Epilogue

19 3 0
                                    

NAPUNTA si Timothy sa isang madilim na lugar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAPUNTA si Timothy sa isang madilim na lugar. Wala siyang ibang makita sa lugar na iyon. Dahan-dahan siyang naglakad at kinakapa niya ang kaniyang dadaanan. Isang babae ang kaniyang nakita dahil may dala itong lampara. Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito.

Inabot nito ang kaniyang kamay kay Timothy at kinuha niya ito. Dinala siya nito sa mas malawinag na lugar. Doon niya nasilayan ang itsura ng babaeng may dalang lampara.

"Teka, kayo po ba yung..?" tanong ni Timothy at medyo nauutal ito.

"Ako nga ito, Timothy. Ako ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan. Tama ang hinala mo na may nakasunod sa iyo dahil sinusubaybayan ko ang bawat galaw mo pati sa panaginip mo. Iniiba ko nga lang ang itsura ko para hindi mo ako makilala. Nako-kontrol ko rin ang panaginip mo sa t'wing marami kang tanong sa isip mo. Tinitignan ko kung ginagamit mo sa tama ang kapangyarihang ibinigay ko sa'yo. Kahit ang pagdi-dilang anghel mo ay sa akin din nanggaling.

Alam ko marami ka pang tanong sa isip mo kaya nandito ako para ipaliwanag ang lahat. May dalang sumpa ang kwintas na nakita mo sa inyong bahay. Ang sumpa na ito ay may dalang kamatayan at pagdurusa. Ang mga taong lumapit sa'yo ay minsan na ring nag-may-ari ng gano'ng klaseng kwintas kaya masaya ako na natulungan mo sila.

Nalampasan mo ang kamatayan at naputol ko na agad ang sumpa kaya hindi mo na nakaharap ang pagdurusa. Ang tungkol sa panaginip mo na ikaw ay inililibing ng buhay ay pagpapakita ko sa'yo kung paano namatay si Phoebe.

Ito rin ang dahilan kung bakit nabura ang mga alaala ni Phoebe. Ang may gawa nito ay siya rin ang may gustong kunin ang kaluluwa mo. Ako rin ang nagbalik ng mga alaala niya, sa tulong ito ng kaibigan niya na nagngangalang Tricia. Nadinig ko ang dasal niya at isinakripisyo niya ang kaniyang sarili.

Ibabalik ko na sa normal ang buhay mo. Babawiin ko na ang kapangyarihang ibinigay ko sa'yo. Maging ang third eye mo ay isasara ko na.

Sundan mo ang liwanag na iyon at magaganap ang isang pangyayaring ninanais mo."

Sinundan ni Timothy ang isang liwanag na nakikita niya sa malayo. Nasilaw siya nang makalapit siya rito.

Nakatayo si Phoebe at Timothy sa isang mataas na lugar na kung saan tanaw nila ang buong siyudad. Naka-akbay si Timothy kay Phoebe habang ang ulo naman ni Phoebe ay nakasandal sa balikat ni Timothy. Masaya ang dalawa habang pinagmamasdan nila ang kanilang paligid lalo na ang kalangitan. Napakaganda ng buwan noong gabing iyon. Tila masaya ang buwan sa kanilang pagmamahalan. Hanggang sa niyakap nila ang isa't isa, hindi nila sinayang ang pagkakataong ito na ipakita kung ano ang kanilang nadarama. Lalong humigpit ang pagyakap nila sa isa't isa hanggang sa magdikit ang kanilang mga labi. Sa pagdampi nito sa kaniyang labi ay dama niya pagmamahal nito na sing init ng isang bagay na nagliliyab.

At dumilat si Timothy mula sa kaniyang pagkakahimlay na tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata.

"Ikaw pa rin ang pipiliin" wika ni Timothy.

-WAKAS-

Chasing SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon