Kabanata 34

5 3 0
                                    

Hindi na sila nagtagal pa dahil takot si Sheena sa loob ng building ngunit wala itong kaalam-alam na nakita ito ni Timothy kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi na sila nagtagal pa dahil takot si Sheena sa loob ng building ngunit wala itong kaalam-alam na nakita ito ni Timothy kanina. Samantala, tulala si Timothy sa loob ng kaniyang kotse. Nasa loob lang sila ng kotse at hindi pa nagsisimulang magmaneho si Timothy. Kung ano-ano naman ang mga naiisip ni Timothy. Napuno na naman ang isip niya ng iba't ibang mga katanungan.

"Saan napunta ang hawak-hawak ko? Tinignan ko sa sahig pero wala naman at pati sa mga bulsa ko wala. Kung mahuhulog man 'yun sa sahig, sigurado akong tutunog 'yun dahil gawa sa bakal ang kwintas. Hindi kaya may iba pang multo sa building na 'yun at 'yun ang kumuha? pero imposibleng mangyari 'yun. Sa tingin ko, ang multong 'yun ang tinutukoy nila Luigi at Sheena.

Hindi ko masyadong nakita ang itsura ng kwintas, basta ang natatandaan ko bilog ang hugis nito. Anting-anting ata 'yun base saitsura nito. Hindi ko masyadong nakita kung ano ang design nito.

Alam ko na, dahil siguro pag-aari iyon ng isang kaluluwa, naglaho ito kasabay ng nagma-may-ari nito!"

Siya rin ang sumagot sa kaniyang katanungan pero hindi pa ito makapaniwala sa mga nangyari.

Nagulantang si Timothy sa loob ng kaniyang kotse matapos tumili ng malakas si Sheena.

"Ano ba 'yan? Nakakagulat ka!" sabi ni Timothy.

"Nagkasundo na kami ng first client ko! Photoshoot siya at ikaw ang kukunin kong photographer. Tamang tama ang gustong theme ng client ko ay vintage. Ang naiisip kong location 'yung ancestral house niyo, pwede ba?"

"Ngayon ka pa nagsabi, ire-renovate na siya!" sagot ni Timothy.

"Nasimulan na ba?" namilog ang mga mata ni Sheena.

"Hindi pa naman kaso.." hindi pa tapos magpaliwanag si timothy nang biglang nagsalita si Sheena.

"Kaso? 'Wag ka nang mag-palusot, pwede ba?" nagsisimula nang maasar si Sheena.

"Hindi talaga!" pang-iinis ni Timothy.

"Wala ng kung ano-ano pang dahilan pa, iba ang bayad ko sa pagiging photographer mo at sa venue!" mabilis na pag-offer ni Sheena.

"'Yun pala, wala tayong problema diyan, ayos 'yan! Basta ako magpe-presyo ng venue." nabuhayan si Timothy at pumayag agad ito.

"Actually, may meeting kami mamaya." ipinakita ni Sheena kay Timothy ang message ng kaniyang client kung saan sila magkikita.

"Hala, hindi ko alam 'yan!" pagkukunwari ni Timothy.

"Ano pang silbi ng naka-install na navigation app diyan sa phone mo kung di mo naman binubuksan ,eh 'di gamitin mo ngayon!" sarkastikong sagot ni Sheena at naningkit ang mga mata nito.

***

Pagpasok nilang dalawa sa coffee shop, umupo muna silang dalawa habang hinihintay ang client na kikitain ni Sheena.

Chasing SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon