Kabanata 30

5 3 0
                                    

[Phoebe's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Phoebe's POV]

AKO ngayon ang naiwan na mag-isa sa bahay. Lalong kinain ng katahimikan ang bahay na ito at kadiliman naman ang bumabalot dito. Umalis na si Timothy para mag-give way sa pagpapa-renovate nito. Ngayon, nakabalot na ang mga ibang gamit dito at may takip na ng mga tela ang mga furnitures.

Sa una ang akala ko nagsisinungaling siya sa akin pero totoo pala ang sinasabi niya. Higit sa lahat, sumabay pa 'yang Sheena na 'yan. Naiirita ako tuwing nakakasama ko siya. Unang pagkikita pa lang namin kumukulo na dugo ko sa kaniya.

Maswerte pa rin ako dahil pumayag siyang sumama ako sa kaniya. Pinatuloy niya ako sa kanilang bahay. Kahit na isa akong multo, mahirap pa rin 'yung pagala-gala ka. Mabuti nakilala ko siya. Komportable naman ako dito kahit ganito pero sana siya rin komportable na kasama ako, na may kasama siyang multo.

Magtatampo pa ba ako, naisip ko na 'wag na lang. Sa katunayan, sobra-sobra na ang naitulong niya sa akin. Para sa akin hindi sapat ang salitang "Thank you" para dito. Simple lang ang mga ginagawa niya pero para sa akin malaking bagay na 'yun. Pero sino ba ako para magtampo ako sa kaniya? 'Yun ang pumapasok palagi sa isip ko sa tuwing nakakaramdam ako ng tampo kay Timothy.

Sandaling panahon pa lang kami nagkakakilala, iyon ang totoo at kailangan kong tanggapin na wala akong karapatang umarte ng ganun. Siguro sobrang tagal na nilang magkakilala ni Sheena. Pansin ko na sobrang close nilang dalawa. 

Gusto kaya nila ang isa't isa? Si Timothy kaya? May gusto kaya sa kaniya si Sheena kaya grabe makadikit sa kaniya? Magkasama kaya silang dalawa ngayon? Bakit ako nag-iisip ng ganito? Ang dami ko na namang tanong sa sarili ko?

GUSTO KO SIYA AT SIGURADO AKO DITO! 'Yun ang nararamdaman ko kung bakit ako nagkakaganito!

***

Ayaw kong magpakain sa dilim kaya lumabas muna ako saglit. Nasilaw ako sa unang pagtapak ko nang makalagpas ako sa pintuan ng bahay. Umupo ako sa bench sa garden at pinagmasdan ko ang aking paligid. Sinubukan kong ibaling sa iba ang atensyon ko. Pinagmasdan ko ang mga halaman at mga bulaklak sa garden.

Siya pa rin ang pumapasok sa isip ko. Wala na atang ibang laman ang utak ko kung hindi si Timothy. Muli kong naalala nang minsang pumunta si Don Salazar dito at 'yung araw din na unang beses akong nakita ako ni Tricia. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ang mga pangayayari na magkasama kami ni Timothy.

Nagmahal na ba ako noong buhay pa ako?

Kay Timothy ko ba ito lahat unang naramdaman?

Teka, bakit ko ba siya iniisip? Hindi ba dapat ang inuuna ko ay ang mga alaala ko.

Paano ba talaga ako namatay? May nagmamahal ba sa akin? Kung oo, buhay pa kaya sila? Ilan kaya sila? Buo pa rin ba ang mga alaala ko sa kanila?

Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumabas ako mula sa gate. Gusto kong makita kung ano ang nangyayari sa kapaligiran ko. Katulad ng dati makikita mo sa labas sina Judith, Norma at Alma na nagchi-chismisan. Umagang umaga pa lang ito na agad ang inaatupag nila.

Kumain na kaya ng agahan ang mga 'to? Hanggang sa napatingin silang tatlo sa bahay nila Timothy at narinig ko ang pangalan niya mula sa kanila.

"Ano kaya ang nangyari kay Timothy? tanong ni Alma.

"Oo nga, may balita ba kayo sa kaniya?" tanong ni Judith.

"Wala, eh. Ewan ko ba, kusang nawawala ang batang 'yan. Abangan n'yo na lang sa susunod na araw makikita niyo rin siya, lilitaw din yan." sagot ni Norma.

Akalin mo napansin pa nila 'yun. Bawat galaw ni Timothy sinusubaybayan nila. Wala ba talaga silang ibang magawa sa buhay nila? Palagi nilang pinagkakaabalahan ang buhay ng iba. Hindi pa masyadong tumatagal simula nang makita ko sila nang lumabas si Thelma.

May mga dala itong mga plato at sa ibabaw nito ay may mga kutsara at tinidor. Napa-wow ako sa nakita ko. Ngayon pa lang pala sila mag-aagahan. Inilapag ni Thelma ang mga ito sa kanilang lamesa. Pagkatapos ay pumasok ito sa kanilang bahay.

Talaga hindi talaga sila magugutom sa kakachismis dahil sila-sila rin ang mga nags-sponsor ng mga kakainin nila. Muling lumabas si Thelma at sa paglabas nito ay may dala-dala itong isang bandehado na punong puno ng fried rice. 

Talaga nga naman, napa-slow clap ako sa nakita ko. Kung nakilala ko siguro sila nung buhay pa ako, tiyak kinaibigan ko na rin sila. Di na importante kung masyado akong bata at malayo ang agwat ko sa mga edad nila. Ang mahala ay busog ako araw-araw. Hindi lang pala sila pang-meryenda, meron din pala silang breakfast session.

Sa hapon kaya meron ulit? Sino naman kaya ang magpapakain? Natatawa na lang ako sa nakikita ko sa kanila.

Nakita niya na naman si Thelma na lumabas at may dalang mga bagong lutong hotdog na nasa plato. Lumapit ako sa kanila para panoorin silang kumain. Sana talaga nakakakain din ako kahit na hindi ako nakakaramdam ng gutom.

Nagsimula na silang kumain at kaniya kanya silang kuha ng pagkain. Kinuha ni Norma ang thermos na nakalagay sa ilalim ng lamesa. Binuksan nito ang bag nito at inilabas ang mga paper cups at mga pakete ng 3 in 1 coffee. Isa-isang binigyan ang mga kasama niya at nagtimpla sila ng kape.

Tumingala ako at nakita ko ang bintana ng kwarto ni Tricia. Nakasarado ang bintana at may nakaharang na kurtina. Nagpatuloy pa rin silang apat sa pagke-kwetnuhan pero hindi ko na ito masyadong pinakinggan.

Pinasok ko ang bahay ni Thelma para puntahan ang kwarto ni Tricia. Tulog pa kaya si Tricia sa mga oras na 'to? 

Nang makaakyat ako sa 2nd floor ng kanilang bahay, sinubukan ko siyang tawagin pero hindi niya ako sinasagot. Mukang tulog pa ata.

"TRICIA!" napasigaw ako sa nakita ko! Nakita ko si Tricia na naka bulagta sa sahig ng kwarto niya. Nagkalat ang dugo sa sahig at may kutsilyo itong hawak. Napansin ko na may sugat siya sa kaniyang pulso. Magpapakamatay ba 'to?

Lumapit ako sa kaniya at sinubukan ko siyang gisingin pero wala talaga itong malay. Hindi, hindi 'to maaari. hindi siya pwedeng mamatay!

Biglang nanakit ang dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, nagpa-palpitate yata ako. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Hindi ko na kinaya hanggang sa bumagsak ako sa sahig at dumilim ang aking paligid.



[End of Phoebe's POV]

Chasing SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon