Kabanata 40

12 3 0
                                    

[Timothy's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Timothy's POV]

IMINULAT ko ang aking mga mata. Tinignan ko ang aking paligid. Nandito ako sa kwarto na tinutulugan ko sa bahay nila Luigi. Akala ko ay nagising na ako ngunit sa panaginip lang pala. Palagi na lang akong nalilinlang ng panaginip, hindi ko alam kung ito ba ay isang bitag.

Ito na ba ang lahat ng 'yun? Ang hiling naming mayakap ang isa't isa ay sa panaginip lang pala magaganap. Kailangan ko nang tanggapin na hanggang do'n na lang talaga. Hindi na dapat nahuhulog nag loob ko kay Phoebe dahil iiwan niya rin ako at mukhang nangyari na nga. Dapat ay maging masaya na ako dahil nakatawid na siya patungo sa kabilang buhay. Ito dapat ang nararamdaman ko. Hindi dapat ako nalulungkot ngayon.

Ano naman kaya ang susunod na mangyayari? Matatapos ang araw na 'to at kapag hindi maganda ang ending ay magigising ako. Sana sa pagkakataong ito ay totoo na akong gising. Sana ay wala na ako sa panaginip. Babalik ako sa acestral house sa huling pagkakataon para malaman ko kung natapos na ba ang lahat sa panaginip ko.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko nang bumaba ako. Nakita ko si Sheena at Tita Laura na kumakain ng sabay.

"Timothy, halika rito, sabayan mo na kami ni Sheena." pag-yaya sa akin ni Tita Laura. Ito ang unang beses ko na makita si Sheena sa bahay nila Luigi. Nakangiti sa akin si Sheena nang makita niya ako.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Sheena.

"May binigay lang ako kay Luigi. Naisip ko na idaan ko na lang sa bahay nila. Dito ka pala natutulog, hindi sa ancestral house niyo?" sabi ni Sheena.

"Ngayong gabi lang." sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ewan ko ba, parang biglang nagbago ang mood ko. Dahil gutom na rin ako, sumabay na lang ako sa kanilang dalawa.

"Pwede bang samahan mo ako sa pupuntahan ko? Tutal nandito naman na dumiretso na lag tayo do'n. Ang balak ko nga sana ay susunduin kita sa ancestral house niyo." request ni Sheena.

"Saan ba 'yan?" tanong ko

"Tapusin mo muna 'yang kinakain mo." hindi sinagot ni Sheena ang tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang meron sa kaniya ngayon. Parang may talaga sa kaniya, eh. Hindi ko lang masabi kung ano.

***

Hanggang sa sumakay na kami sa kotse ko. Hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin siya na sabihin kung saan kami pupunta.

"Dalhin mo ako sa Sta. Catalina" ang sabi ni Sheena at mabuti naman sa oras na 'to ay sinabi niya na. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya pang sabihin agad kanina.

"Sta. Catalina? Anong gagawin mo do'n?" agad akong nagtaka nang marinig ko ito mismo kay Sheena.

"Mayroon lang akong kikitaing client." sagot ni Sheena at hindi na ako nagtanong pa. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagmamaneho ko. Wala rin kasi akong ganang magsalita ngayong araw dahil sa mga nangyayari sa paligid ko.

Chasing SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon