BAGO umuwi si Timothy at si Phoebe, dumaan muna sila sa isang grocery para mamili.
"Congrats nga pala, ang galing mo!" sambit ni Phoebe na may kasamang matamis na ngiti.
"Salamat" ang sagot ni Timothy at sinuklian niya rin ng matamis na ngiti si Phoebe.
"Welcome po, Sir!" sabat ng guard at inabot ang isang card na may number kay Timothy. Nginitian na lang ni Timothy ang guard kahit na hindi naman siya rito nagpapasalamat.
Ang mahalaga nasa timing ang lahat at hindi siya napagkamalang baliw nito.
Kumuha na siya ng cart pagpasok sa grocery at nagsimula na siyang mamili. Naisip ni Timothy na magluto na lang ng kaniyang pagkain para mamayang gabi kaya namili na rin siya ng mga ingredients. Inuna muna ni Timothy na mamili ng mga toiletries dahil malapit ng maubos ang kaniyang stock sa bahay.
Pagkatapos ay namili na si Timothy ng mga ingredients na kakailanganin niya para sa kaniyang hapunan ngunit hindi pa ito nakakapag-decide kung anong klaseng luto ang nais niya.
Bumili na lang siya ng iba't ibang ingredients na kakasya sa tatlong araw.
"Magluluto ka ba ng Sinigang? Marunong ako magluto, di mo pa yata naitatanong sa akin yan." panggugulo ni Phoebe habang namimili si Timothy.
"Pwede 'wag kang magulo?" sambit ni Timothy kay Phoebe at nabigla ang butcher habang inaabot sa kaniya ang biniling hilaw na manok.
Agad na kinuha ni Timothy ang manok at inilagay agad ito sa kaniyang cart.
Tinulak niya ang kaniyang cart ng mabilis papalayo. Humalakhak si Phoebe habang nakaupo ito sa cart habang tinutulak ito ni Timothy. Inilapit ni Timothy ang kaniyang mukha kay Phoebe at sinabing "Get lost!" pang-aasar ni Timothy at biglang naglaho si Phoebe.
***
Sinimulan na ni Timothy na lutuin ang mga sangkap na kaniyang nabili kanina sa grocery. Inuna niya na ang nabili niyang manok para gawing tinola. Nasa kalagitnaan na siya ng pagluluto nang mapansin niyang hindi siya nakabili ng malunggay.
Naalala niyang may tanim nito si Thelma sa kaniyang bakuran. Sakto namang pagsilip niya sa labas ng bahay ay nakita niya si Thelma na naglalakad papunta sa kaniyang bahay.
Pinatay niya agad ang kalan at dali-daling lumabas ng bahay para habulin si Thelma. Tinawag niya ito at pinapasok siya nito sa kanilang bahay, sumama si Phoebe kay Timothy.
Pagkapasok nilang dalawa sa bahay ni Thelma, ang bumungad sa kanila ay ang anak nitong si Tricia na nanonood ng t.v. sa sala.
"Good evening everyone!" pagbati ni Phoebe nang makatapak ito sa bahay ni Laura at mas nauna pa itong makapasok kaysa kay Timothy pero di naman niya ito alintana sapagkat alam niyang walang ibang nakakakita sa kaniya maliban kay Timothy.
"Magandang gabi!" bati ni Timothy bilang pagbibigay respeto at hinubad niya ang kaniyang tsinelas, iniwan niya ito malapit sa pintuan.
Sinuklian naman ni Tricia ng ngiti si Timothy at pinaupo siya nito.
"Ano ba ang kailangan mo, Timothy? Gabi na, ah." wika ni Thelma.
"Malunggay lang po, nakalimutan ko po kasing bumili kanina." sagot ni Timothy na may kasamang ngiti at tumingin ito kay Phoebe na para pang sinisisi niya ito kaya niya nakalimutang bumili ng malunggay kanina sa grocery.
"'Yun lang ba? Sige, ipagpipitas kita rito sa bakuran ko, maupo ka lang diyan." tugon ni Thelma. Lumabas ito at namitas ng malunggay sa kaniyang bakuran.
Di pa ito masyadong nakakatagal nang bumalik ito at dala na ang mga malunggay na pinitas nito sa kaniyang bakuran. Bago pa man niya ibigay ito kay Timothy, tinawag niya ito papunta sa kusina.
Naiwan lang si Phoebe sa sala na aliw na aliw sa pinanonood nito, hindi niya pinapansin ang ibang tao na kasama niya, ito ay si Tricia.
"Good evening din!" marahan na pagbati ni Tricia kay Phoebe.
Biglang kinabahan si Phoebe sa kaniyang narinig. Wala ng ibang tao sa sala kundi silang dalawa lang ng anak ni Thelma. Dahan-dahan niyang nilingon ito at tinitigan lamang.
Sinubukan lamang niyang hindi muna ito sagutin sa pag-aakalang hindi siya ang binabati nito.
Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin sa pagkakataong iyon. Nakangiti lamang sa kaniya si Tricia na para bang nag-aantay ito ng isasagot ni Phoebe.
"Hoy, sumagot ka! Hagis ko sa'yo 'tong kwintas kong krus, eh!" pananakot ni Tricia.
Doon nakasiguro si Phoebe na wala na itong iba pang kausap kundi siya.
"Eh 'di ihagis mo, sa tingin mo matatakot mo ko sa mga ganiyan mo? Sa 'yo na yan, di ako tinatablan niyan para sabihin ko sa'yo" sarkastikong sagot ni Phoebe kay Tricia.
"Ngayon lang ako nakakita ng multong palaban." sagot ni Tricia na ayaw magpatalo.
"Bakit? Ako ba ang unang multong um-attitude sa'yo?" tanong ni Phoebe ngunit hindi na sumagot pa si Tricia at inirapan na lamang siya nito.
"Sigurado ka bang nakikita mo ako?" dagdag pa nito.
"Oo nga!" tugon ni Tricia
Samantala, kaya niyaya ni Thelma si Timothy sa kaniyang kusina dahil kinutuban ito na tinola ang iluluto ng binata kaya inalok niya ito kung gusto ba nito ng sayote.
"Hindi na po, papaya po ang nilalagay ko sa tinola tsaka ayaw ko po ng sayote. Salamat na lang po." tugon ni Timothy sa alok ni Thelma.
"Wala ka na bang iba pang kailangan?" tanong ni Thelma.
"Okay na po" sagot ni Timothy. Wala itong kaalam-alam na nagsasagutan na pala ang kasama niya at ang anak ng may-ari ng bahay.
"Teka, nakatira ka do'n sa lumang bahay di ba?" sambit ni Tricia.
"Oo, bakit?" sagot ni Phoebe.
"What the.. so, haunted house pala yung bahay na yun? Kailan ka pa tumira do'n?" tanong ni Tricia.
"Ang OA naman kung haunted na ang tingin mo do'n porket nalaman mong nakatira ang isang tulad ko ro'n." tugon ni Phoebe.
"Eh, anong gusto mong itawag ko? Alam ba niyan ni pogi na may kasama siyang moomoo?" tanong ni Tricia at in-emphasize niya pa ang salitang moomoo na para bang nang-aasar.
"Salamat po, aalis na po ako" wika ni Timothy at nadinig ito ni Phoebe mula sa kusina. Agad itong tumayo para asarin si Tricia.
Umalis ito nang hindi nasasagot ang kaniyang tanong. Hanggang sa makalabas si Timothy at Phoebe sa bahay ni Thelma at nakatingin pa rin si Tricia kay Phoebe na nakadikit kay Timothy.
Lumingon si Phoebe at nakita niya si Tricia at nag-make face ito bilang pang-aasar kay Tricia. Sinara na lamang ni Tricia ang pintuan ng bahay.
BINABASA MO ANG
Chasing Sun
KorkuNagsimula ang lahat nang makakita si Timothy ng isang kakaibang bagay na hugis bola na nagliliyab habang umuulan. Nagkaroon siya ng kapangyarihan na makita ang nakaraan o ang hinaharap ng isang tao at nagkakatotoo ang kaniyang mga sinasabi. Kalakip...