MAHIMBING na natutulog si Timothy nang bigla itong nagising sa kalagitnaan ng gabi.
Agad nyang hinanap ang kaniyang mga kasama sa bahay, isa-isa nyang tinawag ang mga ito.
Wala ni-isang tao ang tumugon sa kaniyang tawag.
Nagsimula na siyang makaramdam ng gutom ngunit wala syang magawa dahil wala siyang mahingian ng tulong.
Bumalik siya sa kaniyang kuwarto at muling humiga sa kaniyang kama.
Hindi na siya makatulog dahil sa kaniyang gutom.
Sumilip siya sa bintana ng kaniyang kuwarto nang bigla siyang makakita ng isang bagay na hindi maipaliwanag.
Umuulan noong gabing iyon nang makakita siya ng isang apoy na animo'y nagliliyab na hugis bola.
Ganito inilarawan ni Timothy ang kaniyang nakita.
Nagtaka ito dahil kakaiba ang kaniyang nakita at bakit magkakaroon ng ganoong bagay sa gitna ng napakalakas na ulan?
Ganoon na lamang ang pagkamangha ni Timothy dito at biglang namatay ang ilaw sa kaniyang kuwarto.
Ang kaniyang pagkamangha ay biglang napalitan ng takot.
Tumakbo sya hanggang sa siya ay makarating sa labas ng kanilang bahay.
Tumakbo lamang ito ng tumakbo at sinubukang hanapin kung saan na napunta ang bolang apoy na kaniyang nakita.
Basang basa na si Timothy kaya napagpasyahan niyang umuwi na lang.
Pagtalikod niya biglang may tumawag sa kaniya.
"Sandali!" isang boses ng isang matandang babae ang kaniyang narinig.
Agad naman siyang lumingon sa kaniyang likuran, tinignan niya ang matanda at nagtaka dahil parang hindi ito nabasa ng ulan.
Agad na napansin ni Timothy ang itsura ng matanda, ang kulubot na balat nito, at ang buhok nitong kulay puti.
Balot na balot ang suot ng matanda. Wala itong dalang payong at mayroon lamang itong balabal.
Mayroon din itong dalang bag.
"Bakit po?" tugon ni Timothy.
"Anong ginagawa mo rito? Dapat natutulog ka na sa oras na ito?" tanong ng matanda.
Natakot si Timothy at aalis na sana ito ngunit pinigilan sya ng matanda.
"Sandali!" Halika rito, may ibibigay ako sa'yo" Lumapit si Timothy at hinawakan ang kamay nito.
Biglang napaso ang kamay nito at agad niyang inalis ang pagkakahawak ng matanda sa kaniyang kamay.
Tumakbo siya ng mabilis papunta sa kanilang bahay, hindi niya na sinubukan pang lingunin ang matanda.
Nang makauwi si Timothy tinignan nya ang kaniyang kamay ngunit parang wala namang nangyari dito.
Hindi man lang ito namula dahil ang pakiramdam nya ay parang nadikit ang kaniyang palad sa apoy.
Hindi na siya nakatulog noong gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Chasing Sun
HororNagsimula ang lahat nang makakita si Timothy ng isang kakaibang bagay na hugis bola na nagliliyab habang umuulan. Nagkaroon siya ng kapangyarihan na makita ang nakaraan o ang hinaharap ng isang tao at nagkakatotoo ang kaniyang mga sinasabi. Kalakip...