SINUBUKAN na lang ipagsawalang bahala ni Timothy kung sino ang babae sa kaniyang panaginip. Balak ihatid ni Timothy si Sheena pagkatapos niya itong ibili ng donut sa paborito niyang bakeshop kaya sumakay na sila sa kotse ni Timothy.
"Bakit ka nga ba nandito?" tanong ni Timothy at saka nito binuksan ang makina ng kotse at pagkatapos ay nag-seatbelt ito.
"Ano muna 'yung desisyon mo tungkol sa partnership natin sa business?" tanong ni Sheena.
"Sasagutin ko na nga, ang hirap mo naman kausap. Nagtatanong ako tapos isang tanong lang ang ibabalik mo sa akin hanggang sa hindi na nasagot tanong ko. Busy nga ako pero 'di ba kukunin mo akong photographer? Pwede bang part time lang? Ang dami kong ginagawa at malapit ko nang simulan 'yang misyon ko sa ancestral house namin." medyo inis na sagot ni Timothy.
"Ihatid mo na lang ako sa sakayan ng bus o sa Maynila. May inasikaso lang ako tungkol sa business ko. Nakipag-meet up lang ako sa pagbibilhan ko ng mga equipments para sa printing. Sige, payag ako na part time ka lang kung 'di talaga kaya ng schedule mo. Gusto ko rin kasing mag-organize ng mga events so baka pag may client, isasama kita." paliwanag ni Sheena at sinimulan niya ng kainin agad ang donut na binili ni Timothy.
"Akala ko pa naman kung ano na meron, nagulat talaga ako na dito kita nakita at hindi sa Maynila tapos napanaginipan pa kita." sabi ni Timothy.
"Pwede bang i-tour mo naman ako sa ancestral house ng family niyo tutal nandito na rin naman na tayo at saka lagi mong nababanggit sa akin 'yun." pagmamakaawa ni Sheena.
"Sige na nga, sandali lang, ah. Baka mamaya ma-late ka ng uwi at baka mapagalitan ka." sabi ni Timothy.
"My gosh, Timothy! Anong tingin mo sa akin, high school?" sabi ni Sheena at natawa ito.
"Pero baka hindi ka agad makasakay ng bus?" dagdag pa ni Timothy.
"Di bale na, basta makarating ako diyan sa ancestral house niyo kahit isang beses lang." pagpupumilit ni Sheena.
Wala na namang nagawa si Timothy kundi sundin ang gusto ni Sheena. Simple lang naman ang gusto nito kaya pumayag na rin siya. Pagkarating nilang dalawa sa ancestral house biglang naalala ni Timothy si Phoebe. Minsan kasing nag-selos si Phoebe nang nakita nitong magkasama sila. Inisip niya na lang na hindi naman nananakit si Phoebe.
Nakalimutan niya ring kumuha ng permit kanina sa munisipyo para sa renovation ng ancestral house. Kung hindi lang sana sila nagmadaling umalis ni Sheena kanina ay maaalala niya agad ito.
Nanlaki ang mga mata ni Sheena dahil sa kaniyang pagkamangha nang makita niya ang ancestral house.
"Timothy, ito na ba 'yun? Sa inyo talaga 'to? Siguro mayaman ang mga ninuno mo noong panahon ng mga kastila. Ang ganda niya! Ano kaya itsura ng loob nito?" manghang-mangha si Sheena sa kaniyang nakita. Akala mo ay isang bata na dinala mo sa karnabal.
"Hindi ka pa nga nakakapasok, ganiyan ka na? Paano pa kaya 'pag nakapasok ka na?" pagkatapos ay hinila na ni Timothy si Sheena papasok sa loob ng bahay.
"Ang ganda rin ng garden mo, sarap siguro mag-breakfast dito o kaya kahit mag-coffee sa hapon?"
"Sinabi mo pa, tara na sa loob para makauwi ka na." sabi ni Timothy nang makita nito na inisa-isa pa ang mga halaman sa hardin.
Pagpasok nila sa loob ng bahay ay halos malaglag ang panga ni Sheena. Hindi pa rin nawawala ang pagkamangha nito.. Ngayong nakita niya na ang loob ng bahay, para naman itong batang dinala mo sa tindahan ng mga laruan. Umikot ang paningin nito sa kaniyang paligid. Isa-isa niyang kinikilatis ang mga gamit sa loob ng bahay.
Hanggang sa umupo siya sa isa sa mga sofa na gawa sa narra sa loob ng sala. Nakaramdam ng awkwardness si Timothy dahil umupo si Sheena sa tabi mismo ni Phoebe. Masama na ang tingin nito sa kanila nang sila ay nasa pintuan pa lang.
Lumipat ang tingin nito sa kaniyang kanan kung saan nakaupo si Sheena na patuloy pa rin sa pagsasalita kung gaano kaganda ang bahay, paulit-ulit na ang sinasabi nito.
"Bakit ganiyan mukha mo? Ang gulo ko na ba masyado?" tanong ni Sheena nang makita niya ang mukha ni Timothy na walang ekspresyon.
"OO BUTI ALAM MO!" pasigaw na pag-sabat ni Phoebe kay Sheena ngunit si Timothy lang ang nakakarinig nito.
"Ang lamig pa dito, ah! Perfect talaga 'to." wika ni Sheena nang biglang mag-iba ang pakiramdam nito.
"Ah, Oo, ganito talaga dito, ngayon alam mo na kung bakit gusto ko dito." palusot ni Timothy at tumawa ito.
"Diyan ka na lang ba? Meron pa dito." itinuro ni Timothy ang iba pang parte ng bahay hanggang sa dulo at tumayo agad si Sheena sa kinauupuan niya. Kasabay din nito ang pagtayo ni Phoebe sa sofa. Nakasunod si Phoebe sa likuran ni Sheena at hindi pa rin naaalis ang nanlilisik na mata nito para kay Sheena na para bang isa itong magnanakaw sa kaniyang pagtingin. Binabantayan nito ang kaniyang mga kilos.
"Ang gaganda ng mga gamit niyo dito. Antique na siguro lahat 'to?" wika ni Sheena.
Sa tuwing nagsasalita ito ay nagme-make face ito at ginagaya ang mga kilos nito. Dahil dito ay natawa si Timothy.
"Ano ba? Para ka namang ewan diyan. Ina-appreciate ko kasi yung bahay niyo!" pagsaway ni Sheena kay timothy at hinampas nito si Timothy sa kaniyang braso. hindi naman natuwa si Phoebe sa kaniyang ginawa.
Sumigaw ito at bumagsak ang isang figurine na display na nakapatong sa isang lamesa. Napatili si Sheena nang mahulog ito at agad naman itong pinulot ni Timothy, mabuti ay hindi ito nabasag.
"Sorry, buti na lang hindi nasira, antique rin siguro 'yan. Wala akong pambayad kapag nasira ko 'yan." sabi ni Sheena. Kinabahan si Sheena samantalang si Phoebe naman ay tawa ng tawa sa kaniyang likuran.
"Hindi, okay lang." tugon ni Timothy at ibinalik niya ang figurine na nahulog sa pinaglalagyan nito. Nagpatuloy si Sheena sa paglalakad. Nang mapunta si Timothy sa likod ni Sheena ay agad na sinaway nito si Phoebe na kanina pa nagpapansin.
"Umayos ka nga! Bisita ko 'yan tapos pinaglalaruan mo. Paano pa kaya kung kaya mo ng humawak ng mga bagay-bagay?" pagsaway ni Timothy kay Sheena ng pabulong. Nag-make face lang ito kay Timothy.
"Ano sabi mo, Timothy?" tanong ni Sheena at lumingon ito nang marinig niyang para itong bumubulong sa kaniyang likuran.
"Ano? Ah, ang sabi ko, tama ka na puro antique ang mga gamit dito. 'Yung painting diyan sa likod mo, antique rin 'yan." palusot ni Timothy.
"Wow, this door is interesting." sabi ni Sheena nang masilayan niya ang misteryosong pintuan.
"Ayan naman 'yang pintuan na 'yan, ang pintuan ng panganib!" sabi ni Phoebe nang maalala niya ang nangyari sa kaniya nang subukan niyang pasukin ang kwarto.
"Pati yung kaniyang kandado, grabe! Ano ang itsura ng susi niyan" tanong ni Sheena matapos mapansin ang kakaibang itsura ng kandado.
"'Yan ang hindi ko masasagot, kahit ako ay hindi ko pa rin alam kung ano ang itsura ng kwarto na 'yan kapag binuksan mo. Wala sa akin ang susi at hindi pa ako nakakapasok diyan." paliwanag ni Timothy.
"Eto na siguro lahat 'yun, nalibot ko na. Salamat, ah! May business permit na rin pala ako, konti na lang talaga ay pwede ko ng simulan ang business ko. Basta sasabihan na lang kita 'pag kailangan kita. "
"Sige, ihahatid na kita. Ako naman hinahanda ko na ang bahay para sa renovation, pero minor lang naman. 'Yun kasi ang bilin sa akin at ako rin naman daw ang magmamana nito." wika ni Timothy.
"Iba ka talaga! Tara na, hatid mo na ako." sabi ni Sheena bago sila sumakay sa kotse ni Timothy at inihatid na siya nito sa sakayan ng bus papuntang Maynila.
BINABASA MO ANG
Chasing Sun
HorrorNagsimula ang lahat nang makakita si Timothy ng isang kakaibang bagay na hugis bola na nagliliyab habang umuulan. Nagkaroon siya ng kapangyarihan na makita ang nakaraan o ang hinaharap ng isang tao at nagkakatotoo ang kaniyang mga sinasabi. Kalakip...