Kabanata 7

526 16 0
                                    

NAPATIGIL si Timothy sa pagkain ang apat niyang kausap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAPATIGIL si Timothy sa pagkain ang apat niyang kausap. Kita sa kanilang mga mukha ang seryoso nilang expression sa sinabi ni Timothy. Lahat sila ay interesado sa alok ng binata at halos malaglag ang mga panga nila sa kanilang narinig.

"Hulaan?" ang pagkumpirma ni Thelma.

"Opo, tama po kayo. Mayroon po akong kakayahang manghula at 'yun po ang pinagkakaabalahan ko." ang sagot ni Timothy na may kasamang ngiti. Sa kaniyang ngiti ay kita mo na agad na mayroon itong balak.

"Ako nga hulaan mo!" wika ni Alma at inilapit niya ang kaniyang palad.

"Ako muna!" sabi ni Norma at bigla niyang hinampas ang palad ni Alma. Inilapit nilang lahat ang kanilang palad kay Timothy.

"Sandali! Ang uunahin ko po muna ay 'yung may-ari ng bahay." sabi ni Timothy. Pinaalis niya sa kaniyang tabi si Alma at doon niya pinaupo si Judith. Ang gusto niya lang talaga ay sumipsip kay Judith no'ng araw na iyon.

Kinuha niya ang mga kamay ni Judith at hinawakan ang mga palad nito. Pumikit siya ng ilang segundo at doon niya nakita ang isang pangyayari sa buhay ni Judith. 

Dumilat si Timothy pagkatapos niya itong makita.

"Malungkot po kayo ngayon dahil sa nangyari po sa nanay niyo." sabi ni Timothy kay Judith.

"Ang galing mo! Ako nga ang isunod mo" sabat ni Norma at siya naman ang umupo sa kinauupuan ni Judith. Gano'n din ang ginawa ni Timothy, hinawakan niya muna ang kamay ni Norma bago siya pumikit.

"Yung asawa niyo? Nakikita ko po na nasa mabuting kalagayan naman siya kahit na nasa abroad ito, ang mapapayo ko lang po ay mag-ingat po sa kaniyang trabaho." ang sabi ni Timothy kay Norma na lubos naman niyang ikinatuwa. 

Namangha si Norma kay Timothy dahil mistulang nahulaan din ng binata ang kung ano ang kaniyang gustong itanong para pahulaan.

"Ako naman ang hulaan mo, Timothy. Ako ang kasama mo sa pagpunta mo rito." at bigla namang bumalik sa dating puwesto si Alma pero pinaalis siya ni Thelma.

"Namomroblema po kayo ngayon dahil sa inyong pinagkakautangan, tama po ba? Kasi po..." mayroon pang sasabihin si Timothy at pinatigil na ito ni Thelma sa pagsasalita. 

Tawang-tawa naman ang tatlo nilang kasama dahil dito, inirapan na lang sila ni Thelma.

Umalis na si Thelma sa tabi ni Timothy para si Alma naman ang makapagpahula. Nanahimik si Thelma sa isang sulok matapos siyang mahulaan ni Timothy habang pinagtatawanan pa rin siya ng tatlo niyang kaibigan.

Sa una ay medyo nahihiya pa si Alma dahil sa nasabi nitong sikreto ni Thelma na nahulaan ni Timothy ngunit nakumbinsi rin ito ng mga kaibigan niya at napaupo rin siya ng mga ito sa tabi ni Timothy.

"Ayusin mo sasabihin mo, bibigwasan kita!" biro ni Alma kay Timothy. Ibinigay agad ni Alma ang palad niya kay Timothy atsaka niya ito hinawakan at pumikit ito.

"Nagagalit po kayo sa tuwing nakikita niyo po yung asawa niyo na kasama yung isa niyang ka-trabaho at gustong-gusto niyo pong magsiga sa bakuran niyo lalo na kapag nakikita niyong may sampay na pinapatuyo ang nasa katabi niyong bahay." sabi ni Timothy at nagtinginan ang tatlong magkakaibigan na nakikinig sa mga hula ni Timothy kay Alma.

"Ayyy, correct ka diyan!" sabat ni Judith at um-apir ito kay Norma. Inubos na nila ang kanilang mga pagkain pagkatapos nilang mahulaan.

"Okay po ba?" tanong ni Timothy matapos hulaan ang mga bago niyang kapitbahay.

"Oo naman, ang galing mo nga, eh!" sagot ni Judith.


"Sa uulitin, ah!" sabi ni Norma

"Tumigil ka nga diyan, Norma! Baka may bayad na sa susunod." sabat ni Alma.

"Oo nga, teka! Magkano ba talent fee mo? Friend ka na namin kaya kung may bayad man dapat presyong mag-kumare lang!" wika ni Norma.


"Ayun nga po, may favor po kasi ako.", oras na para banggitin ni Timothy ang kaniyang rason kung bakit siya sumunod sa pag-imbita ni Alma. 

"Sa mga itsura niyo po kanina ay halatang na-convinced ko kayo at talaga namang na-amazed kayo. Puwede po bang tulungan niyo po akong i-rekominda sa mga kaibigan o kaya sa mga kakilala niyo? Pero 'wag po kayong mag-alala dahil libre na kayo tutal pinag-meryenda ninyo naman ako."

"Oo naman, ibigay mo sa amin ang number mo" sabi ni Judith at inabot nito ang isang notebook at ballpen. Si Thelma at Norma naman ay inabot ang dala nilang mga cellphone para doon i-save ang number ni Timothy.

"Thank you po, ah!" pasasalamat ni Timothy sa apat niyang kasama. Nagtagumpay siya sa kaniyang plano! Nagpaalam si Timothy sa mga kasama nito nang mapansin nito na madilim na. Umuwi sa bahay si Timothy nang may ngiti sa kaniyang mga labi.

***

"Saan ka galing?" tanong ni Phoebe kay Timothy nang makita niya itong nakauwi.

"Diyan lang sa kapitbahay, sayang may dala akong pagkain kaso di nga pala kumakain ang mga multo." pang-aasar ni Timothy.

"Ano naman ginawa mo roon? Sabi mo naiinis ka sa kanila, 'di ba?" tanong ni Phoebe

"Bakit nagseselos ka?" muling pang-aasar ni Timothy

"Hindi! Ako, magseselos sa matatanda?" natawa na lang si Phoebe, "At saka bakit ako magseselos, boyfriend ba kita?"

"Hindi!" mabilis na sagot ni Timothy.

"Ano naman ang ginawa mo sa buong mag-hapon habang wala ako?" dagdag pa nito.

"Wala, naka-dungaw lang ako sa bintana do'n sa taas", tugon ni Phoebe.

Pinagmasdan ni Timothy ang mukha ni Phoebe. Sa tuwing nakikita niya ang maamong mukha ng kasama niya, hindi mo ito aakalaing multo maliban na lang sa kaniya na kayang tukuyin kung tao ba o multo ang kaniyang nakikita.

Naaalala niya pa rin ang kanilang unang beses na pagkikita at kung paano siya nito nasindak dahil sa itsura ni Phoebe noong gabing iyon.

"Ano naman ang iniisip mo habang nakatunganga ka sa bintana?" tanong ni Timothy.

"Kung bakit wala pa rin akong maalala? Kung bakit nandito pa rin ako? Kung bakit ikaw lang ang nakakakita sa akin noong gabing iyon?" napakaraming "bakit" ang nasa isip ni Phoebe kaninang hapon pero wala siyang nahanap ni isang dahilan mula sa mga katanungan sa kaniyang isip.

Ngayong gabi, nakita na naman ni Timothy na malungkot si Phobe at muli na namang naawa si Timothy kay Phoebe dahil kahit siya ay hindi alam kung paano sagutin ang mga tanong ni Phoebe kahit isa. Hindi man niya alam ang sagot sa ngayon pero may tiwala siya sa kaniyang sarili kung paano ito masasagot at alam niyang may magagawa pa siya. 

Hindi maalis sa isipan niya si Phoebe. Naipangako niya na sa kaniyang sarili na isasama niya si Phoebe sa kaniyang misyon sa pagtira sa ancestral house.



"Isasama kita sa tuwing aalis ako baka sakaling may maalala ka."

Chasing SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon