"Totoo ba ang nakita ko? Isang kaluluwa ang nagligtas sa akin sa gitna ng bingit ng kamatayan!
Paano niya ako nasundan dito?
Ililigtas niya ba ako sa pagkakataong iyon o sa nasaktuhan lang na sa lugar na iyon namamahay ang kaniyang kaluluwa at nabulabog ito?
Ang mahalagay ay nakaligtas ako! Mayroon pa akong misyon na dapat kong gampanan. May dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng 'to."
KUNG ANO ANG ITSURA ni Phoebe noong una siyang nakita ni Timothy ay ganoon ang kaniyang itsura noong gabing iyon. Nanginig sa takot ang dalawang kawatan at dali-daling umalis ito papalayo sa bahay. Agad na tinawag ni Timothy si Mang Damian at tumawag naman ito ng pulis. Pumunta ang mga pulis sa lugar para imbistigahan ang insidente.
Pagnanakaw ang sinabi ni Timothy sa mga pulis na motibo ng dalawang kawatan. Ang pangyayaring ito ay mabilis na kumalat sa buong bayan at naging laman ng usap-usapan.
****
"Di ka ba magte-Thank you? Niligtas kita, oh!"
"Sala..." hindi pa natatapos ang sasabihin ni Timothy nang muli niyang makita si Phoebe. This time, iba na ang anyo nito. Wala ng kahit anong bahid ng dugo sa katawan nito, parang normal na tao lang ito. Napukaw ang atensiyon niya sa maaliwalas nitong mukha.
Hindi nga siya nagkakamali na may itsura nga itong si Phoebe. Naisip niyang maganda siguro ito nung nabubuhay pa siya. Maayos man ang itsura nito ngunit mayroon pa rin itong katangian na nakikita si Timothy ngunit hindi niya masabi, ito ay kapag nakita mo ay alam mong isa itong multo.
"Namatay kaya siyang single?" tanong niya sa kaniyang sarili at kung anu-ano pa ang pumasok sa kaniyang isip.
Teka, bakit ko nga ba tinatanong sa sarili ko yun?
Hanggang sa na-curious ito bigla kung bakit nga ba ito namatay. May naganap bang krimen sa likod ng kaniyang pagkamatay o siya rin ang tumapos sa kaniyang buhay? Mahirap husgahan ang isang tao o bagay lalo na kung wala kang alam sa kwento nito.
"Salamat, kundi dahil sa'yo baka siguro tuluyang maging magkasama tayo." at biglang tumawa
si Timothy.
"Bakit naman hindi? Para naman siguro hindi ako nag-iisa." bulong ni Phoebe.
"Tatawa ka na lang diyan, di mo ba aayusin ang mga gamit, ang gulo-gulo!" sambit ni Phoebe sabay irap kay Timothy.
"Sino ba kasi ang may gawa niyan?" sabi ni Timothy at biglang naglaho si Phoebe.
Nakarinig si Timothy ng sunod-sunod na malalakas na katok mula sa gate ng bahay. Gawa ito sa makakapal na bakal kaya ganun na lamang kalakas ang tunog nito.
"Sandali!" sigaw ni Timothy, sinilip niya muna kung sino ang kumakatok bago niya ito buksan.
"Ano pong kailangan nila?" bungad ni Timothy.
Unang tingin pa lang nang makita niya ang mga kumakatok ay alam niya ng mga tsismosa ito, isang grupo yata ang nagtungo para lang makasagap ng tsismis tungkol sa nangyari noong gabi. Makikita mo sa mga mata nila na ganadong ganado silang makarinig ng kuwento mula kay Timothy bilang siya ang nakita ng mga ito na kausap ng mga pulis.
"Magtatanong lang kami tungkol sa..." tanong ng isang tsismosa.
"Okay na po ang lahat, salamat po!" di niya na ito pinag-aksayahan pa ng panahon,
Agad niya itong pinagsarhan ng gate at bumalik na sa pag-aayos ng mga nagulong gamit. Habang inaayos ni Timothy ang mga gamit, iniisa-isa niya rin ang iba pang mga gamit kung ano ba sa tingin niya ang mainit sa mga mata ng magnanakaw pero parang wala naman. Karamihan sa mga gamit ay mga furnitures lamang at mga banga at kaunting mga figurine. Wala kang ibang gamit na makikita roon na gawa sa pilak o ginto kaya nagtataka si Timothy.
Sumilip sa bintana si Timothy at nakita niyang magkakasama pa rin ang grupo ng mga kababaihan na kumatok kanina sa gate para makasagap ng tsismis.
"Ano ba kasi yung nabalitaan niyo sa bahay na 'yan?"
"May pulis daw diyan noong isang gabi, mukhang may mga akyat-bahay yata! Pero ngayon ko lang nakita yung lalaking nagbukas ng gate, bagong caretaker kaya? Nasaan na kaya si Damian?"
"Alam niyo, may itsura siya kaso suplado"
"Sinabi mo pa!"
"Hindi kaya siya yung may-ari?"
"Hindi naman siguro tsaka ang bata niya pa masyado."
"Eh 'di baka siguro sa pamilya nila. Hindi ko pa kasi nakikita ang mga may-ari ng bahay na 'yan. Caretaker lang ang nakikita ko."
Ito ang usapan ng isang grupo ng mga tsismosa, apat silang nagtsi-tsismisan ng tanghaling tapat. Dinig ito ni Timothy mula sa ikalawang palapag ng bahay, tinawanan na lamang niya ang mga salitang narinig niya mula dito.
Napansin ni Timothy na walang masiyadong tao sa paligid ng bahay maliban lang dun sa apat na tsismosa na kaniyang namataan.
Naayos na ni Timothy ang lahat ng bagay sa kanilang ancestral house pati ang kotse na kaniyang ginamit kaya't naisipan na nitong bumalik na sa Maynila.
Ilang araw na siyang hindi nakakapasok sa kaniyang trabaho kaya siguradong tambak ang kaniyang gagawin. Pagdating sa Maynila, ang una niyang pinuntahan ay ang opisina na kaniyang pinagtatrabahuhan. Agad niyang pinuntahan ang kaniyang manager at ibinigay ang kaniyang resignation letter.
BINABASA MO ANG
Chasing Sun
HorrorNagsimula ang lahat nang makakita si Timothy ng isang kakaibang bagay na hugis bola na nagliliyab habang umuulan. Nagkaroon siya ng kapangyarihan na makita ang nakaraan o ang hinaharap ng isang tao at nagkakatotoo ang kaniyang mga sinasabi. Kalakip...