Kabanata 17

15 4 0
                                    

"Pwede bang tulungan mo ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pwede bang tulungan mo ako." pakiusap ni Phoebe kay Tricia noong isang araw.

"Ano namang klaseng tulong 'yan?" tanong ni Tricia.

"Pwede bang hanapin mo 'yung magulang ko kapag nagbalik na ang mga alaala ko?"

"Bakit ako pa? 'Di ba tutulungan ka na rin naman ni Timothy, bakit di na lang siya?" reklamo ni Tricia.

"Eh, nahihiya kasi ako, 'yung matulungan niya lang akong maibalik ang mga alaala ko, para sa akin, malaking bagay na yun. Nahihiya akong humingi pa ulit ng tulong. Masyado ng mahirap ang pinapagawa ko sa kaniya. Ang tagal na naming magkasama pero kahit isa wala pa akong naaalala. Siguro kahit yung nanay ko lang, kahit siya lang yung mahanap mo okay na ako." paliwanag ni Phoebe.

Ilan lang ito sa mga tumatak sa isip ni Tricia mula sa mga napag-usapan nila ni Phoebe kahapon.

"Tricia, ano ba naman 'yang ginagawa mo? Wala ka bang balak patayin 'yang gripo?" sigaw ni Thelma sa kaniya nang makita siyang tulala at doon niya pinatay ang gripo na kanina pa tulo ng tulo habang umaapaw ang lababo.

Hindi maalis-alis sa kaniyang isip ang pabor na hinihingi sa kaniya ni Phoebe. Pagkatapos niyang mag-almusal, umakyat siya agad papunta sa kaniyang kwarto.

Ito ang unang beses na may isang kaluluwang ligaw na nanghingi ng tulong sa kaniya. Talagang kakaiba si Phoebe sa mga kaluluwang nakasalumha niya.

***

Hindi pa nag-aalmusal si Timothy nang bumiyahe ito papunta sa kanilang bahay kung saan kasama niya ang kaniyang magulang. Dala-dala niya ang envelope na naglalaman ng mga papeles na bigay ni Don Salazar kahapon nang magkita sila.

Habang siya ay nagmamaneho, sinusubukan niyag pigilan ang kaniyang emosyon. Iritableng- iritable siya sa mga pagkakataong iyon.

"Bahala na, hangga't hindi ko nakakausap ang tatay ko tungkol dito, hindi dapat ako magalit"

Nakarating naman si Timothy ng ligtas at walang aberya sa kanilang bahay sa Maynila. Pagdating sa kanilang bahay, dumiretso siya agad sa isang kuwarto kung saan nakatago ang mga importanteng papeles ng kanilang pamilya.

Dumating siya rito nang hindi man lang nagpahiwatig na siya ay dumating sa kanilang bahay.

Nagulat ang kaniyang nanay nang makita siya nito dahil sa kaniyang 'di inaasahang pagdating.

"Timothy, bakit di ka nagsabi na dadating ka?" ang tanong ng ina ni Timothy habang ito ay may bitbit na basket na puno ng mga labada. Sa itsura nito, halatang abala ito sa mga gawaing bahay.

"Ano ba 'yang hinahanap mo diyan?" dagdag nito.

"Lahat po ng mga papeles na may kinalaman sa ancestral house." sagot ni Timothy habang patuloy pa rin sa pagkalkal ng iba pang mga papeles sa kabinet.

"Ano ba 'yang ginawa mo? Pauwi na ang tatay mo, mabuti pa kung hayaan mo na lang na siya ang maghanap no'n para sa'yo. Ang aga-aga at kakadating mo pa lang, ayan agad ang inatupag mo. Nag-almusal ka na ba? Halika na, sabayan mo akong mag-almusal. Itigil mo muna yan" sabi ng ina ni Timothy nang makitang magulo ang mga papeles na nakasabog sa sahig.

Pagkatapos nito, inayos muna ni Timothy ang mga papeles na nakakalat at siya ay nag-almusal muna. Di pa sila masyadong nagtatagal nang sila ay magsimulang kumain nang dumating ang ama ni Timothy.

Kumain silang tatlo nang sabay-sabay at masaya ang mga magulang ni Timothy sa kaniyang pagbisita sa kanilang bahay.

Sinimulan nang ipaalam ni Timothy sa kaniyang mga magulang ang tunay na dahilan kung bakit biglaan ang kaniyang pag-uwi sa kanilang bahay.

Doon ay ikinwento niya ang lahat ng tungkol kay Don Salazar mula sa una nilang pagkikita hanggang sa huli nilang pagkikita kasama na ang papeles na ibinigay nito.

"Hindi ko alam kung bakit niya pinag-i-interesan ang bahay natin. Matagal ko na siyang kilala sa ating lugar at ngayon ko lang nabalitaan na konsehal na pala siya.

Mayroon na siyang kapangyarihan kaya siguro ang lakas ng loob niyang ibigay ang dokumento na ito." Hindi makapaniwala ang tatay ni Timothy sa mga narinig nito. Ipinakita ni Timothy ang envelope na ibinigay ni Don Salazar.

"Sa una pa lang, nagtataka na ako kasi parang imposible ang ipinapakita ng dokumentong ito. Subukan niyo pong basahin ng buo." utos ni Timothy sa kaniyang ama.

"Imposible nga, palsipikado ang dokumentong ito. Sino siya para gawin sa atin 'to?" doon nagsimulang magalit ang tatay ni Timothy.

"Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ginagawa 'to. Nakukutuban ko na mayroon siyang tinatago kaya gustong gusto niyang bilhin ang bahay." sagot ni Timothy.

Pagkatapos nilang kumain, dumiretso agad ang tatay ni Timothy para ipunin ang lahat ng mga dokumentong may kinalaman sa kanilang ancestral house. Inilagay niya ang lahat ng mga papeles sa isang envelope at ibinigay kay Timothy.

Mag-isa na si Timothy sa kuwartong iyon at isa-isa niyang binasa ang lahat ng mga dokumentong nakalagay dito. Kinumpara niya ang mga dokumento na kaniyang hawak at sa dokumentong galing kay Don Salazar.

"Don Salazar, hindi kami tanga rito para maniwala sa sarili mong mga paandar. Hindi mo mabibili ang bahay at ang kinatitirikan nito. Ano ba ang meron at bakit sobrang interesado ka sa aming ancestral house?" ang pagtataka ni Timothy.

"Timothy, 'pag tapos ka na diyan at kung wala ka ng ginagawa, dumaan ka sa bahay ng tiyahin mo. Bumalik ka na lang mamayang tanghali at ipagluluto kita ng paborito mong ulam." Sabi ng kaniyang nanay.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa para tignan ang oras. Nakita niya sa notification na nag missed call at may dalawang text mula sa kaniyang tiyahin na si Laura.

Laura: Timothy nandito ka ba sa Maynila?

Laura: Daan ka muna sa bahay, saglit lang.

Timothy: Bakit po? Haha

Nagtaka si Timothy kung bakit siya niyaya nito. Ang kutob niya ay baka mayroon itong bagong natuklasan tungkol sa kaniyang kakayahan.

"May paraan na siguro para mawala ang kapangyarihan ko o baka may pangontra na siguro tungkol sa death na card na nabunot ko?" sabi ni Timothy sa kaniyang sarili.

Muling nag-notify ang cellphone ni Timothy at nang tignan niya ito, nag-reply si Laura sa kaniyang message.

Laura: pumunta ka na lang at may sasabihin lang ako, saglit lang.

Chasing SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon