya nagpunta 'yung kaluluwang ligaw na 'yun? Ayy, hindi pala siya ligaw dahil may inuuwian naman siya."

Muli niyang tinawag si Phoebe sa huling pagkakataon ngunit wala talagang sumasagot sa tawag niya o kahit tunog man lang.

Inilapag niya sa lamesa ang donut na binili niya at umupo siya saglit para magpahinga. Muli na naman niyang nasilayan ang malaking pintuang kahoy na naka-kandado.

"Bakit hindi ko pa hiningi 'yung susi kanina? Bakit hindi ko man lang ito nabanggit no'ng kaninang nasa bahay ako? Meron bang nakatago rito?"

Nakaramdam siya ng uhaw kaya pumunta siya sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Mabilis niyang kinuha ang pitsel at isinalin sa baso. Ininom niya ng mabilis ang tubig at kitang-kita ang kaniyang pagkauhaw. Inilapag niya ang baso na kaniyang ginamit sa lamesa at muli siyang nagpahinga.

Sa mga sandaling iyon, nakarinig si Timothy ng ingay. Hinanap niya kung saan nagmumula ito. Sa una ay hindi niya matukoy kung anong klaseng tunog ito. Tumayo siya at sinubukang sundan ang pinagmumulan ng tunog na iyon.

Lumapit siya sa pintong nakakandado at idinikit ng kaunti ang kaniyang ulo.

"Ano itong naririnig ko? Parang isang taghoy na nagmumula sa isang malalim na hukay."

Pinakinggan lang ito ni Timothy hanggang sa nakarinig siya ng isang kalabog mula sa itaas ng bahay na parang may bumagsak na gamit. Muling naalala ni Timothy ang sinabi kanina ng kaniyang tiyahin. Nakatitiyak si Timothy na si Don Salazar nga ito at wala ng iba pa. Mayroon itong lihim na tinatago kaya ganoon na lang interes nito na bilhin ang bahay.

Pumunta muna si Timothy sa kusina para kumuha ng kutsilyo para kung sakaling may masama na namang mangyayari ay handa siya.

Inisa-isa ni Timothy ang lahat ng kuwarto sa itaas ngunit wala siyang nakita at wala namang gamit na nagulo. Hinuli ni Timothy ang kaniyang kuwarto. Dahan-dahang binuksan ni timothy ang kaniyang kuwarto sa pag-aakalang nandoon ang salarin.

Nabitawan ni Timothy ang kutsilyong kaniyang hawak. Gustong niyang sumigaw sa mga pagkakataong yun ngunit walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Halos matumba siya sa kaniyang kinatatayuan.



Nakita niya ang kaniyang katawan na natutulog at nakahiga sa kaniyang kama.

Chasing SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon